Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sister Maria Carmela Brescia School

Brgy. San Jose, Tagaytay City

Modyul sa Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang

Bilang ng Araw: 2 araw


Aralin Bilang 1: Ang Lokasyon at Klima ng Pilipinas
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
- Natutukoy ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa o sa globo
- Nailalarawan ang absolute o tiyak na lokasyon ng Pilipinas gamit ang mga
linyang latitude at longitude
- Nailalarawan ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga bansang
nakapaligid dito
- Naiguguhit ang globo gamit ang mga linyang matatagpuan dito
- Nailalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang tropical
- Natutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa
- Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng panahon at klima sa iba’t ibang bahagi ng
mundo

Konsepto (Pagbubuod)

Mahalaga ang globo at mapa sa pagtukoy ng kinalalagyan ng isang bansa.


Ang mga ito ay may iba’t ibang likhang–isip na guhit upang malaman ang lokasyon
ng isang lugar. Ang globo ay bilog na modelo o replika ng mundo. Ang mapa ay
isang lapat o patag na paglalarawan ng mundo o ng mga partikular na bansa.
Matutukoy ang lokasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng tiyak (absolute) at
relatibong (relative) paraan. Ang absolute o tiyak na lokasyon ay tumutukoy sa
eksaktong kinaroroonan o posisyon ng isang lugar o bansa sa pamamagitan ng
dalawang linya: parallel of latitude at meridian of longitude. Ang relatibong
lokasyon ay tumutukoy sa kinalalagyan ng isang bansa o lugar sa pamamagitan ng
mga karatig-bansa o mga anyong tubig na nakapaligid dito. Ang relatibong
lokasyon ay maaaring bisinal o insular. Ang lokasyong bisinal ay batay sa mga
anyong lupa o bansang nakapaligid dito. Ang lokasyong insular ay batay sa mga
anyong tubig na nakapalibot dito. Ginagamit sa paglalarawan ng relatibong lokasyon
ng isang lugar ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.
May kaugnayan ang lokasyon ng isang lugar sa uri ng klima at panahon nito.
Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Ito ay bahagyang nasa itaas ng ekwador
(equator) sa pagitan ng Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn. Kaya naman,
bukod sa karaniwang tagtuyo at tag-ulan, nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng
bansa ang apat na tipo ng klimang tropikal.
2 | Pahina

Lokasyon ng Pilipinas

Talakayan

Suriin ang mapa. Matutukoy mo ba


ang kinalalagyan ng Pilipinas sa
mundo? Ilarawan ang lokasyon ng
Pilipinas.

Fig. 1

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Kontinente ng


Asya, sa rehiyong Timog-Silangang Asya.
Nakabungad ito sa Karagatang Pasipiko at nasa
hilagang bahagi ng kapuluang Malayo.

Isang pahabang kapuluan ang Pilipinas. Binubuo


ito ng maraming malalaki at maliliit na mga pulo (Fig.1.1). LUZON
Arkipelago ang tawag sa mga pulutong at magkakabit
na mga pulo. Dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas
at pagkakaroon nito ng hugis pahaba mayroon itong VISAYAS
mainam na mga palaisdaan at mga daungan. Sagana
ang bansa sa mga yamang tubig at magagandang MINDANAO
tanawin na naging paboritong destinasyon ng mga turista.
Nasa ruta ng pandaigdigang kalakalan ang Pilipinas.
Fig. 1.1

Fig. 1.2

Ting
nan ang mapa sa itaas (Fig. 3). Mailalarawan mo ba ang absolute at relatibong lokasyon
ng Pilipinas?
May dalawang paraan upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar o bansa:
ang absolute (tiyak) na lokasyon at ang relatibong lokasyon. Ang absolute na
lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 4º 23’ at 21º 25’ hilagang latitud at 116º 00’
127º 00’ silangang longhitud . Ito ay nasa Hilagang Hating-globo, bahagyang nasa
itaas ng ekwador. Matatagpuan ito sa pagitan ng ekwador at ng Tropic of Cancer.
3 | Pahina

Lokasyon ng Pilipinas

Tunghayan muli ang mapa sa Fig. 1.2. Anong mga bansa ang malapit sa
Pilipinas? Anong mga anyong tubig ang nasa paligid nito?

Sa relatibong lokasyon, tinutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar ayon sa


distansya at lokasyon nito sa iba pang lugar. Ang relatibong lokasyon ay maaring
bisinal o insular. Ang lokasyong bisinal ay nababatay sa mga kalupaan o bansang
nakapalibot dito. Sa lokasyong insular, ang batayan ay ang mga anyong tubig na
nakapalibot dito.

Lokasyong Bisinal Lokasyong Insular

Ang Pilipinas ay nasa silangan ng Ang Pilipinas ay matatagpuan sa


Vietnam at sa hilagang-silangan ng timog ng Bashi Channel, hilaga ng
Malaysia. Nasa gawing timog ito ng Celebes Sea, kanluran ng Pacific
Taiwan at sa timog-silangan ng Tsina. Ocean, at sa silangan ng West
Nasa hilaga ito ng Indonesia at sa Philippine Sea at South China
Kanluran ng Northern Mariana Sea.
Islands, Guam, Saipan, ng Palau at
Micronesia.

TRIVIA
Sa ngayon, madali nang malaman ang lokasyon ng
isang lugar gamit ang mobile phone at mga kagamitang
may Global Positioning System (GPS). Ito ay isang satellite
navigation system na nagbibigay ng tumpak
na impormasyong panlokasyon.

Natutunan Ko
Kumpletuhin ang pangungusap.

1. Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay _____________________________________


___________________________________.
2. May _________ paraan ang pagtukoy ng relatibong lokasyon; ito ay ang:
_________________ at __________________.
3. Sa relatibong lokasyon, ang Pilipinas ay matatagpuan sa ____________ ng
Vietnam, _____________________ng Malaysia, timog ng _____________ at timog-
silangan ng ______________. Nasa hilaga ng ______________ at
______________ ng Northern Mariana Islands.
Ito ay ang ____________________ na lokasyon.
Ang _____________ na lokasyon ay timog ng ________________, hilaga ng
_________________, kanluran ng ____________________ at silangan ng West
Philippine Sea at ____________________.

You might also like