Grade-8-Piquero-Q1-2 - Final With Illustrations

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Sa Dako ng Aking Imahinasyon


Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat/maikling kuwento,
epiko ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F8PB-Ia-c-22)

Alamin Natin!
Makatutulong ang pag-aaral ng sawikain at eupemistikong pagpapahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng mahuhusay na ekspresyon sa pagpapaliwanag ng
sariling kuro-kuro at kaisipan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Sa
bahaging ito ng aralin, bibigyang –kahulugan natin ang mga talinghaga, eupemistiko
o masining na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat/maikling kuwento,
epiko ayon sa kasingkahulugan at kasalungat nito.

Subukin Natin!
Magandang araw. Kumusta ka na? Handang – handa ka na ba sa iba
pang gawain? Subukin ito.
Gumuhit ng tuwid na linya upang itambal ang mga sumusunod na idyoma sa
kahulugan nito.

1. Basang sisiw a. payat na payat


2. Huling hantungan b. malaking katuwaan
3. Buto’t balat c. api
4. Bala’t sibuyas d. maghirap
5. Ikapitong langit e. pasensyoso
6. Magdildil ng asin f. bigo
7. Mahaba ang pisi g. hindi totoo
8. Laylay ang balikat h. libingan
9. Pabalat – bunga i. maramdamin
10.Magbilang ng poste j. walang trabaho

Madali mo bang naiuugnay ang mga salita sa kabilang hanay?


Mahusay kung ganoon!
Tunghayan mo ang sagot sa huling bahagi ng modyul na ito.

Aralin Natin!
Kabilang sa pinakaunang anyo ng tula ang mga karunungang – bayan kung kaya
kabilang sa pangunahing elemento nito ang paggamit ng talinghaga. Dahil dito,
nagiging iba o malalim ang kahulugan ng mga ipinahahayag – higit pa sa literal na
kahulugan nito. Ang pagiging matalinghaga ng isang salita ay isang paraan din ng
karunungang-bayan upang mapalawak ang bokabularyo ng isang mag-aaral na tulad mo.
Para malaman ang tunay na kahulugan nito kailangang suriin nang mabuti ang isang
talinghaga. Madalas ay hindi kaagad naiintindihan ang mga ito dahil hindi lantad ang ibig
sabihin nito. Makatutulong na alamin muna ang konteksto ng isang pahayag o pangungusap na
nagtataglay ng talinghaga upang mabigyan ito ng kongkretong kahulugan.
Ang isang talinghaga ay maaring makilala sa pamamagitan ng:
Malalim na paglatag ng kaisipan nito.
Talinghaga
Kalahok sa mga akdang pampanitikan,
anyong patula man o tuluyan.

Nagbibigay din ito ng kakintalan sa mga


mambabasa

Madalas na naririnig ang mga salawikain sa pagbibigay-aral. Ang mga pahayag na ito ay
gumagamit ng talinghaga kaya nararapat suriing mabuti ang nilalaman nito at unawain.
Halimbawa:
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Sa pahayag na ito, ang talinghaga ng mga salita ay ang tungkol sa mabilis na pagkalat ng
balita na madalas maiiba ang bersiyon habang kumakalat ito sa mga tao. Hindi literal na may
tainga ang lupa at may pakpak ang balita. Nangangahulugan lamang na ang isang balita ay
maaaring madaling kumalat o mabunyag dahil sa likas na hilig ng mga taong makasagap at
mamahagi ng balita o kahit usap-usapan. Hindi puwedeng literal ang kahulugan kaya’t ang
lalim ng paglatag ng kaisipan ay angkin ng halimbawa. Maaaring ang pahayag ay maging bahagi
ng isang akdang pampanitikan na maikling kuwento at mag-iwan sa mambabasa ng isang aral
na kailangang mag-ingat sa lahat ng sasabihin dahil ang balita ay mabilis kumalat.
Sa kabilang banda, ang eupemismo ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit
ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang-
buhay" sa halip na sabihing natigok, natepok, o natodas.
Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng katawagan
upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.

Sagutin ang gabay na tanong.


1. Ano ang matalinghagang pahayag?
2. Ano-ano ang katangian ng talinghaga?
3. Paano naging masining ang paraan ng pagkakabuo ng mga karunungang-bayan?
4. Bakit mahirap maunawaan ang isang talinghaga?
5. Paano nakatutulong ang talinghaga sa pagpapaunlad ng ating bokabularyo?

Gawin Natin!
Ano ang ibig sabihin ng mga matatalinghagang salita na nakahilig? Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Kahit na katatangap pa lamang ni Haliya sa kaniyang sweldo ay nabutas na ang bulsa


nito dahil sa mga bayarin sa koryente at tubig.
a. walang pera
b. natupi ang bulsa
c. natanggal sa trabaho
d. walang laman ang bulsa
2.  Umiiral na naman ang taingang kawali ni Kenna nang tawagin siya ng kaniyang lola
para maghugas ng pinggan.
a. walang nakita
b. walang narinig
c. nagbingi-bingihan
d. walang pakiramdam
3.  Mahangin ang kaniyang ulo kaya walang makipagkuwentuhan sa kaniya.
a. mayabang
b. matapobre
c. mapagmalaki
d. mapagmataas
4. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap at kulang-palad.
a. nalito
b. nag-atubili
c. naguluhan
d. nag-alinlangan
5. Kumukulo ang tiyan ni Jayson nang pumasok sa paaralan kaya hindi siya makaunawa
sa klase.
a. nagugutom
b. busog na busog
c. naiinitan ang tiyan
d. sumasakit ang tiyan

Sanayin Natin!
Sagutin ang mga sumusunod na eupemistikong pahayag. Hanapin sa
crossword puzzle ang ibang kahulugan nito at bilugan ang iyong sagot.
Limang minuto para sa pagsasanay na ito.

Katanungan:
1. Metikuloso, o maselan
2. Tawag sa taong mahilig sa anomang uri ng sugal(gambling), o pagsusugal.
3.  Katulong o kasambahay. 
4. Hambong, mapagmataas, palalo, arogante, mahangin.
5. Bahag ang buntot
6. Mababa ang luha
7. Di – maliparang uwak
8. Hikahos sa buhay
9. Balingkinitan
10. Mabilis ang kamay

A M A A R T E O S L M I
M A O K L S G F U B A O
A Y H K N I G H G A H A
Y A I I L M N C A C I U
H B C A R A S T R O R O
I A V B N Y I L O O A P
O N Q W E R T Y L I P O
L G F D U W A G H A A S
I Y A K I N G I T K I L
W N A P A K A L A W A K
V C V O P A Y A T O T K
M A G N A N A K A W K L

Tapos na ba?
Tunghayan ang tamang sagot sa huling bahagi ng modyul na ito.
Tandaan Natin!
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap ayon sa pangkalahatang ideya ng
aralin. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat ito sa laang patlang.
Ang (1) _____________________ pagpapahayag ay ginagamit upang hindi (2)
_____________________ ng damdamin ng (3) ___________________ kausap o nakikinig. Ito ay
ipinapalit sa mga (4) _____________________ na salita. Nagbibigay (5) _________ din ito sa mga
salitang ginagamit o naririnig natin araw-araw.

bulgar linaw
tao makasakit
eupemistiko

Suriin Natin!
Basahin ang Alamat ng Durian. Sagutin ang sumusunod na katanungan dito.

Alamat ng Durian

Sa isang malayong lugar sa Davao ay may isang batang may kaya at ubod ng ganda.
Mahal na mahal siya ng kaniyang ina dahil siya na lamang ang naiiwang alaala ng kaniyang
yumaong asawa. Halos lahat ng kaniyang gusto ay ibinibigay ng kaniyang ina. Wala na sanang
mahihiling pa si Aling Rosa para sa kaniyang anak ,pero may ugali ang anak na kinaiinisan ni
Aling Rosa at ito ay pagiging tamad pagdating sa paglilinis at pangangalaga sa sarili.
Daria ang pangalan ng kaniyang anak.
Si Daria ay isang batang babae na palaging madumi . Tamad siyang maligo at kumain ng
masusustansiyang pagkain. Palagi siyang walang kalaro kasi palagi siyang tinutukso ng mga
bata sa labas dahil sa kaniyang maalinsangang amoy at itsura isa iyong dahilan kaya palagi
siyang nagkakasakit.
Isang araw may sinat si Daria kaya lumapit ang katulong nila kay Aling Rosa. Nang
nalaman ni Aling Rosa humiling siya kay "Allah ang kanilang sinasambang Diyos". Sinabi ni
Aling Rosa na "sana po huwag niyong pababayaan ang aking anak". Pagkatapos manalangin
gumaan ang kaniyang pakiramdam at masaya siyang umuwi ng bahay at habang nasa daan ay
iniisip ang kalagyan ng anak. Hindi niya namalayan ang isang trak na rumaragasa sa daan,
nabangga siya nito at tinakbuhan. Walang tumulong kay Aling Rosa kaya siya namatay. Nang
nalaman ito ng dalagita, siya ay biglang hinimatay at namatay din. Sa libingan ng dalagita ay
may tumubong isang puno na may bunga na mabaho at may tinik. Ito ay tinatawag ng lahat na
“DURIAN”.
Ang durian ay mabaho pero kapag natikman ay masarap dahil puno ito ng pagmamahal
ng kaniyang ina na si Aling Rosa. Natagpuan ng mga pulis ang puno ng mabahong bunga
pagkatapos ay umalis na sila. Makaraan ang ang ilang panahon dumalaw ang dating yaya na si
Aling Mira. Nakilala agad niya ang mabahong amoy ng prutas at tinawag niya itong Daria dahil
ganito rin ang amoy ni Daria. Pinag-aralan ng mga tao ang mabahong prutas at natikman na
ubod ng sarap. Kumalat ang Durian sa Pilipinas at ito ay dumami pa nang dumami. Hanggang
ngayon marami pa ring kumakain ng Durian at ito na ang isa sa pagkakakilanlan sa lungsod ng
Davao.

(Pinagkukunan:https://www.facebook.com/246072075860530/posts/alamat-ng-duriansa-isang-malayong-lugar-sa-
davao-ay-may-isang-batang-may-kaya-at/279572922510445/)

A. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot


1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa akda?
__________________________________________
__________________________________________
2. Bakit naging mahiyain si Daria? Ano ang naging dahilan bakit walang makikipaglaro
sa kaniya?
__________________________________________
__________________________________________
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
__________________________________________
__________________________________________
4. Paano ipinakita ni Aling Rosa ang kaniyang dakilang pagmamahal sa anak? Ano ang
isang bagay na hiniling niya sa Panginoon bago siya binawian ng buhay?
__________________________________________
__________________________________________
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa?
__________________________________________
__________________________________________

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa


pangungusap.
_______________ 1. Si Daria ay nasanay sa buhay na may kaya.
_______________ 2. Bagamat siya ay ubod ng ganda, hindi siya marunong maglinis ng
kaniyang pangangatawan.
_______________ 3. Labis ang pag-alala ng anak sa kaniyang ina dahil mahina na ang
tuhod nito.
_______________ 4. Simbilis ng kidlat ang mga pangayayari sa sakuna mabuti na lang at
tumugon agad ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.
_______________ 5. Nag-agaw buhay na ang matanda nang ito'y isinugod sa hospital at sa
kasamaang-palad ay hindi na siya nailigtas ng mga doktor.

Payabungin Natin!
Basahin ang sitwasyon. Sumulat ng isang diyalogo. Gamitan ito ng eupemistikong at
matatalinghagang salita upang maging mas mabuti ang pakikipagtalastasan.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para sa pagsulat ng diyalogo.

Nabalitaan mo sa post sa isang social media account ng iyong pinsan na pumanaw


na ang kapatid ng iyong ina. Alam mong mabibigla siya sa balitang iyon. Paano mo
sasabihin sa iyong ina nang hindi siya gaanong mabibigla?
Rubric sa Pagsulat ng Diyalogo

Pamantayan sa Pagsulat ng Diyalogo 1 2 3 4


1. Kaangkupan ng mga salita, talinghaga at pahayag na
paksa ng diyalogo.
2. Kalinawan at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.
3. Kawastuhan ng mga bantas, gamit ng Malaki at maliit na
titik.
4. Kabuoang kahusayan at pang-akit sa mambabasa
Kabuoang Puntos

Pagnilayan Natin!
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag sa
iyong kapuwa. Nahuhubog nito ang intelektuwal na kakayahan ng isang tao. Hindi
lamang mahalagang maunawaan natin ito dapat din natin itong gamitin sa ating pagpapahayag
ng ating mga ideya.
  Ang kahulugan ng idyoma o tinatawag ding matatalinghagang pahayag ay
malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Ang wikang Filipino ay puno ng mga
matatalinghagang pahayag. Ito ay isang uri
ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika.  Sinasalamin nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

Talasanggunian:

Infantado, Remedios, et.al. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at PAntikan. Batayan at Sanayang


Aklat sa Filipino. Rex Book Store. 2015

Louisang, Benjamin. Nakuha mula sa


https://benjaminlouisang.wordpress.com/2015/06/28/alamat-ng-durian/

MGA Alamat. Nakuha mula sa : https://www.facebook.com/246072075860530/posts/alamat-


ng-duriansa-isang-malayong-lugar-sa-davao-ay-may-isang-batang-may-kaya-
at/279572922510445/

Ramos, Jezreel M .et.al. MATATALINGHAGANG PAHAYAG: EBALWASYONG PANGWIKA. Nakuha


mula sa
https://www.academia.edu/28960658/MATATALINGHAGANG_PAHAYAG_EBALWASYONG_PAN
GWIKA

Tan, Joscelle. Nakuha mula sa https://prezi.com/1m6dzwfpxr4d/alamat-ng-durian/

Writer: REYDEN LYN E. PIQUERO


Illustrator: Insert Name Here
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin!
1. C
2. H
3. A
4. I
5. B
6. D
7. E
8. F
9. G
10.J

Sagutin ang gabay na tanong.


1. Ano ang matalinghagang pahayag?
- Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
2. Ano-ano ang mga katangian ng talinghaga?
- Ang mga katangian ng talinghaga ay may malalim na paglatag ng kaisipan nito,
kalahok sa mga akdang pampanitikan, anyong patula man o tuluyan at nagbibigay
din ito ng kakintalan sa mga mambabasa
3. Paano naging masining ang paraan ng pagkakabuo ng mga karunungang-bayan?
- Nagiging masining ang pagkakabuo ng mga karunungang-bayan dahil sa mga
talinghaga.
4. Bakit mahirap maunawaan ang isang talinghaga?
- Mahirap maunawaan ang mga talinghaga sapagkat ito ay binubuo ng mga lipon ng
mga salitang may ibang kahulugan. Binubuo rin ito ng mga pahayag o tanong na may
nakatagong kahulugan
5. Paano nakatutulong ang talinghaga sa pagpapaunlad ng ating bokabularyo?
- Nakatutulong nang Malaki ang mga talinghaga sa pagpapaunlad nbg ating
bokabolaryo. Dito nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan. Nagkakaroon din
tayo ng mas malalalim na pang-unawa at pag-aaral sa mga salita na ang akala natin
ay simple lamang. Nahihimok din tayo na pagyabungin at mas palaganapin ang
wikang sariling atin.

Gawin Natin!
1. A
2. C
3. A
4. D
5. A

Sanayin Natin!
1. A M A A R T E O S L M I maarte
2. M A O K L S G F U B A O sugarol
3. A Y H K N I G H G A H A tsimay
4. Y A I I L M N C A C I U mayabang
5. H B C A R A S T R O R O duwag
6. I A V B N Y I L O O A P iyakin
7. O N Q W E R T Y L I P O napakalawak
8. L G F D U W A G H A A S mahirap
9. I Y A K I N G I T K I L payat
10. W N A P A K A L A W A K magnanakaw
V C V O P A Y A T O T K
M A G N A N A K A W K L
Tandaan Natin!
1. eupemistiko
2. makasakit
3. tao
4. bulgar
5. linaw

Suriin Natin!
A. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa akda?
    Ang mga pangunahing tauhan sa akda ay sina Daria, Aling Rosa at si Aling
Mira. 
2. Bakit nagiging mahiyain si Daria? Ano ang naging dahilan bakit walang makikipaglaro
sa kaniya?
Ayaw makipaglaro ni Daria dahil tinutukso siya ng kaniyang mga kapuwa bata.
Naging mahiyain siya dahil sa kaniyang amoy.
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
Malimit magkasakit s si Daria dahil hindi siya naliligo.
4. Paano ipinakita ni Aling Rosa ang kaniyang dakilang pagmamahal sa anak? Ano ang
isang bagay na hiniling niya sa Panginoon bago siya binawian ng buhay?
Nagdarasal si Aling Rosa palagi sa Panginoon at hiniling niya na huwag pabayaan
ang kaniyang anak.
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa?
Nasagasaan si Aling Rosa.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa


pangungusap.
mayaman 1. Si Daria ay nasanay sa buhay na may kaya.
napakaganda 2. Bagamat siya ay ubod ng ganda, hindi siya marunong maglinis ng
kaniyang pangangatawan.
matanda 3. Labis ang pag-alala ng anak sa kaniyang ina dahil mahina na ang
tuhod nito.
matulin 4. Simbilis ng kidlat ang mga pangayayari sa sakuna mabuti na lang
at tumugon agad ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.
naghihingalo 5. Nag-agaw buhay na ang matanda nang ito'y isinugod sa hospital at sa
kasamaang-palad ay hindi na siya nailigtas ng mga doktor.

You might also like