Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KWENTONG-BAYAN

Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong


panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong
tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad
ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap.

Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi


pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng
ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang
kapangyarihan tulad ng mga Diyosa, mga anito, diwata,
engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa mga
kuwentong-bayan ang kaugalian, pananampalataya, at mga
suliraning panlipunan sa panahon kung kalian ito naisulat.
May mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay
makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit ang
karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng mahahalagang
aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat


rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang
bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita,
kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga
detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago
sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan bagama’t
nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang
tagpuan kung saan naganap ang kuwentong-bayan.

Uri ng Kuwentong-bayan
1. Kuwentong-bayan Tagalog
Si Mariang Makiling
Si Malakas at Si Maganda
Mga Kuwento ni Juan Tamad
2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya
Ang Bundok ng Kanlaon
Ang Batik ng Buwan

3. Mga Kuwentong-bayan sa Mindanao


Isang Aral Para sa Sultan
Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy

You might also like