Iplan - Template Style Sheet - Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Instructional Plan

Blg. Ng iPlan.: FIL7Q3_005 Asignatura: FILIPINO7 Baitang: 7 Kwarter:3 Duration: 60__mins.

Mga Kasanayang Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/awiting panudyo, tulang de gulong, bugtong at Code:
palaisipan F7WG-IIIa-c-13
Pampagkatuto: Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at
(Hango mula sa Gabay F7PS-IIIa-c-13
palaisipan
Pangkurikulum)
Susing Konsepto / Pag- Pagkatapos na makapagsulat ng sariling mga tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan mas maganda kung ito ay maibigkas.
Ngunit bago ito mabigkas mahalagang mabigyang pansin rin ang mga bagay na nakakaapekto sa isang masining na pagbigkas.
unawa na Dapat Malinang 1. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap,
tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa
katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

2. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.
                                                                                   
3. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga
salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna
I. Mga Layunin
Kaalaman Nabibigyang- palagay ang mga dapat isaalang- alang sa masining na pagbigkas ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bulong at palaisipan gamit ang
talahanayan na, Sa aking palagay.

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 1
Instructional Plan
Kasanayan Nakagagawa ng isang masining pagbigkas sa mga naisulat na tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan na may wastong tono o
intonasyon, diin at antala.
Kaasalan Naisasagawa nang may tiwala sa sarili ang pagbigkas ng sariling likhang tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan
Kahalagahan Nakamumungkahi ng solusyon sa mga isyung panlipunang nailahad sa mga halimbawa bilang pakikibahagi sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
II. Nilalaman/Paksa Ang masining na pagbigkas ng tula ay nangangailangan ng wastong pagsa- alang- alang sa suprasegmental katulad ng tono/ intonasyon, diin at antala
pati na rin ang mga di berbal na palatandaan.

III. Kagamitang CG, Video clip, Talahanayan, Internet,


Pampagkatuto
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain Balik- aral
( _2___ minuto) Pangalanan ang iba’t ibang uri ng suprasegmental at ang di- berbal na palatandaan.

2. Gawain/Estratehiya Pangkatang Gawain. Base sa naging sagot ng mga mag- aaral sa Takdang Aralin sila ay magpapaliwanag kung paano
(___8__minuto) nakatutulong ang suprasegmental at di berbal na palatandaan upang maging mabisa ang pagbigkas ng isang tula/ awiting
panudyo, bugtong at palaisipan (Gamitin ang Talahanayan na Sa Aking Palagay.) (Bukod sa awtput ng pangkat kukunin din
ng guro ang sagot ng bawat isa sa Takdang Aralin pagkatapos ng pangkatan.)
3. Pagsusuri Pagkatapos ng mga mag- aaral sa paggawa sa talahanayan. Ipapaskil ito sa pisara. Himukin din sila na sagutin ang mga
(__4___ minuto) sumusunod na katanungan upang matalakay sa pag- uulat ng bawat pangkat. (Maari kasi na may iba pa silang maibigay na sagot
na mibabahagi nila sa pag- uulat tulad ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, kahandaan, kasanayan, pati na rin ang karunungang
bayan kung handa na ba.)
1. Bukod sa suprasegmental at di berbal na palatandaan ano pa ang dapat isaalang- alang sa mabisang pagbigkas ng tula/
awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan.
2. Paano nagiging mabisa ang pagbigkas sa tulong nito?
4. Pagtatalakay 1. Ilahad dito ang mga susing konsepto/pag-unawa ang nais linangin sa mga mag-aaral.
(__12___minuto)  Pagkatapos na magawa ang talahanayan ipaulat ito sa klase. Dalawang miyembro bawat pangkat ang inaasahan na mag- uulat.
 Pagkatapos ng pag- uulat magkakaroon ng malayang talakayan hinggil sa iba pang bagay na maaring makapag- impluwesiya sa gagawing
pagbigkas. Maaring magbigay ang guro ng mga suhestiyon upang matulungan rin ang mga mag- aaral sa bigkasan na gagawin.
2. Naisasakatuparan ng mga mag-aaral ang mga hantungang layunin ng paksa para sa :

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 2
Instructional Plan
Kaalaman Gamit ang isang talahanayan na may pamagat na, Sa Aking palagay……….. Punan ang bawat kahon sa kung paano nga ba nakatutulong
ang suprasegmental at di berbal na palatandaan sa pagbigkas ng mga karunungang bayan.

Suprasegmental Tono Diin Antala

Sa aking palagay
mahalaga ang…

Di berbal na Kumpas ng Galaw ng


Tindig
Palatandaan kamay katawan/ mata

Sa aking palagay
mahalaga ang……….

Sa kabuuan masasabi ko na ang suprasegmental at di berbal na palatandaan ay


_________________________________________________________________
____________
_________________________________________________________________
____________

5. Paglalapat 1. Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga hantungang layunin ng paksa para sa :
(__20___minuto)
Kasanayan Pagkatapos na maiulat ng bawat pangkat ang kanilang mga palagay. Ihahanda na sila ngayon upang mabigkas o maitanghal ang kanilang
sariling likhang tula/ awiting panudyo, bugtong at palaisipan sa masining na paraan. Bibigyan ang bawat pangkat ng tatlo hanggang apat
na minutong pagtatanghal.
Pamantayan sa pagbigkas ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bulong at palaisipan.

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 3
Instructional Plan
Kailangan pang
Pamantayan Mahusay Pinakamahusay
Paghusayan
(7) (10)
(5)
Bigkas (Tono/ Intonasyon,
Diin, Antala/ Hinto)

Makabuluhang paggalaw
ng mata at katawan

Pagpapalutang ng
Damdamin

Kabuuan ng pagtatanghal

Kassalan Naipapakita ang pagpapahalaga sa kultura sa pagbigkas ng sariling tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan.
6. Pagtataya Pagkatapos na maibigkas ang naisulat na tula gamitin ang rubriks sa ibaba upang makapagbigay ng puna at iskor sa pagtatanghal ng bawat pangkat ang
guro at ibang pangkat. Maigi rin na hingan ng opinyon ang mga mag- aaral sa ginawang pagtatanghal ng iba’t ibang pangkat. (Bibigyan rin ng guro ng
(__8___minuto) rubriks ang ibang pangkat upang makapagbigay ng iskor sa iba pa.)

Kailangan pang
Pamantayan Mahusay Pinakamahusay
Paghusayan
(7) (10)
(5)
Bigkas (Tono/
Intonasyon, Diin,
Antala/ Hinto)
Makabuluhang
paggalaw ng
mata at katawan
Pagpapalutang
ng Damdamin
Kabuuan ng
pagtatanghal

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 4
Instructional Plan
7. Takdang-Aralin Basahin ang mga sumusunod na halimbawa ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan pagkatapos ay magbigay ng mungkahi sa mga
isyung panlipunan na nailahad, ito ay isahang gawain siguraduhin na maipasa sa susunod na pagkikita. (Maaring bigyan ng kopya ang mga mag- aaral sa
(___3__minuto) talahanayan o maaarri ring ipakopya ang talahanayan hindi na kailangang kopyahin pa ang mga pahayag.)
Awiting Panudyo
Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo hihinto. Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto. (Kawalang- galang ng
ilang kabataan)
Tugmang de Gulong
Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga. (Pagtaas ng mga bilihin)
Palaisipan
Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay Amerikano, at ang kanyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansag na Prinsiya, nang siya ay
lumaki ay nakapangasawa siya ng Haponesa at doon nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan siya ay inabot sa Saudi. Ano ang tawag sa kanya? (Ang pag-
aabuso sa mga Pilipino sa ibang bansa)
Bugtong
Hayan na, Hayan na ‘Di mo pa makita.Sagot Hangin (Polusyon sa kapaligiran)

Isyung Panlipunan Ang mungkahi kong solusyon

1. Kawalang- galang ng
ilang kabataan

2. Pagtaas ng mga bilihin

3. Ang pag- aabuso sa mga


Pilipino sa ibang bansa

4. Polusyon sa kapaligiran

8. Paglalagom/Panapos na Ibahagi sa mga mag- aaral ang kasabihan sa ibaba at pumili ng isa hanggang tatlong mag- aaral na magbigay ng sariling pagpapakahulugan tungkol dito.

Gawain (_____minuto) “Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.”


V. Mga Tala

VI. Pagninilay

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 5
Instructional Plan

Pangalan ng Guro/Tagasulat: ANAMIE P. ANCOT Paaralan:CITY OF BOGO SCIENCE AND ARTS ACADEMY
Position/Designation:T3 Sangay/Tanggapan:CITY OF BOGO
Contact Number:09364409079 Email Address: anamie.pescante@deped.gov.ph

Paalala sa mga Gagamit: Gaamitin ang nakalakip na porma para sa inyong mga puna at mungkahi upang mas mapalinang pa ang instructional plan na ito.

.
Department of Education, Region VII, Central Visayas 6
APPENDICES:

A. ACTIVITY SHEETS
B. SUSING SAGOT
C. MGA SANGGUNIAN

Appendix D. Porma para sa mga Puna at Mungkahi

Appendices: (attach all materials that will be used)


1. Activity Sheet …

Attachment No. 1

Sa aking palagay……….

Suprasegmental Tono Diin Antala

Sa aking palagay mahalaga


ang…

Kumpas ng Galaw ng
Di berbal na Palatandaan Tindig
kamay katawan/ mata

Sa aking palagay mahalaga


ang……….

Sa kabuuan masasabi ko na ang suprasegmental at di berbal na palatandaan ay


____________________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________________
_

Attachment No. 2
Pamantayan sa pagbigkas ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong, bulong at
palaisipan
Kailangan Kailangan
pang pang
Pamantayan Mahusay Pinakamahusay
Paghusayan Paghusayan
(9) (10)
(5) (7)
Bigkas (Tono/
Intonasyon,
Diin, Antala/
Hinto)
Makabuluhang
paggalaw ng
mata at
katawan
Pagpapalutang
ng Damdamin

Department of Education, Region VII, Central Visayas


Kabuuan ng
pagtatanghal

Attachment No. 3

Basahin ang mga sumusunod na halimbawa ng tula/ awiting panudyo, tugmang de


gulong, bugtong at palaisipan pagkatapos ay magbigay ng mungkahi sa mga isyung
panlipunan na nailahad.

Awiting Panudyo
Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo hihinto.
Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto. (Kawalang- galang ng ilang
kabataan)

Tugmang de Gulong
Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga. (Pagtaas ng
mga bilihin)

Palaisipan
Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay Amerikano, at ang kanyang
ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansag na Prinsiya, nang siya ay lumaki ay
nakapangasawa siya ng Haponesa at doon nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng
kamatayan siya ay inabot sa Saudi. Ano ang tawag sa kanya? (Ang pag- aabuso sa mga
Pilipino sa ibang bansa)

Bugtong
Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob. (Ang pagbaba ng halaga ng
piso laban dolyar)

Isyung Panlipunan Ang mungkahi kong solusyon

1. Kawalang- galang ng ilang


kabataan

2. Pagtaas ng mga bilihin

3. Ang pag- aabuso sa mga Pilipino sa


ibang bansa

4. Polusyon sa Kapaligiran

Department of Education, Region VII, Central Visayas


Mungkahing sagot para sa talahanayan, ngunit maari din naman itong mabago ang mahalaga
makapagbigay ng sarili nilang ideya ang mga mag- aaral.

Isyung Panlipunan Ang mungkahi kong solusyon

Maging mabuting halimbawa ng isang kabataang


1. Kawalang- galang ng ilang
marunong rumespeto sa kapwa lalo na sa
kabataan
matatanda anumang oras at kahit saan.
Matutong magtipid sa baon, huwag hingi ng hingi
2. Pagtaas ng mga bilihin kung hindi naman kailangan.
Makatutulong sa pamamagitan ng pag- aaral nang
3. Ang pag- aabuso sa mga Pilipino sa mabuti upang makahanap ng maayos na trabaho at
ibang bansa hindi na kailangang mamasukan bilang katulong sa
ibang bansa.
Tumulong sa paglilinis ng kapaligiran sa
pamamagitan ng pagtapon ng basura sa tamang
4. Ang polusyon sa kapaligiran
lagayan at pag- engganyo sa iba na ganoon din ang
gawin

Baloydi, L. (2016, July 11). Halimbawa ng Kasabihan: Myph Website. Retrieved November 22, 2018,
from Myph Website: http://www.myph.com.ph/2016/07/kasabihan.html#.W_ZLGOgzbIV

Porma para sa mga Puna at Mungkahi sa iPlan

Panuto: Pakisulat ng iyong mga puna at mungkahi upang mas mapalinang pa ang
instructional plan na ito at pakidala sa email address na ito: lrmds.ro7@deped.gov.ph

Blg. Ng iPlan Mga Puna Mga Mungkahi

Department of Education, Region VII, Central Visayas


Mga Detalye ng Gagamit
Pangalan: Paaralan:
Sangay/Tanggapan
Mobile Number Email:

Department of Education, Region VII, Central Visayas

You might also like