Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

Sumulat ng isang sanaysay na research-based patungkol sa linggwistikang


pagdulog sa wika. Pagsanibin ang dalawang mahalagang sangkap ng
pagpapahayag sa panulat.

KAHULUGAN NG LINGGWISTIKA

Ayon kay Consuelo J. Paz , Ang Linggwistika ay ang sayantipik na pag-aaral


ng mga wika ng tao at meron itong dalawang uri. DALUBWIK na nangangahulugan na
ang taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang
kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika. Ang susunod
naman ay ang POLYGOT nangangahulugan na ang isang taong maraming nalalamang
wika.
 
Si Avram noam Chomsky ang tinaguriang “Ama ng modernong Linggwistik”.
Siya ay isang lingwist, pilosopo,historian critic at cognitive scientist na ipinanganak
noong disyembre 7,1928. SI Larcerci ang nag suri sa gawa ni Chomsky New Horizon in
the Study of the Mind at Language: Chomsky’s Theory ang ginamit ni Larcercie sa
kanyang pagsusuri noong 2006. Ayon daw kay Chomsky ang wika ay mental
organ isang biological endownment na species-specific at innate. Ayon sakanya, tayo
ay nagsasalita tulad ng ating paghinga, nang maaring hindinag iisip, ngunit tiyak na
hindi natin ito napag aaralan.
 
Para kay Chomsky, Halos mag kapareho ang ating pakatuto sa pag sasalita
sa ating pagkakaroonng bisig, o pagtungtong sa puberty. Nadedebelop ang wika sa
kaparehong paraan ng paglaki ngating katawan na walang kinalaman sa pagkatuto .
Ang wika para kay Chomsky ay tulad ng leibnizian monad  (substance cannot be
divide) at pamumukadkad ng ating innate genetic programme.

Ayon kay Larcercie, Hindi magtataglay ng mga pintuan o mga bintana ang
leibnizian nomad ngunit ang isip ng tao ay mayroon. Ibig niyang sabihin na
nangangailngan ng maraming karanasan ang genetic programme  ng wika upang
magising , kung wala ito, tayo ay nasa posisiyong wolf children na dahil hindi nahantad
sa minimum na karanasang kailangan para sa particular na eded, ay hindi nagawang
makapagsalita.

2. Mag hanap ng halimbawa ng iba’t ibang uri ng pag papahayag ng tao


( teknikal,journalism ,advertising).

Ano ang ibig sabihin ng pag papahayag?

 Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay-linaw sa isang konsepto o


kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawan ng mga nakikinig o bumabasa

1. Pangangatwiran

Isang pagpapahayag na ngabibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang


isang panukala ay magiging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o
paniniwala sa pamagitan ng makatwiran na pagpapahayag. Sa pangangatuwwiran ang
katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran at
rason.

2. Paglalarawan

Isang anyo ng pagpapahay na naglalayong bumuo ng isang malinaw na


lalarawan sa isip ng. mga mambabasa o nakikinig. Sa pamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarawan gaya ng pang-uri at pang-abay. Malinaw na naipapakita
ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama.
Napapagalaw din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at
nakatatawag ng paningin at pansin ng mambabasa

3. Pagsasalaysay

Nagsasaad ng pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagku-


kwento ng mga kawili-wil na pangyayari pasulat man o pasalita. Itinuturing itong
pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahay sapagkat dito nagsimula ang alamat.

4. Paglalahad

Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay-linaw sa isang konsepto


o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawan ng mga nakikinig o
bumabasa .Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto dahil
nabigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan ng
makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
3. Subukang gumawa ng isang sanaysay (gamit ang isang uri ng pag papahayag)
patungkol sa argumento ni Chomsky, gamitin ito ng iba’t ibang paraan ng pag
papaunlad ng talata. Lagyan ito ng label

Ang aking sanaysay ay patungkol sa argumento ni Chomsky na “explosion of


competence” na nangangahulugan na ang bata ay mas mabilis matuto ng wika kesa sa
kaalaman sa pang labas ng mundo. Sa panahon natin ngayon madami ang mga bata
natututo kaagad mag salita sa murang edad pa lamang dahil na din kung ano ang
kanilang naririnig ay sila din nilang gagayahin.

Ang wikang sinasalita ng mga bata ay nakadepende kung anong wika ang
ginagamit nila sa kanilang tahanan at kung ano ang madalas nitong marinig. Mahalaga
na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino.
Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na
magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang
maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng
mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung
ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Ihahambing ko sa aking sariling karanasan ang argumento ni Chomsky, katulad


ko ang pangunahing wika na ginagamit sa aming tahanan ay ang wikang filipino na
aking nagging mother tongue subalit habang ako ay lumalaki natuto din ako ng isa pang
lingguwahe dahil na rin lagi ko to naririnig at ginagamit.. Ang wika ay makakatulong
upang mas maipahayag natin ang ating saloobin o nais sabihin. Ito rin ang tulay ng
komunikasyon sa pakikipagtalastasan. Makapangyarihan ang wasto at mabuting
paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayo ng matatag na
pagkakakilanlan
References:
 Noam Chomsky. (2019, November 3). Retrieved from
https://tl.wikipedia.org/wiki/Noam_Chomsky
 blog, blog. (2019, September 11). Ang Linggwistikang Pagdulog Sa Wika. Retrieved from
https://www.scribd.com/document/425367862/Ang-Linggwistikang-Pagdulog-Sa-Wika
 barcelon, kyla mae. (2016, June 29). Iba't ibang uri ng pagpapahayag. Retrieved from
https://prezi.com/edy6w6aq6jtg/ibat-ibang-uri-ng-pagpapahayag/

You might also like