Kabanata I

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA I

INTRODUKSYON

Malaki na ang pinagbago ng larawan ng kabataan noon sa larawan ng kabataan


ngayon. Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang mabilis ding pagbabago ng
mga kaugalian at kasanayan ng mga kabataan. Noon ang libangan ng mga kabataan
ay magbasa, mag-aral, at maglaro ng mga larong lahi ngunit ngayon ay kumain, maupo
at maglaro ng mga nauusong online games sa cellphone man, sa tablet o sa computer.
Ang labis na paglalaro ng online games ay hindi lamang nakakapekto sa kanilang pag-
aaral kung di sa iba pang aspekto ng kanilang buhay.

Ang larong online (Ingles: online game) ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng
computer network. Ito ay halos palaging gumagamit ng internet o katumbas na
teknolohiya, at kung anong teknolohiya ang mayroon: modem bago ang internet, at
hard wired terminal bago ang modem. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin
din sa pangkalahatang pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na
lokal na network sa internet at paglalaro ng internet mismo. Ang online games ay
maaaring sumaklaw mula sa simpleng teksto na laro hanggang sa larong may
komplikadong grapiko at virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga
online games ay kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may
malawak na pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro.

Base sa nasabing kahulugan ng online games, ang mabilis na paglaki ng bilang


ng mga kabataan na naglalaro ng online games ay dulot ng malawakang pagbabago at
paglago ng mga computer network at internet mismo. At Isa sa maaring maidulot ng
online games ay ang pakikisalamuha ng isang kabataan sa mga hindi naman niya
kakilala na maaring maglagay sa kanya sa kapahamakan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang bigyan ang mga kabataan ng naturang
imormasyon at alamin ang mga epekto ng paglalaro ng online games sa kanilang
buhay. Layunin din ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na tanong:

1 . Ano ang kahulugan ng online games?


2. Ano ang aspektong naapektuhan sa buhay ng isang kabataan sa labis na paglalaro
ng online games?
3. Papaano nakakaapekto ang labis na paglalaro ng mga online games sa buhay ng
isang kabataan?
4 . Ano ang mga dahilang kung bakit marami ang nahuhumaling na maglaro nito?
5. Ano ang maaring maging masamang epekto na labis na paglalaro nito?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga


nabanggit na tao:

Sa mga mga kabataan na mahilig maglaro ng online games. Malaman na


ang labis paglalaro ng mga online games ay maaring makasama hindi lamang sa
kanilang pag-aaral kung hindi pati narin sa ibang aspekto o pamamaraan.
Sa mga hindi naglalaro ng online games. Malaman na ang paglalaro ng online
games ay hindi makabubuti sa kanilang buhay.
Sa mga kabataang wala pang ideya ukol sa larong ito. Mahalaga na habang
maaga pa ay maipaliwanag sa kanila kung ano ba talaga ang naibibigay o epekto ng
labis na paglalaro ng mga onlin games sa buhay ng isang kabataan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa paglalahad ng epekto ng labis na paglalaro ng


mga online games at sumasaklaw din sa pananaw ng mga kabataan ukol dito.
Ang mga napiling respondante ay mga kabataan mula sa Barangay San Josef
Sur dahil napansin ng mananaliksik na maraming kabataan sa Barangay na ito ang
mahilig maglaro ng mga online games. Ang kabilang lamang na mga respondante ay
may edad na labing-isa hanggang dalawamput isa lamang (11-21 years old) na may
kabuuang bilang na walumpong respondante (80 respondent).

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Ang bawat na termino na mababanggit ay mapapaloob sa pag-aaral na ito. Ito ay
makatutulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang tungkol dito at lumawak pa
ang kanilang talasalitaan.

 Computer (kompyuter) – isang aparato na nagmamanipula ng mga


impormasyon at nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na programa o proseso.
 Computer network – isang koleksiyon ng mga kagamitang metal at mga
kompyuter na pinag-uugnay ng mga kanal na pangkomunikasyon upang
makapagbahagi ng mga mapagkukunan at impormasyon.
 Internet – ang mga nakakabit na computer network na maaring gamitin ng tao
sa buong mundo.(Wikipedia)
 Modem – isang kasangkapang pangkomunikasyon na nagsasalin ng digita data
mua sa ating mga computer o terminal at analog audio signals na dumadaan sa
standard na linya ng telepono.
 Online game – isang laro ng libangan sa ilanng uri ng computer network. Ito ay
halos palaging gumagamit ng internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong
teknolohiya ang mayroon:modem bago ang internet, at hard wired terminal bago
ang modem.
 Online gaming – aktwal na paglalaro ng mga online games pangmaramihan
man o pang-indibidwal na kategorya.
 Teknolohiya- ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina ,
kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
(WikiAnswers)

You might also like