Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City

PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Pinagtongulan, Lipa City

I. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang wastong kasagutan at isulat ito sa sagutang papel.

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal
at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal, at kultural.
Kumara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan biang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural, agrikultural, at sa klima.
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng mga anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.

2. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga at Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands.
Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang
matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia at Manchuria.
A. prairie B. savanna C. steppe D. tundra

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo at pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksyon ng mga speciesna hindi likas sa isang partikular na rehiyon

4. Ang mga Asyano ay nahahati sa ibat ibang pangkatbatay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang tawag sa
pagpapangkat na ito?
A. etniko B. nomad C. katutubo D. etnolinggwistiko

5. Ikaw ay isang Ambassador of Goowill na naatasang hikayatin at impluwensyahan ang kabataang Asyano na magpalaganap
ng mga programa para sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng isang
multimedia advocacy. Alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang alang?
A. Organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
B. Kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
C. Nilalaman, pagkamalikhain, impact, organisasyon, kapakinabangan
D. Kawastuhan ng mga datos at madaling maunawaan

6. Alin sam ga sumusunod ang sumasakaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paniniran sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

7. Paano naiiba ang sistema ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang Indus at Sumer?


A. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
B. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatakda ng simbahan.
C. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.
D. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.

8. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?


A. Dahil ito ang mahalagang ambag ng mga Shang
B. Dahil ito ang pinagbabatayan ng kanilang pamumuhay
C. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng ibat iba niang wika
D. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ngm ga Tsino

9. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may ibat ibang antas ng mga tao. Alin sa sumusunod ang
nagpapatunay tungkol sa caste system?
A. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
B. Ang Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan.
C. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras.
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan.

10. Ilaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan ng
kontribusyon ng mga Asyano. Ano ang gagawin mo ara makilala at makita ang lahat ng mga kontribusyong ito?
A. paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
B. collage making contest
C. open house exhibit
D. quiz contest

11. Sa palagay ng maraming bansa sa Asya, ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng
pambansang kamalayan kagaya ng pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang
ikabubuti ng sambayanan. Ang konseptong tinutukoy ay:
A. patriotismo B. nasyonalismo C. kolonyalismo D. neokolonyalismo

12. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP. gumanap bilang Kim.
ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal, si Lea Salonga. Sa anong larangan siya nakilala?
A. arkitektura B. palakasan C. musika D. politika

13. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imeryalismong kanluranin sa Asya. Isa rito ang pagbabago sa kultura
na naging dahilan ng kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may
kaugnayan ang mga ito sa mga hamong nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat nating gawin
upang maging bahagi sa pagharap sa mga hamon at paglutas sa mga kaakibat nitong suliranin?
A. Sisihin ang mga kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang Asyano.
B. Tanggihan ang mga turistang mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya.
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan.
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para maaunlad ang bansa.

14. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla ng Spratly na tinatawag din ng mga Pilipino na
Kalayaan Islands. Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga bansang Asyano ay sinakop
ng mga kanluranin. Ano ang nararapat gawin uoang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot sa Spratly
Islands?
A. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba nang maayapa ang nabanggit na krisis.
B. Palakasin ang pwersang pandigma ng Pilipinas upang maging handa sa posibleng digmaan.
C. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansaupang matapatan ang malakas na pwersa ng China.
D. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahaaang Tsino upang paghatian ang mga isla sa Spratly.

15. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansaat papasok ka sa mga kasunduan, ano ang daat na isasaisip sa
pagsusulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating ekonomiya.
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayaaan.
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran.

II. Basahin nag mga sumusunod na pahayag. Isuat ang E kung ekonomiya, P kung politika, at SK kung sosyo-kultural
ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.

16. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong kanluranin.
17. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
18. Umunlad ang sistema ng transportasyon at kominikasyon.
19. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling sistema.
20. Nagtatag sila ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

You might also like