Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________ Petsa: ______________ Puntos: _________

Panuto: Basahin ang teksto at piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

Galing sa Japan

Sabik na sabik na si Jose. Darating na kasi ang Nanay niyang si Aling Malou. Dalawang taon
ding nawala si Aling Malou. Galing siya sa Japan.
Sumama si Jose sa Tatay niya sa paliparan. Hiniram nila ang lumang jeep ni Tito Boy para
makapunta roon. Susunduin nila si Aling Malou.
Pagdating sa paliparan, naghintay pa sila. Hindi pa kasi dumarating ang eroplanong sinakyan
ni Aling Malou. Hindi nagtagal, may narinig na tinig si Jose.
“Jose! Lito!” malakas na sigaw ni Aling Malou nang makita ang magama.
“Inay!” sigaw din ni Jose, sabay takbo nang mabilis palapit kay Aling Malou.
“Marami akong pasalubong sa iyo, anak,” simula ni Aling Malou. “May jacket, bag, damit at
laruan.”
“Salamat, ‘Nay,” sagot ni Jose. “Pero ang mas gusto ko po, nandito ka na! Kasama ka na
namin uli!”
Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 134

1. Sino ang darating sa paliparan? (Literal)

a. si Jose b. si Tito Boy c. si Aling Malou

2. Ilang taon sa Japan si Aling Malou? (Literal)

a. dalawa b. lima c. isa

3. Ano kaya ang ginawa ni Aling Malou sa Japan? (Pagsusuri)

a. nagbakasyon b. nagtrabaho c. namasyal

4. Ano kaya ang naramdaman ni Jose habang naghihintay sa pagdating ng nanay niya? (Paghinuha)

a. nasasabik b. naiinip c. naiinis

5. Bakit kaya maraming pasalubong si Aling Malou kay Jose? (Pagsusuri)

a. gusto niyang iparamdam ang kanyang pagmamahal


b. gusto niyang gastusin at gamitin ang kanyang pera
c. hindi niya gusto ang mga gamit dito sa Pilipinas

6. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Jose na ““Salamat, ‘Nay. Pero ang mas gusto ko po, nandito ka
na! Kasama ka na namin uli!” (Paghinuha)

a. ayaw niya ng mga binigay na pasalubong


b. di niya kailangan ng mga laruan, damit, at bag
c. higit na mahalaga si Nanay kaysa sa pasalubon
Pangalan: ________________________________ Petsa: ______________ Puntos: _________

Panuto: Basahin ang teksto at piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.

Ama ng Wikang Pambansa

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais niya ay
isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil naniniwala siya na
ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kanya,
ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at matapos
nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United States
of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay
naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Komonwelt o ng Malasariling
Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng pantay na


pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon
natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kanya, walang isang wika na magbubuklod sa
lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 167

1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)


a. Andres Bonifacio b. Diosdado Macapagal c. Jose Rizal d. Manuel Quezon
2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)
a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
3. Alin sa sumusunod ang mga naging trabaho ni Quezon? (Literal)
a. guro, doctor, abogado
b. senador, modelo, kawal
c. alkalde, kongresista, pangulo
d. abogado, gobernador, senador
4. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa? (Pagsusuri)
a. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.
b. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
c. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
d. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon? (Paghinuha)
a. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
b. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
c. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
d. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.
6. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba pang kahulugan ng
salitang kawal? (Paghinuha)
a. bayani b. doktor c. manunulat d. sundalo
7. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo? (Pagsusuri)
a. alamat b. kuwentong-bayan c. pabula d. talambuhay

You might also like