Araw 3 - Gawain 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ma. Jeanette F.

Reyes

Araw 3 / Gawain 3: Malaya ba ang Pilipinas?

Malaya ba ang Pilipinas?

Karaniwan na sa atin ang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan. Ngayong ika-122


na anibersaryo ng kasarilan ng Pilipinas, paglipas ng isang daan at dalawampu’t
dalawang taon, masasabi ba natin na tayong Pilipino ay tinatamasa pa rin ang
Kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipinong sundalo sa mga mananakop?

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Kalayaan?

Ito ba ay isa lang sa araw na dapat gunitain at sariwain ang pagkakatatag ng


ating republika? Ano ba ang Kalayaan? Paano natin masasabi na tayo ay Malaya?

Malaya ba ang Pilipino na umaasa sa tulong at binibigay sa atin ng ibang bansa?

Kalayaan ang tawag sa Pilipinong mahihirap at gumagawa ng kasamaan upang


maitaguyod lang sa hirap at mapakain ang kanilang pamilya?

Kalayaan ba nating maituturing na patuloy ang pangaalipusta ng mga dayuhan


sa sarili nating bayan?

Malaya ba ang mga bansang ginagapos ng mga batas at tinatanggalan ng


karapatan? Karapatan sa pagsasalita at pagbabalita.

Malaya ba ang Pilipinas na hindi makatayo sa sariling paa at paulit-ulit umaasa


sa tulong ng ibang bansa?

Malaya ba ang Pilipinas kung mismong mga Pilipino ay hindi tumatangkilik sa


ating sariling kagamitan at pilit na pinagsisisikan ang utak kolonyal?

Paano masasabing malaya ang isang taong hindi alam ang kanyang karapatan
at responsibilidad sa bayan?
Oo. Wala nang ibang bansa ang kumokontrol sa atin. Wala nang ibang bansa
ang nagdidikta sa dapat nating gawin. Maaaring ang bansang ito ay malaya na kung
sasabihin, ngunit kailanma’y hindi magiging malaya ang Pilipinas sa suliranin nito
katuad na kahirapan, pagkakapantay, katiwalian at iba pang kanser ng lipunan .

Ngunit, hindi natatapos ang pagiging malaya sa mga bagay ni ito. Dahil ang
totoo, hindi pa tayo tunay na malaya. Tayo pa rin ay alipin ng ibang bansa.

Kung tunay tayong malaya, bakit may mga polisiya tayo na mas pabor pa sa
ibang bayan at hindi sa ating mamamayan? Bakit natin hinayaan tayo ang gawing
laruan at puta ng ibang tao.

Bayang magiliw, perlas ng kanluranin

Kung tunay tayong malaya, bakit ang mga disenyo ng ating arkitektura ay hango
sa istilo ng iba? Bakit natin isinasantabi ang kultura at sining ng Pilipinas at pinipiling
tangkilikin ang sining-dayuhan?

Marahil ay hindi pa talaga tayo tunay na malaya.

Sa kabilang banda, may mga batas tayo na sinusunod at ipinapairal para sa


kabutihan ng nakakarami, kahit para sa iba ay hindi ito makatao at marami dito ay
nagiipit sa ating kalayaan katulad ng kalayaan sa pagpapahayag. Tayo ay may iba’t-
ibang pananaw sa kung ano ang mabuti at masama. Ang masama sa iba ay mabuti sa
iba at ang mabuti para sa iba ay masama naman sa iba. Sabi nga “There’s no such
thing as absolute freedom!”

Kung ako ang tatanungin tungkol sa pagiging malaya. malaya na ako kung
nagagawa ko ang aking gusto, nakakasama ang pamilya at mga minamahal. Malaya na
ako kung naibibigay ko ang pangangailangan ng mahal ko sa buhay. Malaya na ako
kapag nakikita ko na ang akng pinaghirapan ay nagdudulot ng saya sa ibang tao.

Ang aking lang magagawa ay ipagdasal ang ating bayan, ang mga namumuno at
nanunungkulan. Akin ring iingatan at pahahalagahan ang mga lugar, gamit at bagay na
gawa sa Pilipinas. Ang mga kaugalian tulad bayanihan at pagkakaisa sa unos at
problema. Ang pagbibigay tulong sa mga mahihirap. Mababago natin ang kalagayaan
ng Pilipinas kung magsisimula tayo sa ating sarili.

------

Para sa akin ang tunay na kahulugan ng kalayaan, ay natamo na ating ilang


libong taon na ang nakalipas mula nang si Kristo ay namatay upang sagipin sa
kasalanan ang sanlibutan. Tayo ay Kanyang pinalaya at ito’y napagtagumpayan na.

You might also like