Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Naririto ang 5 tala at katunayan tungkol sa kamangha-manghang milagrosong

santong tagapagpagaling :
1) Naging Monghe siya sa gulang na 23, naging pari ng 31 taong gulang . at
ermitanyo ng edad 46.
Isinilang si San Charbel sa Yousef, Antoun Makhlouf noong 1828 sa bulubundukin ng
Hilagang Lebanon. Isa siya sa limang anak na pinalaki ng pamilyang debotong
Kristiyano.

Sa murang gulang ay ninais na niyang maging monghe. Katulong siya ng pamilya sa


pangangalaga sa maliit nilang kawan at kadalasan ay dinadala niya ang kawang ito sa
grotto ng Mahal na Birhen upang manalangin.

Ang grottong ito ang naging “ una niyang dakong tahanan ng ermitanyo at dambana ng
pagsamba.”

Pinili niya ang pangalang “Charbel” nang siya’y maging monghe sa Lebanese Maronite
Order. Buong-buo niyang itinalaga ang kanyang buhay kay Hesukristo “nang may di
nahahating puso”
2. Walang sino mang nakamalas sa kanyang mukha noong siya’y nabubuhay pa.
Ayon kay Fr. Manseur Awad sa “Three Lights From the East”,Hindi kalian man nakita ng
mga tao ang kanyang mukha . Palagi siyang nakatungo sa simbahan, sa trabaho o kahit sa
paglalakad na laging sa lupa nakatingin.”
“Tutunghay lamang siya sa langit. Sa simbahan, sa altar lagi siyang nakaharap at nakatitig sa
tabernakulo. Nakatihaya na siya noong mamatay at nakasara ang mga mata at di rin tumitingin
kaninuman tulad ng buong buhay niya.

Si San Charbel ay may napakalalim na debosyon sa Eukaristiya. Habang dinarasal niya ang
sumusunod na panalangin noong Dis. 16, 1898, siya ay inatake sa puso.
“Ama ng Katotohanan , naririto po ang Inyong Anak, ang sakripisyong nakalulugod sa
Inyo, tanggapin po Ninyo ang paghahandog Niya na namatay para sa akin….”
3) Pagkatapos ng Kamatayan ni San Charbel, “nakakita ang kasamang monghe ng liwanag na
pumapalibot sa katawan ni San Charbel “
Sa pagdalaw ng isang monghe sa tabernakulo nang hatinggabi pagkamatay at pagkaalis ng
bangkay ni San Charbel para ilibing, nakakita siya ng liwanag na pinalilibutan ang tabernakulo
at ang katawan ni San Charbel.
‘ Nasa harapan ng altar ang katawan ni San Charbel”, ayon sa sinulat ni Fr. Mansour Awad sa
Three Lights From the East.
“Nakita ng monghe ang liwanag na sumabog mula sa tabernakulo, lumigid sa katawan ni San
Charbel tumaas sa ilawan sa tapat ng kabaong at nagbalik sa tabernakulo.”
4) Sumisinag ang liwanag mula sa kanyang libingan.
Nag-ulat ang maraming tao, kabilang ang mga Kristiyano at mga Muslim, ng pagsinag ng
liwanag mula sa libingan ni San Charbel.
Maraming ulit na ipinahukay ang kanyang katawan. Natagpuan ng mga pinuno ng Simbahan
na hindi naagnas munti man ang kanyang katawan.
Makalipas ang ilang buwan pagkamatay niya, natagpuan ng mga nanunungkulan na “ sa mga
sumunod na pagsusuri, sumingaw mula sa kanyang katawan ang dugo at tubig tulad ng lahat
na may buhay.
Isang pari ng St. Maron na dumalaw kay Fr. Charbel noong siya’y maysakit at dumalo sa
kanyang libing , si Fr. Peter Mishmshany, ang nagsabing “ Nang may liwanag na nakita ng
maraming tao na tumaas sa ibabaw ng nitso , nabuksan ito at nakitang buo, maayos at di ito
naaagnas.
Napaulat na ang katawan ni Fr. Charbel ay nanatiling buo nang mahigit na 40 taon mula ng
siya’y mamatay.
5) Maraming himala ng pagpapagaling ang naiugnay sa kanyang makapangyarihang
pamamagitan.
Si San Charbel ay higit na kilala sa kanyang makapangyarihang pamamagitan para sa mga
maysakit. Maraming himala ang naganap sa pamamagitan niya.
Isang halimbawa na noong1936, nagkaroon ng malubhang karamdaman sa loob ng katawan si
Sister Mary Abel Kamary, isa sa mga mongha ng Two Sacred Hearts Nuns.
Ang kanyang lapay (pancreas) apdo (gallbladder) at bato (kidney) ay nagkadikit-dikit kaya
hindi siya makapigil ng pagsusuka at namamanhid ang kanyang kanang braso, Ang mga
operasyon niya ay hindi matagumpay.
Binata niya ang mabigat na pagdurusang ito sa loob ng 14 na taon. Isinusuka niya lahat ng
kanyang kinain, nabulok ang kanyang mga ngipin, at nakasaklay siya kung lumakad.
Sa pagkarinig sa pamamagitan ni San Charbel, hiningi niya ang kanyang tulong. Binasbasan
siya ni San Charbel sa panaginip at kalaunan ay binisita niya ang libingan ni San Charbel sa
Lebanon.
Di pa nalalaunang hawakan niya ang tiles ng libingan nang makaramdam siya daloy ng
koryente sa kanyang likod.
Habang siya’y nananalangin sa tabi ng nitso, Lumabas na nakaukit ang pangalan ni San Charbel
na napaliligiran mga patak ng nagniningning na pawis sa tiles. Ipinunas niya ang kanyang
alampay at ikinuskos sa bahaging may sakit. Tumayo siya at lumakad nang may sigaw ng
kagalakan sa kanyang paggaling.”
Ang iba pang sinasabing pagpapagaling sa pamamagiatan ni San Charbrl ay ang paggaling mula sa cancer, sroke, mga
bukol at ang paggaling ng sanggol na ipinanganak ng kulang sa buwan.

Ang Maronite na ito ay na canonize ni Papa San Pablo VI noong Oktubre 9, 1977. Hulyo 24 ang kanyang kapistahan,

San Charbel Makhlouf


Ipanalangin mo kami!

Nangangailangan ka ba ng himala? Manalangin kay San Charbel !


Philip Kosloski/Hulyo 24, 2018 Ang santong Lebanese ay naging kilala at tanyag sa mahiwagang pamamagitan sa di
mabilang na okasyon.

Sa lahat ng mga kasaysayan, humihirang ang Diyos ng mga taong gumagawa ng kahangahangang himala upang
mahayag ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal sa sangkatauhan. Isa sa mga ito si San Charbel Makhlouf
na palagiang nagpatotoong siya’y makapangyarihang tagapamagitan upang ang mapagpagaling na paghipo ng Diyos ay
mailantad.

Isa siyang mapagkumbaba at banal na ermitanyo na ang kahinaan ang naging kalakasan sa kamay ng Diyos.

Ipinanganak si Charbel saLebanon noong 1828 at lumaki sa isang dukhang pamilya ng mga pastol. Habang siya’y
lumalaki, siya’y naakit sa buhay ng ermitanyo sa disyeerto at ng kalauna’y pumasok sa Monasteryo ni San Maron sa
Annaya.

Tapat sa kaniyang tungkulin sa buhay pananampalataya at nagiging higit na malapit sa Diyos araw-araw.

Sa paglipas ng maraming taon, Naramdaman ni Charbel ang muling pagtawag ng Diyos upang maging ermitanyo at
siya’y pinahintulutang mamuhay sa pagkaermitanyo sa burol malapit sa monasteryo.

Sumakabilang buhay si Charbel noong gabi ng bisperas ng Pasko sa gulang na 70, at nang hukayin ang kanyang labi ay
nakitang hindi ito nagbago o naagnas . May nakitang banal na langis na umaagos mula sa kanyang libingan na mula
noon ay pinanggagalingan ng maramimg himala.

Halimbawa ang isang babaeng bulag mula sa Arizona na gumaling noong 2016 matapos magpugay sa relic ni San
Charbel. Inamin ng pangkat medikal na nagsusuri sa himala na “ Wala kaming medical na paliwanag at kaya nga
pinaniniwalaang ito’y milagrosong paggaling sa pamamagitan ni San Charbel”

Sa France, isang sanggol na lalaki ang itinakda nang mamatay kaya ginamitan ng kanyang pamilya ng langis mula
libingan ni San Charbel at ipinagdasal ng novena kay San Charbel para sa mahiwagang paggaling.

Ayon sa pamilya, “Sinabi ng mga doctor na higit na madalas ang kanyang pagtulog at higit na pakonti ng pakonti ang
kanyang pagkain. Sa halip, nagiging higit siyang alerto at patuloy ang pag-inom sa bote nang konti konti . Sinuri uli si
Come sa pagtatapos ng Setyembre. Sa aming kagalakan at sa pagkamangha ng mga doctor, malaki ang iginanda ng
kaniyang kalagayan na pinagdesisyunang siya’y mabubuhay… Iningatan siya ng Mahal na Birhen at ni San Charbel”

Marami pang himalang naitala sa website na nakatalaga kay San Charbel nagpapatunay na nalulugod ang Diyos na
maghimala sa pamamagitan ng payak na santong Lebanese na ito.

Bagama’t hindi tiniyak na magkakaroon ng himala kapag nagdarasal sa Diyos sa pamamagitan ng santo, ang gawaing
ito’y nagpapanibago ng puso at tinutulungan tayong maging handa sa kung anumang planong ginawa ng Diyos.

Isang novena (dinadasal sa loob ng siyam na araw) kay San Charbel na siyang binabalingan ng marami sa oras ng
pangangailangan.

Panginoon, Banal na walang hanggan at napapapurihan sa Iyong mga Santo, Ginanyak po ninyo si Charbel, ang
santong monghe, na pangunahan ang perpektong buhay ermitanyo. Pinasasalamatan po kayo sa pagbibigay ng biyaya
at ng lakas na iwalay ang sarili sa mundo, upang ang kagitingan ng mga monastic virtues ng kaabahan, pagsunod at
kalinisan ang magtagumpay sa kanyang pagka ermitanyo.

Hinihiling naming pagkalooban kami ng biyaya ng pag-ibig at paglilingkod sa Iyo, sa pagsunod sa kanyang halimbawa.

Makapangyarihang Ama ,n a naghayag ng kapangyarihan ng pamamagitan ni San Charbel sa di mabilang na himala at


pagpapala, ipagkaloob po sa amin …

(Sambitin ang inyong kahilingan )


Sa kanyang pamamagitan. Amen.

ARMA CHRISTI

Ang pinakahuling himala ni San Charbel


Makapangyarihang Ama ,n a naghayag ng kapangyarihan ng pamamagitan ni San Charbel sa di mabilang na himala at
pagpapala, ipagkaloob po sa amin …

(Sambitin ang inyong kahilingan )


Sa kanyang pamamagitan. Amen.

ARMA CHRISTI

Ang pinakahuling himala ni San Charbel

You might also like