Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banna National High School

Third Quarter
Long Quiz # 1
AP10
I. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ba ay sex o gender.
1. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa
lalaki.
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.
3. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
4. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.
5. Hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.

II. Isulat ang tamang sagot.


6. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
7. Ito ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho..
8. Ito ay mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
sekswal na kapareha
9. Ito ay mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
10. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig
sa kapwa babae.
11. Sila ay mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae.
12. Sila ay mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
13. Sila ay mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.
14. Sila ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.
15. Sila ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko.
16. Ayon sa code na ito, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
17. Idinagdag ni ______________________na sa loob ng pamilya, ang mga Pilipina ay lumalaking
tinitingnan bilang siyang pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya.
18. Makikita mula sa pag-aaral ni _______________________na limitado pa rin ang karapatang taglay ng
kababaihan sa panahon ng mga Espanyol.
III. Tukuyin kung anong panahon naganap nag mga sumusunod na pangyayari tungkol sa iba’t – ibang
kasarian sa iba’tibang panahon.
19. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari.
20. Limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan
21. May mga Pilipina na nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang.
22. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
23. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
24. Marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho
at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT.
25. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na
plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937.

IV. Essay. (26-30)


Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa lipunan/pamayanan?
Pangatwiranan.

Prepared by: Ma. Kristell Ann P. Encarnacion


Subject Teacher

You might also like