Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Angel Locsin, tinulungan ang isang gurong makapag-kolehiyo ang mag-aaral nito

Nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral ang ating mga guro. Hindi biro ang
kanilang mga sinasakripisyo upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.
Alam na alam nito ni Angel Locsin kung kaya at hinandogan niya ng sorpresa ang isang guro sa
programa niyang “Iba ‘Yan.”
Kinalala siya bilang si Teacher Roberto “Bob” Latag Mitra ng Don Arsenio Escudero Sr.
Memorial School sa probinsya ng Laguna. Nakatayo ang paaralang ito malapit sa tambakan ng
mga basura at kinakapos din sa malinis na tubig. Kahit na tatlong taon pa lamang sa naturang
paaralan ay marami nang naitulong si Teacher Bob. Kabilang dito ay ang pag-aksyon niya sa
problema sa basura bago pa ito makadulot ng mas malubhang sakit sa komunidad. Kita sa kanya
ang labis niyang pagmamahal sa trabaho, paaralan at sa mga mag-aaral.
Kaya naman, tuwang-tuwa si Teacher Bob nang bumisita at tumulong si Angel Locsin sa
Brigade Eskwela ng paaralan. Higit niya pang ikinagalak nang pinagkalooban ni Angel ng
scholarship ang dalawang nangangailangan niyang estudyante. Nabiyayaan ng apat na taong
scholarship sa anumang kurso sina Ahriel Shean Leysa at Diana Aranzado.
“Hindi ko ine-expect na mayroong scholarship para du’n sa mga bata. Kasi ako po ay isa ring
scholar noong ako ay nag-aaral noong college na nagkaroon ng magandang kinabukasan nang
dahil din sa tulong ng mga donor. Kaya ako po lubos din ang kagalakan ko bilang ikalawang
magulang, ikalawang tatay ng mga bata,” pahayag ng guro.
Bukod pa rito, nakatanggap rin ng solar lamp si Teacher Bob. Ipinamahagi niya ito sa kanilang
lugar na walang kuryente at gasera lamang ang ginagamit.
Hinangaan ni Angel ang dedikasyon ni Teacher Bob na nagiging ehemplo at inspirasyon ng mga
estudyante upang makapagtapos ng pag-aaral.
“Thank you for inspiring us, Sir. Kaya po ganito ka-pursigido mag-aral ‘yung mga bata, dahil po
‘yan sa inyo — sa kagandahang loob niyo po. Maraming salamat po. Isa po kayong bayani,”
pahayag ng artista.

You might also like