Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Name:

Grade: Section: Date:

Hudyat ng Sanhi at Bunga


Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa) (F8WG-Ig-h-22)

Alamin Natin!
Magandang araw sa iyo! Sa araling ito, inaasahang maipapamalas mo ang iyong
kakayahan sa pagpapaliwang kung bakit naganap ang isang pangyayari at ano ang
maaaring kalabasan nito. Isasagawa mo ito habang naglalakbay sa mundo ng isang pinoy
superhero.

Subukin Natin!
Bago ka maglakbay sa mundo ng hiwaga, subukin muna natin ang iyong kaalaman
sa araling ito. Iguhit lamang ang nakangiting emoticon  sa patlang kung ang
ginamit na hudyat sa pangungusap ay hudyat ng sanhi o bituin ★ kung hudyat ng bunga
naman ang ginamit sa pangungusap.

_______ 1. Lumaki siyang mabuting bata palibhasa nakikinig sa magulang.


_______ 2. Isinauli niya ang nakitang pitaka tuloy natuwa ang kaniyang mga magulang.
_______ 3. Ayaw niyang tumigil sa paghahanap-buhay kasi gusto niyang makatulong sa bahay.
_______ 4. Sapagkat nais niyang malayo sa sakit kaya pinapanatili niyang malinis ang paligid.
_______ 5. Tumutulong siya sa mga nangangailangan kaya naman mahal siya ng taong bayan.

Aralin Natin!
May kilala ka bang mga superhero? Eh, pinoy superhero, may naiisip ka ba? Aba
oo, marami sila! May mula sa Luzon, sa Visayas at pati na rin dito sa Mindanao.
Halika ka! Kilalanin mo ang isa sa kanila.
Babasahin mo ngayon ang isang epiko na naglalaman ng kabayanihan, kagitingan at
kagila-gilalas na pakikipagtunggali ng isang pinoy superhero laban sa kaniyang mga
kaaway.

Bantugan
(Epiko ng Mindanao)

Sa isang malayong kaharian sa Bumbaran ay naninirahan ang isang hari kasama ang
dalawa nitong anak na lalaki, si Prinsipe Madali at ang nakababata nitong kapatid na si Prinsipe
Bantugan.
Agad na kinakitaan ng magagandang katangian si Prinsipe Bantugan na higit kay
Prinsipe Madali at maging sa kanilang nasasakupan kung kaya’t labis na humanga sa kaniya
ang nakararami. Isang halimbawa ng katapangan ng batang Prinsipe ang pagpaslang nito sa
isang malaking buwaya dahil sa pagkitil ng ilang kababayan. Nang naglaon, siya ay naging
isang mahusay na sundalo sa kaharian kaya naman pinamumunuan niya ang mga ito sa
labanan. Maliban dito, tanyag ang batang Prinsipe sa kabayanan dahil sa angking tapang,
lakas at kakisigan kaya’t hindi kataka-takang nabihag niya ang puso ng maraming dalaga
maging sa karatig bayan.
Nang maglaon, kinailangan nilang pumili ng panibagong pinuno dahil sa pagpanaw ng
kanilang amang hari. Bilang panganay, kinilala si Haring Madali bilang kapalit ng ama na
sinang-ayunan naman ng nakababatang kapatid.
Sa katanyagan at papuri na natatanggap ni Prinsipe Bantugan mula sa kanilang
nasasakupan at maging sa ibang kaharian, unti-unting nakaramdam ng inggit si Haring Madali.
Agad naglabas ng kautusan ang hari at mahigpit na ipinagbawal ang pakikipag-ugnayan sa
nakababatang kapatid. Ang sinomang mahuling nakikipag-usap sa Prinsipe ay papatawan ng
parusang kamatayan. Labis na nalungkot at nagdamdam ang Prinsipe ng ito ay umabot sa
kaniyang kaalaman kung kaya’t nagpasiya itong lisanin ang kanilang kaharian. Subalit, sa
gitna ng kaniyang paglalakbay, siya ay nagkasakit at tuluyang namatay. Natagpuan ng
magkapatid na hari at ang kapatid nitong si Prinsesa Datimbang ang nakahandusay na prinsipe
sa pintuan ng kanilang kaharian na nasa pagitan ng dalawang dagat. Sila ay nagtaka sapagkat
walang pagkakakilanlan ang naturang katawan. Ipinatawag ng dalawa ang ilang tagapayo ng
kanilang kaharian para sa isang pagpupulong. Sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong,
dumating ang isang loro at kinilalang ang nakaburol ay ang tanyag na Prinsipe Bantugan ng
Kahariang Bumbaran.
Nang mabalitaan ni Haring Madali ang masamang sinapit ng kaniyang nakababatang
kapatid, labis itong nalungkot. Agad siyang nagsagawa ng hakbang upang mabawi ang kaluluwa
ng kapatid at maibalik sa katawan nito. Samantala, ang mahigpit na kaaway ng Bumbaran na
si Haring Miskoyaw ay nagpadala ng kaniyang hukbo at nilusob ang Bumbaran nang
makarating sa kaniyang kaalaman ang nangyari kay Bantugan.
Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Prinsipe Bantugan, dumating
ang hukbo ni Haring Miskoyaw. Nanlaban ang hukbo ng Bumbaran laban sa kanilang kaaway.
Dahil sa nanghihina pa ang katawan ng Prinsipe, siya ay nabihag ni Haring Miskoyaw. Subalit,
ng bumalik ang dati nitong lakas at liksi ay buong tapang niyang hinarap ang kaniyang mga
kalaban. Nailigtas muli ni Prinsipe Bantugan ang Kaharian ng Bumbaran at ang kanilang
nasasakupan.
Sa tuluyang pagbabalik ni Prinsipe Bantugan, masayang nagdiwang ang kaharian, lalo na
at ang nararamdamang inggit sa puso ni Haring Madali ay napalitan na ng pagmamahal para sa
nakababatang kapatid. Sa huli, namuhay si Bantugan ng maligaya sa loob ng mahabang
panahon kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Nagustuhan mo ba ang paglalakbay sa isang mahiwagang mundo ng ating pinoy superhero?


Ngayon, sasagutin natin ang ilang katanungan.

Sagutin Natin
1. Sino si Prinsipe Bantugan?
_______________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang katangian ni Prinsipe Bantugan na hinangaan ng mga nakararami?
_______________________________________________________________________________________________
3. Ano ang dahilan ng paglisan ni Prinsipe Bantugan sa kaharian ng Bumbaran?
_______________________________________________________________________________________________
4. Bakit naiinggit si Prinsipe Madali sa nakababatang kapatid na si Bantugan?
_______________________________________________________________________________________________
5. May naidudulot bang maganda ang pagka-inggit sa kapuwa? Pangatwiranan.
_______________________________________________________________________________________________

Gawin Natin!
Napansin mo ba ang mga nakasalungguhit na salita sa binasang epiko? Ang mga
ito ay mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Basahin ang sumusunod
na pangungusap at salungguhitan ang angkop na hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari.

1. Hindi natulog nang maaga si Ben (sapagkat, kaya) nahuli siya sa klase kinabukasan.
2. Si Ana ay naging matagumpay sa buhay (dahil sa, dahil dito) kaniyang pagsusumikap.
3. Nag-aral nang mabuti si Cassie (palibhasa, kung kaya) nakapasa siya sa pagsusulit.
4. Unti-unting nauubos ang kagubatan (kasi, tuloy) nagkakaroon ng pagguho ng lupa.
5. Nagkalat ang mga basura sa lansangan (dahil dito, sapagkat) bumabaha sa kabayanan.
Sanayin Natin!
Gamitin ang angkop na mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa loob
ng kahon at punan ang sumusunod na pahayag.

kung kaya’t naging dahil sa


dahil dito sapagkat palibhasa
kaya naman bunga nito tuloy
1. Naging marumi ang paligid ng __________ kapabayaan ng mga tao.
2. Nagkaisa ang mga bayaning Pilipino ___________ nakamit natin ang ating kasarinlan.
3. ____________ nakapagtrabaho kaya nakapagtutustos sa pangangailangan nila.
4. Maaliwalas ang paligid ____________ nagtatanim ng bulaklak at halaman si Ana.
5. Nagtutulungan sila sa gawaing bahay, ___________, maaga nilang natatapos ang mga
gawain.

Tandaan Natin!
Nakasalalay ang maayos at malinaw na pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa pagpili ng
angkop na mga salita tulad ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang sanhi ay tawag sa dahilan o rason kung bakit nangyari ang isang pangyayari. Ito ay
ginagamitan ng mga hudyat gaya ng sumusunod:
 sapagkat/pagkat
 dahil sa/dahilan sa
 palibhasa
 kasi
Samantala, ang bunga ay ang tawag sa resulta, kinalabasan o epekto ng isang
pangyayari. Ginagamitan naman ito ng mga hudyat tulad ng sumusunod:
 kaya/kaya naman
 dahil dito
 bunga nito
 resulta nito
 tuloy

Suriin Natin!
Suriin ang magkakaugnay na mga larawan at sumulat ng pangungusap gamit ang
mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________

Payabungin Natin!
Basahin ang sumusunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga ng mga ito gamit
ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Sitwasyon Sanhi Bunga
1. mababang marka
2. baradong kanal
3. sumusunod sa
payo ng magulang
4. pagkakalbo ng
kagubatan
5. pagkalulong sa
mobile games
Pagnilayan Natin!
Ang maingat na pagpili ng salita ay dapat isaalang-alang ng bawat isa. Isang mahalagang
aspetong dapat pagtuunan lalo na sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Sa pamamagitan ng pagpili
ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga ay maipapahayag ng isang indibidwal ang kaniyang
mensahe nang mabisa at malinaw kung kaya maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Writer: Rachell S. Sanchez


Illustrator: Jemmer Magpusao
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte

TALASANGGUNIAN

Aklat
Ailene B. Julian, Nestor S. Lontoc, Mary Grace G. Del Rosario at Alma M. Dayag, Ikalawang Edisyon Pinagyamang
Pluma Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017, 67-68

Julie T. Wong, Alfred Mendoza at Archimedes V. Sendon, Kanlungan Manila: ELP Campus Journal Printing, 2014, 23

Willita A. Enrijo, Asuncion B. Bola, Arlene B. Maniquis, Roselyn T. Salum, Jocelyn DR. Canlas, Mary Jane R. Dasig,
Sharon A. Villaverde, Jayson A. Cruz, Rooel Cyrus S. Magpantay, Jet O. Gellecanao at Maricar L. Francia,
Panitikang Pilipino Laguna: FEP Printing Corporation, 2014, 29, 84

Electronic Resources
“Kasanayang Panggramatika at Pangretorika,” Maricel Dulay, accessed July 05, 2020,
https://www.academia.edu/37039358/SANHI_AT_BUNGA

“Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari,” Juan Miguel Palero, accessed July 04, 2020
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-mga-hudyat-ng-sanhi-at-bunga-ng-mga-pangyayari
Answer key to Activities (Separate Sheet)

Subukin Natin!

1. palibhasa
2. tuloy
3. kasi
4. kaya
5. kaya naman

Aralin Natin!
Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.

1. Si Prinsipe Bantugan ay ang nakababatang kapatid ni Haring Madali.


Si Prinsipe Bantugan ang tanyag na prinsipe mula sa Kaharian ng Bumbaran.
2. Nagtataglay ng lakas, liksi at tapang si Prinsipe Bantugan na higit sa lahat.
3. Nilisan ni Prinsipe Bantugan ang kanilang kaharian sa kadahilanang ipinagbawal
ng kaniyang kapatid ang pakikipag-ugnayan sa kaniya ng sinoman. Ang sinomang
makikipag-usap ay papatawan ng parusang kamatayan.
4. Naiinggit si Prinsipe Madali kay Prinsipe Bantugan sapagkat mas pinupuri at
hinahangaan ng nakararami ang nakababatang kapatid.
5. Sa paniniwala ko, walang maidudulot na maganda ang pagka-inggit sa kapuwa.
Ito ay magdudulot lamang ng higit na di pagkakaunawaan at pagkalayo ng loob sa
isa’t isa.

Gawin Natin!

1. Hindi natulog nang maaga si Ben (sapagkat, kaya) nahuli siya sa klase
kinabukasan.
2. Si Ana ay naging matagumpay sa buhay (dahil sa, dahil dito) kaniyang
pagsusumikap.
3. Nag-aral nang mabuti si Cassie (palibhasa, kung kaya) nakapasa siya sa
pagsusulit.
4. Unti-unting nauubos ang kagubatan (kasi, tuloy) nagkakaroon ng pagguho ng
lupa.
5. Nagkalat ang mga basura sa lansangan (dahil dito, sapagkat) bumabaha sa
kabayanan.

Sanayin Natin!

1. dahil sa
2. dahil dito/kaya naman/tuloy
3. palibhasa
4. sapagkat
5. kaya naman/tuloy

Suriin Natin!
Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.

1. Dahil sa malakas na ulan kaya bumaha sa kabayanan.


2. Nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil sa kaniyang pagsusumikap.
3. Naging masakitin si Pedro palibhasa nagpakalunod sa bisyo.
4. Kumain ng maraming kendi si Lito kaya’t sumakit ang ngipin niya.
5. Nakamit ni Ana ang gantimpala sapagkat magaling siyang kumanta.

Payabungin Natin!
Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
Sitwasyon Sanhi Bunga
Dahil hindi siya nag-aral Kaya naman napagsabihan
1. mababang marka
nang mabuti siya ng kaniyang magulang
Palibhasa nagtatapon ng Kaya nagkakaroon ng baha sa
2. baradong kanal
basura kung saan bayan
3. sumusunod sa Sapagkat mapagmahal Bunga nito¸ maganda ang
payo ng magulang siyang bata samahan ng kanilang pamilya
4. pagkakalbo ng Dahil sa kapabayaan ng Tuloy nagkaka-landslide sa
kagubatan tao iilang lugar
5. pagkalulong sa Dahil sa kakulangan ng Kaya naman siya ay
mobile games wastong gabay nagkasakit sa mata

You might also like