Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LALAWIGAN NG BATANGAS ) SS.


BAYAN NG BALAYAN )

KONTRA-SALAYSAY

AKO, JOSEPH MANALO y PRIOLO, nasa hustong taong gulang, binata, Filipino at
naninirahan sa Barangay Puting Kahoy, Calaca, Batangas, na matapos na makapanumpa ng
naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasaadng mga sumusunod:

Na ako ay akusado sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591


(Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) na kasalukuyang nakalagak sa
Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig, Balayan, Batangas at natala bilang NPSD NO.
IV-02a-INQ-17I-00115;

Na walang katotohanan ang nilalaman ng Magkasanib na Sinumpaang Salaysay


nina SPO2 Jose Elpidio Caraig Bruno Jr., at PO1 Herald Dimailig Collado at Magkasanib
na Sinumpaang Salaysay nina Ven Woodgie Marasigan y Pesigan at Andrew Dazo y
Agito;

Na ang buong katotohanan ay ang mga sumusunod:

Na noong ika-27 ng Setyembre 2017, humigit kumulang alas 11:00 ng umaga ay


nasa bahay ako ng aking kapitbahay sa may Brgy. Puting Kahoy, Calaca, Batangas
sapagkat mayroong berteyhan doon at habang nagkakaroon kami ng kasiyahan ay biglang
dumating si Jeric Gomez at halatang nakainom na siya bago pa man siya magtungo sa
nasabing bertdeyhan;

Na habang nagkakasiyahan at nagkakantahan ay laking gulat na lamang namin ng


aking mga kabarkada sapagkat biglang nagpaputok ng baril itong si Jeric Gomez sa hindi
namin malaman na dahilan;

Na noong humigit kumulang alas 3:00 ng hapon ng nasabing petsa ay nakiusap sa


akin si Jeric Gomez na kung maaari ay ihatid ko siya at ipagmaneho gamit ang kanyang
motor papuntang Barangay Talisay, Calaca, Batangas kung saan siya nakatira dati;

Na nang makarating na kami sa may waiting shed na nasasakupan ng Barangay


Talisay, Calaca, Batangas ay bigla na lamang niyang pinaputok ang baril na dala niya at
ang pagpapaputok niya ng baril ay nasundan pa nang makarating kami malapit sa bahay
na tinitirhan niya dati;

Na nang makarating na kami sa bahay na dating tinitirhan ni Jeric Gomez ay


biglang dumating ang mga pulis makalipas ang ilang minuto at agad na ako ay nilagyan
ng posas sa kadahilanan na ako daw ay nagpaputok ng baril;

Na walang katotohanan ang sinabi nina SPO2 Jose Elpidio Caraig Bruno Jr., at
PO1 Herald Dimailig Collado na may nakita silang nakasuksok na maikling baril sa
aking tagiliran sapagkat wala akong dalang baril noong ika-27 ng Setyembre 2017 at
wala din akong dahilan upang magdala ng baril sapagkat hindi ko ito alam gamitin;
Na nang inaresto ako ng mga pulis ay agad kong hiniling sa kanila na isailalim
ako sa paraffin test para patunayan ang aking sinasabi na hindi ako ang nagpaputok ng
baril subalit hindi sila pumayag;

Na ginawa ko ang salaysay na ito upang patunayan ang nakasaad sa itaas nito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako lumagda sa ibaba ngayong ika-5 ng


Oktubre 2017 dito sa Balayan, Batangas.

JOSEPH MANALO y PRIOLA


Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-5 ng Oktubre 2017dito sa


Balayan, Batangas.

CERTIFICATION

THIS IS TO CERTIFY that I have personally examined the affiant and that I am satisfied
that he freely executed and understood his affidavit.

You might also like