Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAKSANG MADALAS MAITANONG

HOLIDAY PAY on April 9, 10 and 11, 2020


TANONG:
Maitanong ko lang po s inyo, hindi po kasi binayaran ng company namin ung holiday namin ng
mahal n araw at May 1 kasi daw po ayon s CBA namin eh no pay daw kasi yun kapag wala ka ng
leave s company,meron pa naman akong leave sa company,any katwiran po nila at nagamit n
naming para s buwan ng march,hindi po naman naming kasalanan ng magkaroon tau pandemic
gawa ng covid19,PUMASOK AKO NOONG MARCH 16 bago magdeclare ang manager naming n
ndi muna magpapapasok gawa ng lockdown,pakisagot naman po pls.
SAGOT:
Scenario 1:
KUNG NAGSARA po ang negosyo o ang trabaho nyo sa panahon ng ECQ, hindi po kayo
makakatanggap ng holiday pay para sa April 2020 holidays.
Sabi sa Labor Advisory 13-A (hanapin sa mga dating posts), pag nagsara or huminto ng operation
ang negosyo o trabaho, exempted ang employer na magbayad ng holiday pay para sa April 2020
holidays.
Scenario 2:
KUNG HINDI NAGSARA o may skeleton force ang negosyo o trabaho, may matatanggap po kayong
holiday pay para sa April 9 (200% ng sahod) at April 10 (100% ng sahod) kahit hindi po kayo
pumasok mula nung nagdeklara ng ECQ or March 17, 2020. KINAKAILANGAN LANG na pumasok
kayo noong Marcy 16 or ang araw bago ang ECQ.
Sabi sa Labor Advisory 13 (hanapin sa mga dating posts), makakatanggap ka ng holiday pay para
sa April 2020 holidays kung ikaw ay hindi nakapasok habang nasa ECQ. KAILANGAN mo lang
pumasok sa noong March 16 o araw bago ang ECQ.
Scenario 3:
KUNG HINDI NAMAN NAGSARA NAG NEGOSYO PERO PUMASOK KA NOONG ECQ, ikaw ay
makakatanggap ng holiday pay para April 2020 holidays KUNG ikaw ay pumasok o nasa paid leave
noon April 8, 2020 or isang araw bago ang April 9, 2020 holiday.
Wala pong Labor Advisory dito pero naitawag po natin ito sa DOLE Hotline 1394 kasi po may kulang
na scenario sa mga Labor Advisories na inilabas tungkol sa April 2020 holidays.
KAHIT NA PO ENTITLED KAYO sa April 2020 Holiday pays, maaari pong ipagpaliban ng employer
ang pagbayad sa inyo ng holiday pays HABANG hindi pa po nababawasan ang ating kasalukuyang
sakuna (covid19 pandemic) or hanggat hindi pa normal ang operation ng negosyo o trabaho.
Ang basehan po nito ay Labor Advisory 13-A pangalawa sa huling talata (hanapin sa mga dating
posts).

You might also like