Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

ELEMENTO

NG ALAMAT
ANO BA
ANG
ALAMAT?
ALAMAT
Ito ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o
nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
Maaaring magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o
kung bakit nagkaroon ng ganoong pook o bagay. Ito ay
karaniwang kathang-isip at ito ay pasalin-dila mula pa sa
panahon ng ating mga ninuno.
BANGHAY NG ALAMAT
Ang banghay ng alamat ay maaaring maging payak o
komplikado. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay
hindi makatotohanan bagama’t may mga pangyayari
ritong kakikitaan ng mga kultura ng mga Pilipino,
gayundin ang mga gintong-aral na laging nakapaloob sa
mga panitikan kagaya nito.
BANGHAY NG ALAMAT
Simula
Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa
alamat at ang papel na kanilang gagampanan sa alamat,
kung sila ba ay bida o kontrabida. Makikita rin dito ang
tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o ng mga
eksena na naghahayag ng panahon, oras at lugar
BANGHAY NG ALAMAT
Gitna
Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang mga
dayalogo, o ang usapan ng mga tauhan. Dito rin makikita
ang tunggalian ng mga tauhan, at ang kasukdulan, kung
saan dito iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung
ito ba ay kasawian o tagumpay
BANGHAY NG ALAMAT
Wakas
Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ng
istorya. Dito rin mababatid ang kamalian o kawastuhan
ng mga di-inaasahang naganap. Makikita naman sa
katapusan o wakas, ang kahihitnan ng kuwento, kung ito
ba ay magtatapos ng masaya, malungkot, pagkapanalo o
pagkatalo
KATANUNGAN:
Ano kaya ang mangyayari kung hindi taglay
ng isang alamat ang alinman sa mga
nabanggit na elemento? Ipaliwanag.
KATANUNGAN:
Sa iyong palagay o opinyon, bakit
karaniwang nagkakaroon ng kaparusahan o
namamatay ang pangunahing tauhan sa
mga alamat?
KATANUNGAN:
Bakit mahalagang maging maayos ang
banghay ng isang akda? Paano ito
makakatulong upang matiyak na maayos din
ang magiging daloy ng pangyayari sa
babasahin?
KATANUNGAN:
Bagama’t ang alamat ay mga kathang-isip
lamang, masasabi mo bang makatotohanan
ang mensaheng hatid nito sa ating mga
buhay? Bakit?
KATANUNGAN:
Kung ikaw ay isang guro, hihikayatin o
ituturo mo rin ba sa iyong mga mag-aaral
ang pagbabasa at pagpapahalaga sa mga
alamat? Bakit?
PAGSULAT NG JOURNAL
Paano nakakatulong ang pagbasa o pag-
unawa sa mga alamat upang maipalawanag
ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, o
pangyayari sa kasalukuyang panahon?

You might also like