Filipino 8 Modyul 4 Unang Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Silay Institute, Incorporated

Junior High School Department

Taong-Panuruan 2020-2021

FILIPINO 8
Introduksyon

Ang pulo ng Mindanao ay mayaman sa likas na yaman. Isang pulo na kung saan hindi lubusang nasakop
ng Espanyol. Kung panitikan ang pag-uusapan hindi rin pahuhuli ang pulo na Mindanao. Napatunayan ito sa
Katipunan ng aklat na nagtataglay ng epikong pinamagatang Darangan. Ang mga epikong ito ay binubuo ng 25
kabanata. Ito ay naglalaman ng kabayanihan, kagitingan, at kahangang-hangang gawain ng mga Meranao. Ang
aklat na ito ay inihahalintulad sa Iliad at Odyssey ni Homer. Tinawag itong Odyssey ng Lanao. Ilan sa kilalang-
kilalang epiko mula sa Darangan ay ang Bantugan, ang Indapatra at Sulayman, at ang Daramoke-a-Babay.

Sa araling ito ay matutunghayan ang isa sa tatlong mahalagang akda ng Darangan, ang Bantugan, na
orihinal na naitala sa wikang Meranao na sinasabing isang wikang Malayo-Polynesian. Ito ay buong tiyagang
inilagay sa katitikan ni Dr. Frank Laubach noon lamang 1930 na nagpapasalin-salin laamng sa isip at bibig
noon.
Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang
sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking
matandang panitikan – ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan ng
ating lahi at nais nating matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng
pansin ang ating mga epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga di- kapani-
paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na tunay na
maipagmamalaki.

Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit napabilang ang epiko sa
matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan.

Nakapaloob din sa araling ito ang pagtatalata at pagpapalawak ng paksa. Ang talata ay isang maikling
kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang
kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di lantad. Layunin nito na
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.

Sa kasanayang pangwika naman, tatalakayin ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Dito
mapagtanto ng mga mag-aaral na ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay maipapakita sa maayos
na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap.

Layunin

Pagkatapos ng kabanatang ito,

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
2. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: -paghahawig o pagtutulad -pagbibigay
depinisyon -pagsusuri
3. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba
pa)
4. Naisusulat ang talatang: -binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap - nagpapahayag ng
sariling palagay o kaisipan at nagpapakita ng simula, gitna
5. Naipakilala ang tauhang may katulad na katangian mula sa akdang babasahin
6. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa epikong binasa at tekstong binasa
7. Nakikilala ang mga hudyat ng sanhi at bungang ginamit sa pangungusap

Mga Susing Punto o Mahalagang Kaalaman sa Aralin

BUOD ng EPIKONG BANTUGAN

( file:///C:/Users/admin/Desktop/FILES%20from
Tara kwentuhan %20REALME/Unang_Markahan_Baitang_7_Supplemental_Le.pdf )
Tayo!
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng
Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na
makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan,
siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring
Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang
sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng
kamatayan.

Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil

sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa
matinding pagod sa paglalakbay kung saan-saan, si Bantugan ay nagkasakit
hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian
ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.

Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong

hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag
ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat
gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at
sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay
ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.

Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring

Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring
Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni
Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik
ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya
ang lahat at nagbago si Haring Madali.
ALAMIN
NATIN!
MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA NG MGA
PANGYAYARI
Sagutin Natin Ito!

Gawain Bilang 3

Panuto: Ipakilala ang paborito mong superhero. Isulat sa loob ng diyamante ang kanyang pangalan at sa mga
linya ilarawan ang kanyang katangian partikular ang kanyang kapangyarihang taglay. ( 15 pts )

1.

__________________________________________________________________________________________

Panuto: Sagutin at ipaliwanag nang buong husay ang mga sumusunod na mga katanungan. ( 15 pts )

2. Sino si Prinsipe Bantugan, ano-ano ang mga katangiang taglay niya?

____________________________________________________________________________________

3. Isalaysay ang mga pangyayari sa buhay ni Prisipe Bantugan mula nang lisanin niya ang kaharian.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. Makatwiran ba ang ginawa ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan? Patunayan

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa akdang ito?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

6. Paano nakatutulong ang teknik sa pagpapalawak ng paksa sa paggawa ng isang talata?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

7. Bilang isang mag-aaral, paano mo isabuhay ang aral na nakuha mo sa araling ito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

______________ 8. Isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas,
may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinapaksang pangungusap na
maaaring lantad o di lantad.
______________ 9. May mga salitang hindi agad-agad maiintindihan kaya napakahalaga na bigyan muna ito ng
kahulugan batay sa pagkagamit sa pangungusap.
______________ 10. Kapag may nais palitawin sa isang bagay, tao, o pook na nais ilarawan.
______________ 11. Dito masusing hinihimay-himay ang bawat nilalaman at ang kaugnayan ng bawat ideya sa
isang talata.

Panuto: Salunnguhitan ang hudyat ng sanhi at bilugan naman ang hudyat ng bunga.

12. Sapagkat marami ang umusbong na panitikan bago dumating ang mga Kastila kaya mas dumami pa ito ng
sakupin tayo ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon.

13. Dahil sa pagsakop ng iba’t ibang bansa sa atin tuloy maraming panitikan ang umusbong.

14. Naging matagal ang pananakop ng mga Kastila kung kaya sila ang may pinakamaraming ambag sa
panitikan sa Pilipinas.
Panuto: Buoin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagdudugtong ng hudyat ng sanhi o hudyat ng bunga.

15. Sapagkat si Haring Madali ay ______________________________________________________________.

16. Bunga nito ang buong kaharian ay __________________________________________________________.

17. Kaya naman si Prinsipe Bantugan ay ________________________________________________________.

Panuto: Paghambingin ang mga sumusunod.

18. Haring Madali at Prinsipe Bantugan

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

19. Pagsusuri at Pagbibigay-Katuturan o Depinisyon

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa sinaunang uri ng Panitikang Pilipino.

20.

Pag-isipan at Sagutin Natin !

Pagsusulit Bilang 4
Panuto: Batay sa larawan na nasa ibaba, gumawa ng isang talata na ginagamitang ng teknik sa pagpapalawak
ng paksa at mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. ( 15 pts )

Panuto: Salungguhitan ang hudyat ng sanhi at bilugan ang hudyat ng bunga.

2. Naging ganid sa kapangyarihan si Haring Madali kung kaya nagbago ang kanyang pagtingin sa
nakababatang kapatid na si Prinsipe Bantuga.

Panuto: Dugtungan ang sumunod ng pahayag gamit ang hudyat na sanhi o hudyat ng bunga para makabuo ng
isang pangungusap.

3. Kayan naman umusbong ang kwentong-bayang epiko sa Mindanao _____________________________

____________________________________________________________________________________

Panuto: Maghinuha at magpaliwanag nang buong husay sa mga sumusunod na mga katanungan. ( 15 pts )

4. Kung ikaw si Prinsipe Bantugan, paano mo harapin ang mga balakid o problemang dumating sa iyo?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Sa pagsusulat ng isang talata, bakit napakahalaga na bigyang-diin o pansin ang mga teknik sa
pagpapalawak ng paksa?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Kabuoang Puntos na Nakuha sa mga Gawain at Pagsusulit

___________________________

__________________________________________________________

Mga Komento sa Pagganap ng Mag-aaral sa Unang Markahan

RUBRIK
( Ang rubric na ito ang maging batayan sa pagbibigay ng puntos sa mga
pagpapaliwanag o mga subhetibong tanong )

You might also like