Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan


Kagawaran ng Kolehiyo
STRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Aralin 2: Ang Transkripsyon

Panimula

Ang transkripsyon ay unang nabuo kaysa palatuldikan. Nilikha ng mga dalubwika sa Europa
ang transkripsyon kung ilang dantaon na ang nakakaraan, noong mga panahon usong-uso
ang pag-uuri-uri o pagpapangkat-pangkat sa mga wika sa daigdig. Nilikha nila ang
transkripsyon upang maitala nila ng maayos ang mga salita o pangungusap na kanilang
naririnig sa mga importante sa mga wikang kanilang sinusuri. Hindi nila magamit ang
ortograpiya o Sistema ng pagsulat na ginagamit sa isang particular na wikang kanilang
sinusuri sapagkat bukod sa iba’t ibang Sistema ng pagsulat ang ginagamit, karaniwan na ang
ispeling ng isang salita, kung Sistema ng Romano ang ginagamit, ay hindi matapat na
naglalarawan ng aktwal na bigkas nito.

Talakayan

TRANSKRIPSYON- ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya o patnubay kung


paano bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika.

Dalawang klase ng Transkripsyon:

1. Ponemikong Transkripsyon
2. Ponetikong transkripsyon

Tignan ang halimbawa:


Ponetikong Transkripsyon [ ? a. ?.sah]
Ponemikong Transkripsyon / a.a.sa/

Ponetikong Transkripsyon
-Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist,
makahulugan man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi lahat
ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.

-Ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket [….].

Sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng masusing talakay sapagkat
ang mga linggwist lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon. Hindi
natin pag-uukulan ng masusing pagtatalakay ang transkripsyong ponetiko sa dahilang hindi
naman tayo mga linggwist. Bilang mga mag-aaral at guro ng wika, sapat nang
transkripsyong ponemiko lamang ang ating matutuhan upang hindi na tayo nagtatanong
kapag may mga aklat sa Filipino na transkripsyong ponemiko sa halip na palatuldikan ang
ginagamit sa patnubay sa wastong bigkas ng mga salita.

Ponemikong Transkripsyon
Ang lahat ng makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa isang wika ay binibigyan ng
kaukulang simbolo.

• ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //.

• ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga


pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema. Maaaring / ? /
para sa impit o glottal.

• ang /һ/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot. Kadalasan itong
nilalagay sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig.

• ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o dalawang simbolo na
kumakatawan sa isang ponema.

• ang tuldok /·/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay


pagkatapos ng mahabang patinig.

Halimbawa:

Buhay- /bu·hay/ -life ; /buhay/ -alive

Alagad- /alagad/

Mabuti- / mabu·ti/

Basa- /ba·saһ/ -read ; /basa?/ -wet

Langoy- /laŋoy/

Sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga sumusunod:

 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script ang dapat na gamitin at hindi


“patakbo” o cursive.
 Ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat kulungan ng dalawang
guhit na pahilis.
 Hindi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.
 Ang tuldok na kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig ay laging inilalagay
pagkatapos ng mahabang patinig. Sa ibang aklat, ang ginagamit ay kolon sa halip na
tuldok. At sa iba, tuldok din ang ginagamit ngunit itinataas ito upang mapaiba sa
kumbensyunal na gamit ng tuldok sa pagsulat
 Ang / ? / na nagrerepresinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga pusisyong
midyal at pinal ay isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema.

Halimbawa:

Palatuntunan - /pala·tuntu·nan/

Magpapakamatay- /magpa·pakamatay/

Nagsasalita - /nagsa·salita’/

Isang basket - /isaŋ bas·ket/

Bagong kain - /ba·goŋ ka·in/

Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan

/ini·i·big koһ aŋ pilipi·nas/

/a·kiŋ lu·paŋ sini·la·ŋan

Inihanda ni:
Desserie Mae E. Garan
Instruktor sa Filipino

Pinagkunan:

1. Santiago, Alfonso. 1991. Makabagong Balarilang Fiipino. Rex Bookstore


2. https:// www.google.com%2Famp%2Fs%2Ffilipino101-blog.tumblr.com%2Fpost%2F70081025567%2Fponetikong-
transkripsyon%2Famp%3Ffbclid
%3DIwAR2sIZPSI6kH_jgcYuKRnJ4cW8sSm4nNQtgKuvKpGVFNWzmPEQ_IqObRJlg&h=AT3MLCwDmlMDpeX760I0VdrdYHpwzlrOT
_w9mtMLwvlpnl5L4Ez0YXUwQaGsXHEgyEUg_SR1DZBkNI1Bgn-ZygE-wlsJeHWrZCe2AL5Ar6nU61nBekRVBiRKI10ckJ6oPZG6FQ

You might also like