Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BREAK TIME

Minsan sa buhay mo kung tao ka at naranasan mo 'to, magtataka ka kung bakit bigla ka na lang iniiwan
ng taong pinakamamahal mo kahit na alam niyang mahal na mahal mo siya. Nangyayari talaga ito. Marahil hindi
na siya masaya. Marahil may nagawa kang kalokohan at kapalpakan na lubos niyang hindi nagustuhan. Marahil
natatakot siya sa iyo na baka iwan mo lang siya balang araw at sa umpisa ka lang magaling, at natatakot siya sa
commitment. Marahil mayroon siyang nakitang ugali mo na talagang ayaw niya. Marahil may nakita siyang iba o
mahal na iba. Maraming marahil.
Pero upang makasigurado ka sa mga marahil na iyan, mahalaga ang komunikasyon. Kailangan niyong
mag-usap. Dahil lahat ng problema nadaraan naman sa matinong usapan. Pag-usapan niyo ang problema. Kung
ano bang dahilan ng panlalamig niya, kung bakit hindi ka na niya kinakausap, kung bakit hindi na siya sweet,
kung bakit hindi na siya malambing sa iyo at hindi na rin siya nagsasabi ng magic words na "i love you" na
masarap pakinggan. Nang sa gayon ay malaman kung ano ba talaga ang problema at nang di na lumala pa ang
problema.
Kaso mayroon talagang mga tao na ayaw nila makipag-usap kahit na pinipilit mo na. At kapag pinilit mo
ay lalo lang maiinis sa'yo kaya para hindi na lalong magalit ay hahayaan mo na lang na ihatid mo siya sa kanila at
maghiwalay kayo ng walang goodbye kiss. Tapos pagsakay mo sa bus pauwi, bigla kang itetext ng "gusto ko na
makipagbreak".
Masakit. Parang gusto mo na lang magpasagasa sa truck sa mga oras na ito, pero mahalaga pa rin na
malaman mo kung bakit upang magkaroon ka ng mga kasagutan sa mga katanungang matagal nang naglalaro sa
isipan mo. Maaaring pumayag ka, maaari rin namang hindi. Ngunit mas mahalaga na ipaglaban mo ang
pagmamahal mo lalo na't kung totoo ang nararamdaman mo.
Tama rin lang naman kung pakakawalan mo na siya at ipapaubaya mo na sa kanya ang kaligayahan niya
kapalit ng pagkasawi mo, ngunit isipin mo rin kung baka naguguluhan lamang siya sa mga oras na iyon at
nabibigla lamang siya sa kanyang mga desisyon dahil sa dami ng problema niya na hindi niya nasasabi sa iyo.
Kaya mas mabuti kung bibigyan mo muna siya ng oras, lugar at panahon upang makapag-isip at manatili munang
mag-isa at nang sa gayon ay humantong siya sa kung anumang desisyon ang naaayon.
Bigyan mo siya ng "Breaktime" kumbaga sa trabaho upang makapagpahinga mula sa stress na dinulot mo
o ng paligid niya at hayaang maging handa ulit. Heto ang isang tula para sa inyo.

Tunay na pagmamahal kung minsa'y di sapat


Sa pinakamamahal mo'y di malaman anubang dapat
Na iyong gawin upang mahalin ka ring lubos
Akala mo'y walang hanggan, bigla na lang nagtatapos

Marahil pagmamahal mo nga'y tunay at wagas


Ngunit ugali mo nama'y puro gasgas
Iyon marahil ang dahilan kung bakit
Nadarama mo ngayon ay ubod ng pait

Huwag kang mag-alala, ayos lang iyan


Kung talagang mahal mo siya, pag-ibig mo'y ipaglaban
At ugali mong palpak, baguhin mo't ayusin
At patunayan sa kanyang karapat-dapat kang mahalin

Ipakita mong kaya mong maghintay


Sa araw na ika'y muli niyang kausapin
Ipadama mo ang pagmamahal na tunay
At araw-araw mo siyang pasayahin at patawanin

Habang naghihintay ka, gawa ka muna ng mga bagay na kailangan mong gawin. Gawin mo ang thesis mo.
Assignment mo. Project. Paghandaan ang defense. Ayusin ang kaso sa OSA/OSDS. Maging busy at huwag mo
muna siyang gambalain dahil lalo lamang siyang maiinis sa iyo kung patuloy mo siyang kukulitin at mas lalong
mawawalan ka ng pagkakataon na magkaayos kayong muli.

You might also like