Ang araling ito ay naglalaman ng kasaysayan sa likod ng pagkakalihka ng Kartilya ng Katipunan, ang buhay ng may-akda, at ang mga kahulugan ng lahat ng mga utos na nakapaloob sa kartilya.
Ang araling ito ay naglalaman ng kasaysayan sa likod ng pagkakalihka ng Kartilya ng Katipunan, ang buhay ng may-akda, at ang mga kahulugan ng lahat ng mga utos na nakapaloob sa kartilya.
Ang araling ito ay naglalaman ng kasaysayan sa likod ng pagkakalihka ng Kartilya ng Katipunan, ang buhay ng may-akda, at ang mga kahulugan ng lahat ng mga utos na nakapaloob sa kartilya.
KATIPUNAN ANG “KARTILYA NG KATIPUNAN” ➤ Ito ang panimulang aklat (basic primer) ng Kataas-taasang Kagala- galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan) na kailangang aralin ng mga may nais sumapi sa kilusan. ➤ Nagsisilbi itong “saligang-batas” ng Katipunan at isang talaan ng mga alituntuning pang-kabutihang asal. ➤ Ito ay naglalaman ng mga kaaralan at alituntuning gagabay sa isang sasaping Katipunero/Katipon kundi maging ng isang mamamayang “Tagalog” sa panahong isang armadong himagsikan ang puputok sa panahong ito’y inilathala. ➤ Ito ay ipinamahagi sa bawat sumasapi bilang isang sipi o pampletong halos sinlaki ng isang kuwaderno. Sa huling pahina nito ay isang “application form” para sa mga may nasang sumapi. ➤ Ito ay naglalaman ng labing-apat na utos kung saan ang bawat isa ay may mga aral na pinapakahulugan. ➤ Dito rin kinilala ang bawat Pilipino bilang isang “Tagalog” at ang Pilipinas bilang “Katagalugan”. ➤ “Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat ng tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapampangan man, etc. ay tagalog din.” ANG SALITANG “KARTILYA” ➤ Nagmula ang katawagang “kartilya” sa salitang Kastila na “cartilla” (kar-ti-ya) na nangangahuluhang “isang pangunahing aklat ng mga mag-aaral ng elementarya” sa Espanya. ➤ Ang katawagang ito ang naging inspirasyon upang mabuo ito bilang panimulang aklat na pangunahing kaaralan (basic lessons) ng bawat sasapi sa Katipunan na kailangang tuparin at sundin. ANG MAY-AKDA ➤ EMILIO JACINTO- Siya ang kanang kamay ni Gat Andres Bonifacio at may-akda ng Kartilya. ➤ Siya ay kinikilala bilang “Utak ng Katipunan” dahil sa kanyang mga inambag na sulatin, sanaysay, at ideyang makabayan at moral na ipinairal sa Katipunan at maging sa Himagsikang Pilipino. ➤ Siya ay kaiba kay Apolinario Mabini, ang lumpong kinilala bilang “Utak ng Himagsikan” dahil sa taglay na talinong pambatas at pampamahalaan at sa mga ideya ng pagkabansa. ➤ Sa kabila ng kahirapan, siya’y nakapagtapos ng elementarya at sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran at nakapasok sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Batas (Law). Ngunit sa pagputok ng Himagsikan ng 1896, hindi siya nakatapos. ➤ Siya’y sumapi sa Katipunan noong 1894 bilang si “Pingkian” sa gulang na 18. ➤ Kilalang may taglay na katalinuhang pampilosopiya at kahusayan sa pagsusulat, siya ang nasa likod ng mga sulatin ng KKK gaya ng Kartilya, ang pahayagang “Kalayaan” at iba pang mga babasahin sa ilalim ng sagisag-panulat na “Dimas Ilaw”. ➤ Bilang kanang kamay ni Bonifacio, nagsilbi siya bilang kalihim, piskal, editor, tagapayo ng Supremo, at itinaas sa ranggong Heneral noong taong 1897. ➤ Matapos ang pagpaslang sa Supremo, nagpatuloy pa rin siya sa paglaban sa Himagsikan kung saan siya’y nasugatan at nadakip ng mga Kastila sa labanan sa Magdalena, Laguna. ➤ Sa panahong binubuo ang Unang Republika, nais niyang bumalik sa pag-aaral ng batas ngunit naudlot nang muling namuno sa digmaan laban sa mga Amerikano. ➤ Nang magtatag ng himpilan sa Majayjay, Laguna, siya’y tinamaan ng malaria at, pagkaraan, pumanaw noong ika-6 ng Abril, 1899. UNA ➤ Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
➤ Ang taong hindi bukal sa puso ang kanyang mga mabubuting
paggawa sa kanyang mga kababayan na kanilang ikabubuti’t ikagiginhawang tunay ay nagpapahayag ng kapabayaan at siya’y nagsasawalang bahala. ➤ Dahil dito, maaaring ito’y maka-apekto sa kanyang kapwa na mababahiran ng masamang impluwensya ng katamaran at pagsasawalang bahala. IKALAWA ➤ Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. ➤ Anuman ang dunong at kagalingang taglay sa kanya, ito ay kanyang dapat kasangkapanin nang buong kababaang loob at hindi dapat maging kasangkapan ng pansariling pakinabang. ➤ Kung ito man ay malabag, siya’y nagpapahayag ng pagka- makasarili at ng kayabangan. IKATLO ➤ Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran. ➤ Ipinapahayag nito ang kahalagahan ng pagkakawang-gawa Nang may kahabagan sa mga higit na ngangailangan. ➤ Kalakip nito ay ang pag-ibig sa kapwa at hindi niya ito dapat itaboy. ➤ Lagi rin siya dapat nasa Tamang katwiran na siyang batayan ng kanyang mga sinasalita, mga pagkilos, at paggawa. IKA-APAT ➤ Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao. ➤ Pinahahalagahan ang kapantayan ng tao sa kanyang kapwa sa kabila ng mga pagkakaiba-iba sa lahi, sa kutis, sa katayuan sa lipunan, at maging sa dinadalang yamang materyal. ➤ Itinuturo din dito ang pakikipag-kapwa tao na siyang batayan ng kabutihang may kaginhawaan. ➤ Dito papasok ang aral laban sa rasismo o racism. IKA-LIMA ➤ Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. ➤ Ipinapahayag nito ang aral ng kawalang pag-iimbot o pagiging hindi makasarili. ➤ Ang isang taong may magandang pag-uugali ay dapat makitungo sa paraang may pagpapakumbaba at walang anumang pagmamataas upang paboran ang pagkamakasarili. ➤ Bilang isang taong may dangal, hindi siya dapat gumawa ng mga bagay na para sa kanyang sarili lamang, anuman ang dunong na taglay sa kanya. Itong kabutiha’y ibahagi dapat sa kanila nang buong puso. IKA-ANIM ➤ Sa taong may hiya, salita’y panunumpa. ➤ Itinuturo nito na ang tao’y marunong dapat tumanggap ng anumang pagkakamali at dapat tanggapin ang magiging kahihinatnan niya o magiging kanyang parusa sa salang kanyang ginawa. ➤ Dito papasok ang diwa ng katarungan. IKA-PITO ➤ Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan. ➤ Ipinapahayag nito ang pagpapahalaga sa paggamit ng mga oras sa mga bagay na higit na mahalaga. Dapat ito’y sulitin at gamitin nang walang anumang pagkukulang. ➤ “Time is gold.” ➤ Dito papasok ang tinatawag na “punctuality”. IKA-WALO ➤ Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi. ➤ Pinahahalagahan nito ang pagsasanggalang sa lahat ng mga nagiging biktima ng kawalang katarungan lalung-lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan. ➤ Ang pagbaka sa mga umaapi ay maaaring mangahulugang labanan ang sinumang manlulupig o mang-aapi, dayuhan man o mga kababayan. ➤ Ang talatang ito ay may kinalaman sa aral ng karapatang pantao. IKA-SIYAM ➤ Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. ➤ Ipinapahayag nito ang anumang pag-iingat sa kanyang mga sinasalita at ginagalaw na makaka-apekto sa kanyang pagkatao. ➤ Hindi rin siya dapat maging tsismoso o gumawa ng anumang paninirang puri nang hindi kinikilala nang husto ang taong kanyang tinutukoy. IKA-SAMPU ➤ Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din. ➤ Bilang lalaki, siya’y dapat maging isang huwaran ng kanyang pamilya bilang kanilang pinuno o padre de familia/pamilya. ➤ Bilang huwaran ng pamilya, nararapat siyang gumawa ng mabuti sa kanyang asawa’t mga anak na makaka-apekto hindi lamang sa pagkatao nila kundi maging sa kanyang sarili, anuman ang pagsubok. ➤ Bilang padre de pamilya, siya ang nagpapagal sa ikabubuhay ng kanyang mga minamahal na dapat tularan ng kanyang mga anak na lalaki. IKA-LABING ISA ➤ Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan. ➤ Ipinapahayag nito ang mataas na paggalang at pagtingin sa mga babae bilang mga tao at hindi sila nararapat kasangkapanin sa mga bagay na makakasama sa kanila. ➤ Anuman ang kanilang kahinaang pisikal ay dapat unawain at nararapat bigyang alaga gaya ng kanilang pag-aruga’t pagdamay. ➤ Ipinaalala din nito na igalang at alalahaning lagi ang ating mga inang nagpagal sa pagluwal sa atin sa kanilang mga sinapupunan. IKA-LABINDALAWA ➤ Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba. IKA-LABINTATLO ➤ Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. ➤ Ipinapahayag nito na ang halaga ng tao ay hindi bumabatay sa kanyang pisikal na anyo, katayuan sa lipunan, ni sa materyal na yamang mayroon siya kundi sa kanyang wastong pag- uugali at mabuting pakikitungo sa kanyang kapwa. IKA-LABING APAT AT PANGHULI ➤ Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan. Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa kasunod nito. MGA BATIS ➤ Torres, Jose Victor. Batis: Sources in Philippine History. South Triangle, Q.C.: C & E Publishing, 2018.