You are on page 1of 3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Module Code: Pasay-EPP4HE-Q1-W2-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4( Home Economics )


Markahan / Ikalawang Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin : Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay.

B. 1. Panimula :

Mayroon bang ganitong bagay sa inyong tahanan? Anong gamit ng mga bagay na ito?
Paano ito nakakatulong sa pangangalaga sa iyong kasuotan?

ALAMIN NATIN

Ang pananahi sa kamay ay isang kapaki-pakinabang at kawili-wiling gawain. Ang kaalaman at


kasanayan sa pananahi sa kamay ay mahalagang matututunan .Mahalaga na matutunan mo muna
ang mga kagamitan sa pagtatahi gamit ang kamay at kung paano ito gamitin.Upang maayos ang
damit mong punit/sira, kailangan mo munang alamin ang mga gamit na dapat mong gamitin at
kung paano ginagamit ang mga ito.

Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay


1. Karayom –Ito ay matalas, matulis, at may iba’t ibang haba at laki ng butas.
2. Sinulid - Ito ay mga pangunahing gamit sa pananahi.Ito ay matibay at hindi kumukupas.Ito ay
magkasingkulay ng tela o damit na tinatahi.
3. Medida – Bago gupitin ang telang tatahiin dapat ay sukatin muna ito gamit ang medida upang maging
akma ang sukat nito.Ginagamit din itong panukat ng mga bahagi ng katawan.
4. Didal – Kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa matigas na tela,ginagamit ang didal. Ito ay isinusuot sa
gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom sa pagtatahi.Sa ganitong paraan, maiiwasang
matusok ng karayom ang mga daliri.
5. Pin cushion – Pagkatapos gamitin ang karayom sa pagtatahi, mainam na ilagay ito sa pin cushion.
6. Gunting – Gumagamit ng angkop at matalas na gunting sa paggupit ng telang itatapal sa punit na
damit o damit na susulsihan.
7. Emery bag – Itutusok ang karayom dito kapag hindi na ginagamit upang hindi kakalawangin.
8. Aspili – Ginagamit sa paglalapat o pagdugtong ng tela habang ito ay tinatahi.
9. Sewing box – Lagayan ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay.
.
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Reference for Further Enhancement:


https://quizizz.com/admin/quiz/5dde6f2039dba1001f0bae81/kagamitan-sa-pananahi-sa-kamay

Sa anumang ginagawa natin, maging mapanuri tayo, malikhain at matiyaga sa


pagkalap ng kaalaman at kasanayan sa pagsasabi ng gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa
kamay na makakatulong upang mapanatiling malinis ang kasuotan.

Gawain 1: Hanapin Mo

Panuto: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay.

Gawain 2: Isulat Mo

Panuto: Sa pamamagitan ng hint,ibigay ang hinihingi ng mga parirala upang mabuo ang
Crossword Puzzle.
PAHALANG:
:

PABABA:
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _________________

Gawain 3: Alamin Natin

v Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang letra upang mabuo ang salita.

1. Lagayan ng mga gamit sa pananahi.

2. Ginagamit sa paggupit ng tela

3. Ito ay matibay at hindi kumukupas at kasingkulay ng telang tatahiin.

4. Ginagamit sa paglalapat ng telang tatahiin upang di gagalaw

5. Ginagamit sa pagsukat bahagi ng katawan at ng telang tatahiin.

6. Tusukan ng mga aspili at karayom na di ginagamit.

7. Matalas,matulis at isa sa pangunahing gamit sa pananahi

8. Tusukan ng karayom upang di kakalawangin

9. Isinusuot ng gitnang daliri kapag nagtatahi upang di matusok ng karayom.

10. Isang kapaki-pakinabang ata kawili-wiling gawain.

You might also like