Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Naipapakita ang mga kanais-nais na kilos ng isang matapat na mamamayang Pilipino tungo sa
ikabubuti ng sambayanang Pilipino

Pagpapahalaga: Pagtittiwala sa sarili

II. PAKSANG-ARALIN
Pagiging Mamamayang Pilipino/Pagkawala at Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayan.

Sanggunian: BEC III B.1, p. 21


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 140-143
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.144-148
Kagamitan: Larawan ng mga mamamayang Pilipino

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
 Anu-ano ang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan?
 Bakit kailangang maningil ng buwis ang pamahalaan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Pagpapakita ng larawan
 Anu-ano ang karapatan at pananagutang ito kaugnay ng pagiging mamamayang Pilipino?

2. Paglalahad:
Ayon sa Saligang Batas, sinu-sino lamang ang maituturing na mamamayan ng bansa?

3. Basahin ang teksto

4. Pagtalakay:
 Ano ang dalawang kahulugan ng pagiging mamamayang Pilipino. Anu-anong
katangian ang kailangang taglayin ng isang mamamayang Pilipino?
 Sinu-sinong mga dayuhan ang hindi pinapayagang maging naturalisadong
mamamayang Pilipino?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Sino ang mamamayang Pilipino
Dalawang uri ng mamamayang Pilipino
1. Katutubong mamamayang Pilipino
2. Mamamayang naturalisadao

2. Paglalapat:
Kung ikaw ay pipiliin ng iyong pagkamamayan, pipiliin mo bang maging Pilipino?
Bakit?
3. Pagpapahalaga:
Paano mo maipapakita ang pagiging mamamayang Pilipino?

IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang mga sumusunod
1. Ang ama ni Roel Torres ay isang mamamayang Pilipino. Si Roel ay _____________.
2. Ang ina ni Tina Duarez ay isang mamamayang Pilipino. Si Tina ay ______________.
3. Maaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino ni Theresa Johnson dahil _________.

V. KASUNDUAN:
Ipaliwanag ang mga sumusunod.
1. Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayan?
2. Paano makakamit ang pagkamamamayang Pilipino?
3. Paano magiging naturalisadong mamamayang Pilipino?
4. Paano mawawala ang pagkamamayang Pilipino?
5. Paano muling nakakamit ang pagkamamayang Pilipino?
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Nasasabi ang mga karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga mamamayang Pilipino ayon sa
Saligang Batas ng 1987

Pagpapahalaga: Pagsunod sa batas

II. PAKSANG-ARALIN
Mga Karapatan at Kalayaan ng mga Pilipino

Sanggunian: BEC III B.2, p. 21


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 147-149
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.149-160
Kagamitan:

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas?
Pano makakamit nag nawawala at muling nakakamit ang pagkamamamayang Pilipino?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ano ang katipunan ng mga karapatan?
Ano ang karapatan mo bilang mamamayan ng Pilipinas?

2. Paglalahad:
Pagpapangkat-pangkat
Pagbasa sa paksang itinakda
Pag-uulat ng mga impormasyong nakuha.

3. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayang Pilipino ayon sa Saligang
Batas?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tatlong Pangunahing Karapatan:
1. Karapatan ng pagmamay-ari
2. Karapatan sa kalayaan
3. Karapatan sa buhay ng isang Pilipino

2. Paglalapat:
Alin sa mga karapatan mo ang nailabag kapag sinakop ng kapitbahay ang isang bahagi ng
iyong lupa?

3. Pagpapahalaga:
Bilang mamamayang Pilipino, dapat mo bang sundin ang mga batas na pinatutupad
ng pamahalaan?

IV. PAGTATAYA:
Isulat kung anong uri ng karapatan ito.
________ 1. Nilipat si Mang Kanor dahil sa kanyang nakahahawang sakit.
________ 2. Ipinarada ni G. Torres ang kanyang sasakyan sa harapan ng bakuran ni Mang Tonyo.
________ 3. Pumili ng sariling relihiyon.

V. KASUNDUAN:
Magsulat ng sanaysay tungkol sa paksang “Buhay, kalayaan at pagmamay-ari ng kalayaan ng
bawat mamamayang Pilipino?
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Natatalakay ang mga pangyayaring nakahahadlang sa pagtatamasa ng gma karapatan.

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga karapatang tinatamasa

II. PAKSANG-ARALIN
Pangangalaga sa Karapatan

Sanggunian: BEC III B.4, p. 21


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 178-186
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.150-154
Kagamitan:

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Bakit mahalaga ang mga karapatan at kalayan ng tao sa kaunlaran ng tao sa kaunlaran at
sa pangangalaga ng demoksrasya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ano ang karapatan mo bilang isang bata?

2. Paglalahad:

3. Pagtalakay:
Ano ang karapatan ng bata? Paano pinangangalagaan ng batas ang karapatan ng mga
batang sangol? Ano rin ang karapatan ng isang katulong? Paano rin pinangangalagaan ang
mga karapatan ng mga katulong?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga halimbawa ng paraang nakatutulong sa pangangalaga sa mga karapatan
ng tao? Ng mga pangyayaring nakahahadlang sa pangangalaga sa mga karapatan ng tao?

2. Paglalapat:
Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang tinatamasa mo sa kasalukuyan?
3. Pagpapahalaga:
Ano ang dapat mong gawin para mapanatili mo ang iyong mga karapatan?

IV. PAGTATAYA:
Magbigay ng 5 halimbawa ng pangangalaga sa mga karapatan. Ipaliwanag ang bawat isa.

V. KASUNDUAN:
Gumupit sa pahayagan ng isang artikuling kinasasangkutan ng bata o mga batang lumabag sa
batas. Isulat ang iyong kuro-kuro ukol dito.
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Natatalakay ang kahalagahan ng pagtupag sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko ng mga
mamamayan.

Pagpapahalaga: Pagpapakita ng tamang pagtupad sa mga tungkulin

II. PAKSANG-ARALIN
Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkulin

Sanggunian: BEC III B.4, p. 21


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 164-167
Kagamitan: Larawang nagpapakita ng paglilingkod sa mga mamamayang Pilipino

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pangyayaring nakahahadlang sa pagtatamasa ng mga karapatan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga tungkulin panlipunan at pansibiko?

2. Paglalahad:
Paggamit ng aklat: “Pilipinas: Bansang papaunlad pahina 164-167

3. Pagtalakay:
 Ano ang tinatawag na tungkuling panlipunan? Tungkuling pansibiko?
 Anu-ano ang mga tungkuling panlipunan ng mga mamamayan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
 Anu-ano ang mga tungkuling panlipunan at pansibiko ng mga mamamayan?
 Ano ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkuling ito?

2. Paglalapat:
Ano ang palagay mo ang mangyayari kapag hindi tinupad ang mga tungkuling
panlipunan at pansibiko ng mga mamamayan?
3. Pagpapahalaga:
Paano mo maipapakita ang tamang pagtupad sa tungkulin, kung ikaw ay isang
kawani ng pamahalaan?

IV. PAGTATAYA:
1. Ano ang tinatawag na tungkuling pansibiko ng mga mamamayan? Magbigay ng ilang halimbawa
nito?
2. Ano ang tinatawag na tungkuling panlipunan at halimbawa nito?

V. KASUNDUAN:
Sumulat ng talata, “Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkuling Pansibiko at Panlipunan ng
mga Mamamayan”.
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga kalayaan at karapatan ng tao sa kaunlaran at sa
pangangalaga ng demokrasya.

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng Kalayaan at Karapatan

II. PAKSANG-ARALIN
Kahalagahan ng mga Kalayaan at Karapatan

Sanggunian: BEC III B.5, p. 21


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 152-155
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6
Kagamitan: Mga larawan na nagpapakita ng mga kalayaan at karapatan ng mga Pilipino

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga karapatan at kalayaang tinatamasa ng mga mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas 1987?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga karapatan mo bilang mamamayan?

2. Paglalahad:
Pagbasa sa aralin tungkol sa mga kalayaan at karapatan.

4. Pagtalakay:
Mahalaga ba ang mga kalayaan at karapatan ng tao sa kaunlaran at sa pangangalaga ng
demokrasya ng bansa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:

2. Paglalapat:
Ano ang mangyayari sa bansa kapag walang kalayaan at karapatang tinatamasa ang mga
mamamayan?

3. Pagpapahalaga:
Ano ang kahalagahan ng mga kalayaan at karapatan ng tao sa pangangalaga ng
demokrasya?
IV. PAGTATAYA:
Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga kalayan at karapatan ng tao sa kaunlaran at sa
pangangalaga ng demokrasya ng bansa.

V. KASUNDUAN:
Magsulat ng sanaysay tungkol dito:
- Mga kalayaan at karapatan ng mga mamamayan sa pagpapaunlad at pangangalaga ng demorasya
ng Pilipinas.
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Natatalakay ang kahalagahan ng soberanya sa pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa.

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa

II. PAKSANG-ARALIN
Pilipinas: Bansang Malaya

Sanggunian: BEC III A.1, p. 22


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 179
Kagamitan: Tsart (balik-aral), tsart ng awit, world map, semantic web

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Balik-aral tungkolsa matalino at matapat na pagboto at paghalalan ng matapat na pinuno
sa mga gawaing pambayan sa pamamagitan ng pagpuno ng mga nawawalang titik o letra.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Awitin ang “Pilipinas kong Mahl”
Pag-usapan ang nilalaman ng awit.

2. Paglalahad:
Magpakita ng larawang ang nakasentro ay ang nakawagayway na watawat ng Pilipinas.

3. Ipaawit muli ang “Pilipinas Kong Mahal”, pagtalakayan ang isinasaad nito.

4. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga naging pagbabago sa kalayaan ng bansa. Nang maibalik dito ang ganap
na kalayaan?

5. Talakayan:
a. Talakayin ang mga sagot na ginagawang paghihinuha ng mga bata.
b. Ipabasa ang batayang aklat at ipabigay ang kahulugan ng Malaya o soberanya.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipabuod ang pinag-aralan sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa soberanya.
2. Pagpapahalaga:
Paano mo maipamamalas ang pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa?

IV. PAGTATAYA:
Punan ng tamang sago tang bawat patlang.
________ 1. Ang katawagang ito ay tumutukoy sa kapangyarihang kinikilala ng mga bansang
Malaya.
________ 2. Taon nang ganap na lumaya ang Pilipinas sa kamay ng Estados Unidos.
________ 3. Ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ay tanda ng pagkakataon nito. Pagkilala ito ng
dayuhan sa kakayahan ng mga Pilipinong mamuhay ng Malaya.
V. KASUNDUAN:
Sagutin ang mga sumusunod.
1. Anu-ano ang katangian ng isang estado?
2. Anu-ano ang katangian ng Pilipinas bilang soberanong estado?
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng panloob na soberanya (internal sovereignty) at panlabas na
soberanya (external sovereignty) ng bansa.

Pagpapahalaga: Pagpapasakop

II. PAKSANG-ARALIN
Dalawang Uri ng Soberanya

Sanggunian: BEC III A.1.1, 1.2, p. 22


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 180
Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bagong Bansa 6 , pp.194-196
Kagamitan: puzzle, larawan ng tatak ng Pilipinas, discussion web

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Buuin ang puzzle na inihanda at idinikit ng guro sa loob ng paaralan, basahin at ilahad
ang mga katangian ng bansang Malaya at may soberanya.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ipakita sa mga bata ang tatak ng Pilipinas.
Pag-usapan ang tatak ng Pilipinas at kung ano ang ibig sabihin nito.

2. Paglalahad:
Ilahad ang dalawang uri ng soberanya.

3. Pangkatin ang mga bata sa dalawa at basahin ang teksto sa p.180, Pilipinas: Bansang
Papaunlad.

4. Pagtatalakayan at pag-uulat ng bawat grupo gamit ang Discussion Web tungkol sa


kahalagahan ng dalawang uri ng soberanya.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ang soberanyang panloob ay ang kapangyarihan ng Pilipinas ng mamahala sa
nasasakupan nito. Bilang isang Malaya at demokratikong bansa, ang kapangyarihang
pampamahalaan nito ay nasa mamamayan.
Ang soberanyang panlabas ay ang kapangyarihan ng bansang matupad ang LAYUNIN:g
mapabuti at mapaunlad ang mga mamamayan at ang Pilipinas.

2. Pagpapahalaga:
Bakit mahalagang magkaroon ng kapangyarihan ang Pilipinas sa pamamahala sa buong
bansa?
IV. PAGTATAYA:
Isulat ang tamang “heading” ng mga pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang.
a. Soberanyang panloob
b. Soberanyang panlabas
_________ 1. Ito ang kapangyarihan ng Pilipinas na mamahala sa buo nitong nasasakupan, ang
kapangyarihang pampamahalaan.
_________ 2. Ito ang kapangyarihan ng isang bansang isakatuparan ang mga LAYUNIN: at mithiin
nito para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas.
_________ 3. Ito ang kapangyarihang lumutas ng anumang suliranin o kaguluhan sa bansa nang
hindi pakikialaman o panghihimasukan ng alinmang bansa.

V. KASUNDUAN:
Talakayin muli ang dalawang uri ng soberanya gamit ang Venn Diagram.
HEKASI VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:
 Naiisa-isa ang mga karapatang tinamo ng bansa nang ito ay magkamit ng ganap na kalayaan

Pagpapahalaga: Pagtatamasa sa kalayaan at karapatan ng bansa

II. PAKSANG-ARALIN
Mga Karapatan ng Bansa

Sanggunian: BEC III A.2.1, 1.2, p. 22


Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 181-184
Kagamitan: “crack the code” tsart, fish bone map

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan:
2. Balik-aral:
Sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng mga numero at katumbas nitong letra
upang mabuo ang salita.
1. Ito ang katawagang tumutukoy sa kapangyarihang kinikilala ng mga bansang Malaya.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Paglalahad ng fishbone map. Anu-ano ang mga karapatan ng Pilipinas?

2. Talakayan:
Isa-isahin ang mga karapatan ng bansa. Gamitin ang fishbone map.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ang pagiging Malaya ng Pilipinas ay nagbigay rito ng mga karapatan at kalayaan, ilan sa
mga ito ang mga sumusunod.
a. Karapatang makapagsarili
b. Karapatan sa pantay na pagkilala
c. Karapatang mamahala sa nasasakupan

2. Pagpapahalaga:
Sa inyong palagay, tinatamasa ba ng Pilipinas ang lahat ng mga karapatang dapat nitong
tamasahin bilang malayang bansa? Ipaliwanag ang sagot.
IV. PAGTATAYA:
Sabihin kung anong karapatan ang tinatamasa ng Pilipinas batay sa sumusunod na kalagayan.
1. Lumagda ang Pilipinas at Iraq sa isang KASUNDUAN:g pangkalakalan.
2. May mga hukbong nagpapatrolya sa mga hangganan ng teritoryo ng bansa.
3. Bumubuo ng mga batas ang pamahalaan upang maging patnubay ng mga mamamahala at
nasasakupan.

V. KASUNDUAN:
Magtala ng ilang KASUNDUAN:g pinapasukan ng Pilipinas at ng ibang bansa sa kasalukuyan.

Quick access to more DepEd stuff: Deped tambayan club

You might also like