Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pagsusuri

I. Talambuhay ng Awtor

Ipinanganak si Marcel M. Navarra sa Tuyom, isang baryo sa Carcar, Timog Cebu


noong 2 Hunyo 1914. Dito siya lumaki at dito rin siya yumao noong 28 Marso 1984.
Halos buong buhay niya ang inilaan sa pagsusulat ng higit na 80 maikling kuwento at
pagsisilbi sa patnugutan ng iba’t ibang magasin: bilang patnugot pampanitikan ng
Bisaya (1938-1941), Lamdag (Ilaw, 1947); bilang katulong na patnugot ng Bulak, isang
magasing pampanitikan ng pahayagang Republic Daily (1948-1952); bilang patnugot
ng Bag-ong Suga (Bagong Ilaw, 1963-1967), at ng Bisaya (1967-1972).

Si Marcel Navarra ay produkto ng Amerikanong edukasyon bagama’t second


year high school lang ang kanyang tinapos.

Si Marcel Navarra ang Guy de Maupassant ng ating panitikan. Siya ang


nangunguna sa talaan ng mga matatagumpay at progresibong mga manunulat sa loob
ng mahabang panahon – mula sa panahon bago magdigmaan hanggang sa
kasalukuyan – inilahad niya ang kanyang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
kanyang mga panulat.

Binansagan din si Marcel Navarra na “Hemingway sa Binisaya” ng iba pang


manunulat sa Sebuwano. Kinilala siyang tagapagtaguyod ng modernismo at realismo
sa panitikang Sebuwano na nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling kuwento. Lubhang
naging kapuri-puri ang makatotohanang paglalarawan niya ng iba’t ibang aspekto ng
buhay sa baryo kung kaya’t “kon tuslukon, modugo gayud!” (kapag tinusok, tiyak na
magdudugo).

Ito ang ilan sa mga kuwentong kanyang isinulat: "Apasumpay" (Pahabol), "Ug
Gianod Ako…" (At Ako’y Inanod…), "Ang Pahigmata "(Ang Pagkamulat), "Si Manang
Merin ug ang Kasing" (Si Manang Merin at ang Turumpo), "Tingali ang Adlaw Mosilang
Ugma" (Sisikat ang Araw Bukas), "Sa Lunhawng Tugwayanan" (Sa Luntiang Bukid),
"Ang Hunsoy Sungsongan Usab" (Ang Hunsoy) at "Paingon sa Bag-ong Kalibutan"
(Patungo sa Bagong Daigdig).
Sa panahon ng digmaan, mula sa pagta-trabaho sa Maynila ay bumalik sa
Tuyom si Navarra at doo’y nag-asawa’t nagkaanak ng siyam. Pagkatapos niyang isulat
ang “Si Zosimo” noong 1955, huminto na sa pagsusulat si Navarra. Ngunit naging
aktibo siya sa iba pang gawaing pampanitikan. Tumulong siya sa pagtatayo ng LUDABI
(Lubas sa Dagang Bisaya, na ang ibig sabihin ay pinakapuso ng kahoy ng panulat sa
Bisaya) noong 1956. Siya ang nagbinyag sa organisasyon at nanungkulan bilang isa sa
mga pinuno nito. Nagretiro siya noong Disyembre 1973.

II. Pinagkunan ng kuwento

MARCEL M. NAVARRA: Mga Piling Kuwentong Sebuano (Teresita G. Maceda)

III. Kaligirang Kasaysayan

Binigyang-diin ni Navarra sa kuwentong ito ang pangingibabaw ng kasama sa


panginoong may lupa sa aspetong moral.

Maaaring tingnan ang “Si Zosimo” bilang pamamaraan ni Navaraa sa


pagtatanggol ng kanyang lumalakas na pagtanaw sa mga bagay-bagay mula sa
ispiritwal na perspektiba na makikita sa huli niyang mga akda. Sa pamamagitan ng mga
iniisip ng tauhang si Guy, ipinapakita ni Navarra na hindi siya bulag sa mga kritisismong
ang ganitong uri ng perspektiba ay nakapagpahupa lamang sa mga hinanakit at
kawalang pag-asa ng mga mahihirap sa kanilang kalagayan. Sinulat ni Marcel Navarra
ang kwentong ito noong 1955 at ito ang kahuli-huliang kwentong isinulat niya.

IV. Sangkap

a. Tauhan
 Zosimo (lapad)- dating katiwala sa mga puno ng niyogan ni Nyor Pascual;
matandang taga Tadman
Lapad si Zosimo dahil hindi nag bago ang kanyang katauhan mula simula siya
ay isang mabait na tao hanggang wakas ay mabait pa rin siya.

 Guy (bilog)- anak ni Nyor Pascual; sumundo kay Zosimo

Bilog si Guy dahil sa simula ng kwento ipinakilala na siya ay walang galang


ngunit pagkaraan ng mga nakita niya kay Zosimo mula sa pagdarasal sa loob ng
bahay nito hanggang sa wakas ng kwento ay naging magalang na siya.

 Aguid (lapad)- pumalit kay Zosimo sa pagbabantay ng niyog; nagsumbong


kay Nyor Pascual tungkol sa pag-akyat ni Zosimo sa niyog

Lapad si Aguid dahil sunod-sunuran lamang siya sa kanyang amo.

 Biyana (lapad)- kasama ni Aguid na pumalit kay Zosimo sa pagbabantay ng


niyog

Lapad si Biyana dahil mula simula hanggang wakas ay di nagbago ang kanyang
katauhan siya ay pumalit lamang kay Zosimo sa pagbabantay sa niyogan.

 Nyor Pascual (bilog)- mayamang may-ari ng niyogan; ama ni Guy

Bilog si Nyor Pascual dahil makikita natin sa kwento na si Nyor Pascual ang uri
ng tao na walang pakialam ngunit sa wakas ng kwento nang mag paliwanag na
si Zosimo ay nagbago ang kanyang katauhan hindi na siya nakaimik o
nakapagsalita laban kay Zosimo.

 Mga kapitbahay ni Zosimo (bilog)- narinigan ni Guy ng mga bali-balita


tungkol kay Simo

Bilog ang mga kapitbahay ni Zosimo dahil itinuturing na kaibigan ang mga
kapitbahay ngunit ang hindi alam ay pinagtitsismisan na pala pag ito’y
nakatalikod

 Asawa at dalawang anak ni Zosimo (lapad)- sunod-sunod na namatay sa


loob ng isang taon
Lapad ang asawa at dalawang anak ni Zosimo dahil sa kwento ipinakilala
lamang sila ngunit wala silang ginampanan.

 Matandang babae (bilog)- kapitbahay ni Zosimo na bumibili sa mga huling


kabibe, maliliit na pugita at iba pa

Bilog ang matandang babae dahil tiga-bili siya ng mga nahuhuli ni Zosimo ngunit
maaari rin siyang isa sa mga nakikipagtsismis tungkol kay Zosimo.

b. Tagpuan
 makitid na bakuran- pinaghintuan ni Guy ng dyip
 Tadman- kung saan ang bahay ni Zosimo
 kanang sulok ng silid- kinakitaan ni Guy kay Zosimo na nakaluhod
 dagat- kung saan natagpuan ni Zosimo ang mahiwagang aklat na nakalutang
 mabatong bakuran- namimingwit si Zosimo
 dalampasigan- kung saan namumulot ng kabibe, nanghuhuli ng maliliit na
pugita, namimingwit at nangingisda si Zosimo
 tarangkahan- kung saan napahinto si Guy pagkakita kay Zosimo;
nakasandal si Zosimo
 bahay nila Guy- nakaupo ang kanyang ama; kung saan nag usap si Zosimo
at Nyor Pascual
 barandelya- kung saan umupo si Guy para making sa pakikipag-usap ng
dalawa

c. Banghay

 Uri ng Banghay

Flashback o Pagbabalik Tanaw- pagbabalik gunita sa nakaraang pangyayari.


Ang daloy ng kwento ng pangyayari sa akda ay nagsisimula sa gitna at napagdugtong
ito sa pagbanggit ng nakaraan.
Patunay:

“Pagkatapos, naalala ni Guy ang kanyang narinig mula sa mga kapitbahay ni


Zosimo: ito raw kasal Zosimo, nakakita siya ng isang makapal na aklat na nakalutang
sa dagat ngunit sumusuway sa agos nito. Ang aklat daw ay isinulat sa latin, kahit na di
marunong magbasa dahil di nakapag-aral, marunong daw kaagad siyang bumuklat ng
mahiwagang aklat. Marunong daw kaagad! Animo’y kiniliti si Guy sap ag-iisip nito.

(Talata 7)

“Pagkalipas ng ilang taon mula nang matagpuan niya angmahiwagang aklat,


itong si Zosimo ay nangingisda sa dagat habang nakasakay sa talupak ng niyog;
binubuhat ang isang torong kalabaw na kanyang hinawakan lamang sa sungay ay
inaakyat sa puno ng niyog; at kung may ganang magpatawa, ay namimingwit ng isda sa
kanyang mabatong bakuran. Mga balitang kalokohan at katatawanan. Sapagkat kung
totoo lahat itong binanggit tungkolnkay Zosimo, hindi kaya siya isang hangal sa di
paggamit ng galling sa pagpapabuti ng kanyang kalagayan?”

(Talata 8)

“Mula nang magkaisip, kilala na ni Guy si Zosimo. Ang matand ay isa sa mga
katiwal ng kanyang mga magukang sa Tadma. Si Zosimo ang palaging inuutusang
maghatid ng kung anu-ano sa bahay nila sa lungsod. Si Zosimo rin ang lagging
pinaaakyat sa mga puno ng niyog sa dakong ito. Noon pa man, napansin na ni Guy si
Zosimo ay isang taong tahimik, di basag-ulo, magalang, matulungin, marangal, at di
nangangapit-bahay. Ni minsan di narinig ni Guy si Zosimo ay nakipag-away, kahit
nakipagtalo lamang sa kanyang mga kapitbahay o kanino man. Pagkatapos ng sunod-
sunod na pagkamatay ng kanyang asawa at dalawang anak sa loob lamang ng isang
taon, si Zosimo ay lalong naging tahimik at bihira nang pumasyal sa malayo, kahit sa
bayn man lang. madalas na siya sa dalampasigan, namumulot ng kabibe, naghuhuli ng
maliit na pugita, namimingwit at nangingisda, at kung ano ang kanyang mahuli ay
ipinagbibili kaagad sa isang matandang babaeng kapitbahay upang ang kita ay maibibili
ng bigas.”
(Talata 9)

Paliwanag:

Flashback o Pagbabalik Tanaw ang banghay na ginamit dahil pinag-uugnay


nito ang daloy ng kwento. Nagsimula sa pagpapakilala ng tauhan hanggang sa nagbalik
tanaw ang isa sa pangunahing tauhan kung bakit ganoon ang buhay o katauhan ng isa
pang tauhan at bumalik ito sa daloy ng kwento kung saan matapos siyang magbalik
tanaw.

 Bahagi ng Banghay

Simula

Nagsimula ang kwento nang papunta sa bahay ni Zosimo para sunduin ito dahil
sa utos ng kanyang ama. Mabilis na tinungo ni Guy ang bahay ni Zosimo sakay ng
kanyang dyip, lumusot ito sa niyogan at talahiban na naging dahilan ng pagkabulabog
ng mga hayop na kumakain ng mga lantang damo. Tumigil ang dyip sa isang makitid na
bakuran ng isang lumang bahay. Bumaba si Guy sa sinakyang dyip, bakas sa kanya
ang pagiging mayaman sa suot nito.

Saglit na Kasiglahan

Nag patao-po ang binata ngunit walang sumasagot maliban sa putputak ng


manok. Nang maramdamang tila walang tao ay naisipan niyang tingnan ang loob
dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan ng bahay at sinilip niya ito at nakita niya si
Zosimo sa kanang sulok ng silid na nagdarasal. Nagbago ang tingin ni Guy kay Zosimo
sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng paggalang. Bumaba siya at naupo sa
isang puno ng niyog at nag-isip. Nagbalik tanaw siya tungkol kay Zosimo at sa mga sabi
sabi ng mga kapitbahay nito. Naputol ang kanyang pag-iisip ng binuksan ni Zosimo ang
pintuan ng bahay. Sinabi ni Guy ang pakay niya sa matanda na kailangang pumunta ito
sa bahay nila dahil pinapatawag ng kanyang ama. Inanyayahan niyang sumakay na sa
dyip ngunit tumanggi ang matanda. Nakaramdam ng pagkainis si Guy umalis na ito at
pinaharurot ng mabilis ang dyip.

Tunggalian

 Tao laban sa tao

Nyor Pascual at Zosimo

- dahil pinagbintangan ni Nyor Pascual si Zosimo na madalas kumuha ng bunga


ng niyog ngunit ito’y itinanggi ni Zosimo.
 Tao laban sa sarili

Guy laban sa sarili

- dahil sinabi sa kwento na si Guy ay walang paggalang sa maliliit na tao na kaya


niyang tapak-tapakan ngunit pagkakita niya kay Zosimo na nagdarasal ay
nakaramdam siya ng kaunting paggalang. Sa bandang huli ng kwento
inanyayahan ni Guy si Zosimo na mananghalian sa kanilang bahay tila nag-iba
ang kanyang pag-iisip.

Kasukdulan

Sa bahay nila Guy nagtaka siya pagkakita kay Zosimo. Nagtaka siya dahil mas
nauna pa ang matanda sa kanya ngunit ito’y naglakad lamang at siya ay may dyip.
Inusisa ito ni Guy ngunit di nagsalita ang matanda tungkol sa mga nangyari, pumasok
na lamang ito sa bahay nila Guy upang makausap na ang ama ni Guy. Nang mag-usap
na si Nyor Pascual at Zosimo tungkol sa niyogan na dating binabantayan ni Zosimo.
Iginiit ni Nyor Pascual na bihira ng mapitasan ng bunga ang niyogan na nakapaloob sa
tinukura ng bahay ni Zosimo. Agad naunawaan ng matanda ang nais ipahiwatig ni Nyor
Pascual na siya ang pinagbibintangan sa pagkawala ng halos kalahati ng bunga ng
mga niyog.

Kakalasan
Ipinaliwanag ni Zosimo ang nangyari kung bakit nagkaganon, sinabi nyang dahil
sa bagyo ay mahigit sampong puno ng niyog ang nalaglagan ng bunga. Ngunit di
nakuntento si Nyor Pascual at inusisa ng tanong ang matanda. Dagdag pa niya na nag
sumbong si Aguid sa kanya, na madalas na akyatin ni Zosimo ang niyogan. Itinanggi ng
matanda ang madalas na sinasabi nito ngunit inamin niyang may tatlong okasyon
lamang nan aka-akyat si Zosimo sa niyogan. Ipinaliwanag niya it okay Nyor Pascual at
nagpaalam.

Wakas

Nang paalis na si Zosimo, agad naman itong sinundan ni Guy upang


anyayahang mananghali sa kanilang bahay ngunit tumanggi ang matanda sa alok ng
binata at agad na umalis. Sinundan ni Guy ng tingin ang matanda upang matiyak kung
ito’y naglalakad parin ngunit pagtanaw niya ay wala na si Zosimo.

d. Mga Teoryang Ginamit

Teoryang Realismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

Patunay:

 Kawalan ng paggalang

“Huwag na lang, Simo,” nadalian ang binatang magpa-bagsak sa palayaw ng


taong maari na niyang maging lolo.”

(Talata 14)

Paliwanag:
Karamihan sa kabataan ngayon ay wala ng galang sa mga mas nakakatanda sa
kanila lalo na pag sila ay nakakaangat sa buhay. Tinatawag na nila ito sa pangalang
gusto nilang itawag kung minsa’y gagawan ng mga kalukohang bagong itatawag.

 Tsismis

Patunay:

“Pagkatapos, naalala ni Guy ang kanyang narinig mula sa mga kapitbahay ni


Zosimo: ito raw kasal Zosimo, nakakita siya ng isang makapal na aklat na nakalutang
sa dagat ngunit sumusuway sa agos nito. Ang aklat daw ay isinulat sa latin, kahit na di
marunong magbasa dahil di nakapag-aral, marunong daw kaagad siyang bumuklat ng
mahiwagang aklat. Marunong daw kaagad! Animo’y kiniliti si Guy sa pag-iisip nito.

(Talata 7)

Paliwanag:

Sa kasalukuyang panahon ang mga tao ngayon ay mahilig ng makipagtsismis sa


mga kapitbahay kahit totoo o hindi minsan mas nadadaragdagan pa ang kanilang mga
sinasabi na mas nagpapalala sa sitwasyon.

 Katiwala ng mga mayayaman

Patunay:

“Natigilan si Zosimo at sumandal sa hawakan ng hagdanan. Noong araw, kung


may utos na dumating sa kanya galling kay Nyor Pascual, hindi nagtataka si Zosimo
dahil siya ang pinagkatiwalaang magbantay at umakyat sa mga puno mg niyog na
pagaari ng mayaman. Ngunit ngayon na hindi na siya ang katiwala sina aguid at biyana
na ang pinabantay pagkatapos bawiin sa kanya ang nasabing tungkulin na wala man
lang dahilan nagtaka si Zosimo. Ano kaya ang sadya ni Nyor Pascual?

(Talata 18)

Paliwanag:
Ang mga mayayaman ay kumukuha ng mga katiwala sa pamamalakad ng
kanilang mga ari-arian gaya na lamang ng niyogan na ipababantay sa katiwala at
pagkatapos itong makopras ay kukuhanin na lamang ang pera’t sila pa ang mas malaki
ang hati kaysa sa mga taong naghihirap.

Teoryang Klasisismo- ang layunin ng panitikang ito ay maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,matipid at laging piling- pili sa paggamit ng
mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Mas sinusunod ang isip kaysa sa
puso.

Patunay:

“Nakiramdam si Guy kung may sagot mula sa may-ari ng bahay. Wala, maliban
sa maingay na putpotak ng mga manok sa silong. Sa higit na malakas na tinig, bumati
siyang muli. Putpotak! Putpotak! Putpotak! Ang mga manok lanag ang sumagot.
Nasaan ba itong demonyongsi Zosimo? Isang malaking butas sa sawaling pintuan ng
kubo ang animo’y nag-anyaya kay Guy na umakyat upang sumilip sa loob.”

(Talata 3)

Paliwanag:

Teoryang Klasisismo dahil mas sinunod ni Guy ang kanyang naisip na sumilip sa
loob kung may tao ba sa loob o wala na hindi dapat ginagawa pag walang pahintulot ng
may-ari kung maaaring gawin o hindi, mas sinunod ni Guy ang kanyang isip kaysa
damdamin.

Teoryang Kulturalismo- ang layunin ng panitikan ay ipamahagi ang kultura sa hindi pa


nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong
minana at ipapasa sa susunod na salinlahi. Ipinapakita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.

Patunay:

“Sa harapan, sa kanang sulok ng silid, nakita ni Guy si Zosimo na nakaluhod.


Isang maliit na kandilang may sindi pa ang nakapatong sa maliit at parihabang tabla na
nakapako sa sulok ng dingding. Ang mga labi ni Zosimo’y gumagalaw-galaw habang
siya’y nakatitig sa isang inagiw na krus na hawak niya sa dalawang kamay.”

(Talata 5)

Paliwanag:

Nasa kultura na nating mga Pilipino na tayo’y madasalin sa anumang uri ng


buhay o anumang kalagayan meron tayo ay sa diyos tayo nagpapasalamat o humihingi
ng gabay. Nasa kultura na rin ng mga Kristiyanong Pilipino na kapag nagdarasal ay
lumuluhod hawak ang krus at may nakasinding kandila sa harapan.

Patunay:

“Hindi na ako nagpagod pang magpaalam sa inyo na siyang tunay na may-ari


pagkat naniniwala akong kahit limang daang bunga pa ang hindi magalaw sa
pagpangopras n’yo, di mababawasan ang inyong kayamanan.”

(Talata 50)

Paliwanag:

Ang pangongopras ay isa sa mga pangunahing hanap buhay ng mga Pilipino


kahit pa man noong unang panahon. Mula pa nong mga sinaunang panahon ay
pangongopras na ang karamihan sa ikinabubuhay ng mga Pilipino na hanggang ngayon
ay nananatili parin ito dahil minana na natin ito sa ating mga ninuno.
Teoryang Bayograpikal- ang layunin ng panitikaan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinapahiwatig sa mga akdang bayograpikal ang
mga bahagi sa buhay ng may-akda na siay niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsisilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Paliwanag:

Mailalapat dito ang teoryang bayograpikal dahil ang mga akda ni Marcel Navarra
ay nakapokus sa realismo na kanyang nasaksihan mismo sa kanilang nayon.

e. Tema

Nais ng may-akda na mapukaw ang mga tao na hindi mapapalitan ng anumang


halaga ang dignidad ng isang tao.

f. Simbolismo
 dyip- sumisimbolo sa karangyaan o katayuan ng isang tao sa lipunan.
 isang bahay-kubong tagpi-tagpi at nakahilig na sa kalumaan-
sumisimbolo sa kahirapan
 Zosimo- sumisimbolo sa mga taong may dignidad
 Krus- sumisimbolo sa pananampalataya sa diyos
 Guy- sumisimbolo sa mga taong mahilig mag kritik ng kapwa

You might also like