Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Salamat Po Nanay Mering, Paalam sa Iyo

Ang salitang Emerita is pambabaeng bersyon ng titulong Emeritus sa wikang latin na


ngangahulugang isang retiradong pinuno ngunit nananatili sa kanya ang karangalan at integridad
bilang isang pinuno bilang pagkilala at pagrespeto. Siya ay madalas kinukonsulta o hinihingian ng
payo ng kasalukuyang nakaupong pinuno upang lalong mapaganda at mapaunlad ang gawain at
gampaning isasakatuparan.

Karamihan po sa atin kung hindi man lahat ng nakakakilala kay Nanay Mering ay
makapagpapatotoo na ang salitang emerita ay tunay na nakaukit sa pagkatao ni Nanay Emirita mula
sa pagiging ina, asawa, kaibigan at higit sa lahat pinuno ng ating samahan-Ang Baranggay Pastoral
Council ng Amungan. Nanay Emerita mula sa kalakasan ng pangangatawan na naghandong ng
kanyang sarili sa simbahan at sa mga nangangailangan hanggang sa Nanay Emerita na nasa
retiradong edad ay lalo pang nagpursige sa paglilingkod, pisikal man, pinansyal, emosyonal,
intelektwal na tulong, siya’y laging handang magbahagi sa abot ng kanyang makakaya. Isang pinuno
na kahit pinareretiro na ng kanyang edad at kalusugan ay lalo pang nagsumikap upang pausbungin
at palaguin ang diwa ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa at sa simbahan. Sa kanyang
kababaang-loob, siya’y nagbibigay ng inspirasyon at magandang ehemplo sa iba.

Kaya nga kung pagninilayan natin ang bawat titik sa kanyang pangalan higit po natin siyang
makikilala:

E-Enthusiasm sa tagalog “Sigasig”- ang isang taong enthusiastic ay yung taong masigasig sa
pagtupad ng kanyang tungkulin. Masaya siya habang naglilingkod. Kasiyahan para kay Nanay
Mering ang makapaglingkod sa simbahan at sa kanyang kapwa. Di alintana ang edad, karamdaman
at iba pang pagsubok sa buhay. Para sa kanya habang siya’y naglilingkod sa Diyos, siya’y patuloy na
pinalulusog at binibiyayaan sampu ng kanyang buong pamilya. Kaya si Nanay Mering ay
ENTHUSIASTIC.

M-Modesty sa tagalog “kahinahunan”- normal sa isang tao ang magalit ngunit sa pagharap ng bawat
suliranin o pagsubok sa paglilingkod napakahalaga ang maging mahinahon upang mapag-isipang
mabuti ang nararapat na hakbang na tutugon sa pangkalahatang kapakinabangan. Isang katangian
ng isang pinunong may malawak na pang-unawa sa mga kakayahan ng kasamahan gayundin sa
kanilang mga pagkukulang at limitasyon. Si nanay Mering ay mahinahon sa pagtuturo sa atin ng
mga aral sa buhay na tiyak magagamit natin sa bawat yugto ng ating personal na buhay at sa ating
paglilingko sa Diyos at kapwa. Kaya si Nanay Mering is a MODEST PERSON.

E-EXCELLENCE sa tagalog “Kahusayan”- ang kahusayan ng isang tao ay hindi lamang nakasalalay sa
kursong tinapos o parangal na iginawad sa kanya bagkus nakahihigit sabihin na ang isang mahusay
na pinuno ay yaong marunong magpahalaga at mag-alaga ng kanyang mga kasama sa paglilingkod.
Mahusay ang isang pinuno kapag naipadama niya ang malasakit at aruga sa kanyang mga kasapi
habang isinasagawa ang nakatakdang gawain. Si Nanay Mering ay mahusay na pinuno sapagkat siya
ay sistematiko sa kanyang pamumuno, ang talatakdaan ng mga gawain at gampanin ay nasusunod
nang walang samaan ng loob, may malalim na pagkalinga at pang-unawa, na ang bawat
pagkakamali o pagkukulang ay tinitingnan bilang isang hamon upang sa susunod na pagkaktaon ay
magiging mas maayos ang lahat.

R-RELIABLE sa tagalog, MAAASAHAN. Sa bawat pagkakataon, tunay na tunay na si Nanay Mering ay


maasahan. Nakikita niya ang pangangailangan ng samahan o ng bawat isa, siya’y nakahandang
tumulong at magsakripisyo sa abot ng kanyang makakaya upang magbigay ng payo, tumulong,
makiisa at hining- hindi ka niya iiwan hanggat nasisiguro niya na kaya mo na, mayroon ka nang sapat
na nalalaman, natutunan mo na o dika’y matagumpay nang natapos ang gawain. Ibibigay niya sa iyo
ang isang responsibilidad ngunit panatag ang iyong loob sapagkat alam mong may Nanay Mering na
lagiw mong maasahang umalalay at sumuporta sa iyo. Kaya si Nanay ay RELIABLE LEADER.

I-IPARTIALITY sa tagalog Walang kinikilingan o pantay ang pagtingin. Isa sa hamon para sa isang
pinuno ay kung paano niya pakitunguhan ang bawat kasapi na may kani-kaniyang hugot sa kanilang
sarili, may pinagdadaanan, may ibang asal na kung minsan ay di katanggap-tanggap sa sitwasyon.
Ngunit sa kabila ng pagkakaiba-iba o individual differences ng miyembro ay nairaraos ang mga
planong aktibidad at ang mga pagkakaiba-iba na ito ay nagamit ng pinuno upang maging mas
makabuluhan ang resulta. Bunga nito, mararamdaman pa rin ng bawat miyembro na sila ay
mahalaga at makikita din nila na mayroon silang naitulong o naiambag at sa bandang huli lahat ay
maligaya dahil lahat ay nagkakaisa. Si Nanay Mering, sa mahinahong paraan anumang pagkakamali
ay sinisikap niyang ituwid, anumang pagwawasto ay ginagawa niya sa paraang hindi masakit sa
damdamin bagkus lalo mong maramdaman na ginagaa niya iyon sapagkat mahal ka niya at
mahalaga ka sa kanya at higit sa lahat nagtitiwala siya sa kakayahan mo. Kaya ramdam natin ang
pantay na pagtingin ni Nanay Mering sa bawat isa.

T-THANKFUL, MAPAGPASALAMAT. Kaunting bagay na nagawa mo sa simbahan si Nanay Mering ay


laging nagpapasalamat. Lagi niyang pinupuri ang achievements at contributions ng ibang tao. Very
proud siya sa kasamahan niya kaya ramdam mo din sa kanya na naiinspire siya sa paglilingkod dahil
sa ipinapakita ng kanyang mga kasamahan. At ang buhay paglilingkod niya sa Diyos at kapwa ay
tanda ng kanyang pagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang patuloy niyang tinatanggap at
ibinabahagi.

A-ADMIRABLE O KARAPAT-DAPAT HANGAAN. Ang buhay na kaloob ng Diyos kay Nanay Mering ay
natatangi at kahanga-hanga. Walumput-walong taon na punong-puno ng biyaya, hitik sa bunga ng
mabubuting gawi, umaapaw ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, ngayon naman ang handog
namin sa iyo Nanay Mering ay siksik liglig na pagpupugay at pasasalamat. Ang misyong iyong
tinanggap ay natapos mo na kayat sa piling ng Poong Maykapal ikaw ay tinawag na, baunin mo po
ang aming panalangin at pasasalamat, kami rin po sana ay iyong ipanalangin upang kami rin ay
magtagumpay sa aming misyon, matularan nawa namin ang iyong husay at galing lalo’t higit ang
iyong dedikasyon sa paglilingkod.

Paalam sa iyo Nanay Emerita, dalangin namin ang iyong maluwalhating paglalakbay tungo sa buhay
na walang hanggan sa piling ng Panginoong mapagmahal.

You might also like