Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA
ARALING PANLIPUNAN VII:

“ Ang Sinaunang Hapon”

Page 1 of 11
I. Mga Layunin

A. Nailalarawan ang mga mahahalagang kaganapan sa sinaunang Hapon.

B. Nakapagsasagawa ng isang malaya at kakaibang talakayan ukol sa sinaunang bansang Hapon.

C. Napapahalagahan at naiuugnay ang sinaunang pag- uuri sa lipunan ng bansang Hapon sa


sinaunang lipunan ng bansang Pilipinas.

II. Paksang-Aralin: Ang Sinaunang Hapon

Mga Kagamitan: Laptop, projector, Small white boards, Maker atbp.

Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et. al., ASYA: PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA,


Pasig City, Eduresources Publishing Inc. 2014 pp.144

III. Pamamaraan: Group Dynamics

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.PANIMULANG GAWAIN

a. Paghahanda
b. Panalangin
c. Pagbati
d. Pagtala ng lumiban

B. BALIK-ARAL

Noong nakaraan nating talakayan, ating


nasilip ang sinaunang kaharian ng Korea. Ngayon
upang tiyakin kung inyong lubusang naunawaan ang
ating nakaraang talakayan, tayo ay magkakaroon ng
isang maikling gawain. Ang ating gawain ay hango
sa “Ano raw?” ng Goin’ Bulilit. Handa na ba kayo?

- Oh yes!

Gawain: Ano Raw?

Mga Proseso ng Gawain:

1. Magtatanong ang guro patungkol sa


sinaunang Korea.

2. Sasagot ang mga mag-aaral ng “ano raw?”

3. Sasagot ang guro ng “edi…” at kailangang


ituloy ng napiling mag-aaral.

Mga Tanong:

1. Anong “G” ang nangangahulugang “Lumang


Joseon”?

Page 2 of 11
- Ano raw?

Edi…

- Edi Gojoseon!
2. Anong “S” ang sinasabing pinakamahina sa
Tatlong Kaharian?
- Ano raw?

Edi…

- Edi Silla!

4. Anong “B” ang itinatag ni Dae Joyong

- Ano raw?

Edi…

- Edi Balhae

5. Anong “K” na kaharian ang pinanggalingan ng


bansang Korea sa kasalukuyan?

- Ano daw?

Edi…

- Edi Koryo!

C. PAGGANYAK

Mahusay! Mukhang naunawaan ninyo ng lubos


ang ating nakaraang talakayan patungkol sa mga
sinaunang kaharian ng Korea. Ngayon, susubukan
nating dumungaw sa panibagong paksa na malapit
rin sa ating nakaraang talakayan. Isasgawa natin ito
sa pamamagitan ng isang gawain.

Gawain: “Four pics- one word (Quiz Bee


Bonanza)”

Mga Proseso ng Gawain:

1. Papangkatin ang klase ayon sa kanilang

Page 3 of 11
pagkakapangkat- pangkat sa pangkatang
takdang aralin.

2. Bibigyan ng whiteboard at non-permant


marker ang bawat pangkat.

3. Magpapakita ng apat na larawan sa bawat


konseptong ipapahula

4. sa loob ng sampong Segundo, kailangang


maisulat ng bawat pangkat ang kanilang sagot
sa white board. At maiangat sa hudyat ng guro.

5. Ang pangkat na may pinakamataas na iskor


ang siyang magwawagi

Mga Larawan:

- Anime

- Samurai

- Sushi

Page 4 of 11
D. PAGLALAHAD

Mula sa mga larawang nahulaan ninyo, ano o


saan kaya maiuugnay ang ating susunod na paksang
tatalakayin?

Exactly! Ang bansang Japan ay kapitbahay


lang ng mga bansang Korea at Tsina na nauna na
nating tinalakay. Kaya naman kapuna-puna ang
malaking pagkakatulad di lamang ng pisikal na
kaanyuan ng mga tao, kundi ang mga kultura at - Born for You
paniniwala. Ngayon, samahan niyo akong silipin
ang masalimuot ngunit hitik sa aral na kasaysayan
ng Hapon. Handa na ba kayo?

Magaling! Tayo ay dadako na sa ating


paksang tatalakayin ngayon.

Bilang bahagi ng inyong takdang-aralin sinabi


ko na, na pag-aralan at paghandaan na ang
Sinaunang Hapon, ipinangkat ko na rin kayo - Horror
kahapon at ibinigay ko na ang paksa para sa inyong
pangkatang pag-uulat na kailangan niyong
paghandaan upang iprisenta sa araw na ito. Kaugnay
rin nito ang ating gawaing cosplay. Muli handa na
ba kayo?

E. PAGTALAKAY
- Ang mga larawan po na naitampok ay
Gawain: “Pangkatang Pag-uulat” Japan, Samurai, Emperador, Sushi at
Sadaku. At ang mga larawan po na ito
Mga Proseso ng Gawain: ay patungkol sa bansang Hapon.
 Ipinangkat ang mga mag-aaral ayon sa
kanilang pangkat sa pangkatang takdang
aralin.
 Binigyan ang bawat pangkat ng kani-
kaniyang paksa para sa kanilang pangkatang
pag-uulat.
 Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat
grupo upang pag-usapan muli ang mga
napag-usapan na. - Oh Yes!
 Bibigyan ng limang minuto ang bawat
pangkat upang ipakita at ipaliwanag ang
kanilang pinaghandaang pangkatang ulat.
 Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang

Page 5 of 11
naihanda na pangkatang pag-uulat na may
pakulo.

Paalala: Gagamit ng rubric o gabay sa


pagbibigay ng grado para sa pangkatang pag-
uulat ang guro upang husgahan ang inihanda ng
bawat grupo.

- Oh Yes!
Para sa unang pangkat, tatalakayin nila ang
unang bahagi ng sipi na patungkol sa mga trivia sa
bansang Hapon .

Para sa ikalawang pangkat, tatalakayin nila


ang Panahon ng Heian.

Para sa ikatlong grupo, tatalakayin nila ang


sistema ng Piyudalismo.

Inaasahang makikita sa kanilang ulat:

- Lokasyon ng bansang Hapon


- Pinanggalingan ng pangalan ng
bansang Hapon
- Kakaibang kultura ng bansang Hapon
- Relihiyon at paniniwala ng bansang
Hapon
- Lider ng bansang Hapon

Page 6 of 11
***magpapakita pa ng mga karagdagang larawan
ang guro upang mas mapalalim pa ang kaalaman
tungkol sa paksa.

F. PAGLALAPAT Inaasahang makikita sa kanilang ulat:

Ngayon, upang mas lalo nating maintindihan - Ang paglilipat ng kabisera sa Heian
ang pamumuhay at hitsura ng mga tao sa - Pagsisimula ng Aristrokatang lipunan
bansangHapon noong unang panahon, inyong sa bansang Hapon
bibihisan ang inyong mga napiling modelo sa - Lady Murasaki Shikkibu (The Tale of
ibinigay na tauhan. Genji)
- Sei Shonagon ( The Pillow Book)
- Pamumuno ng Pamilyang Fujiwara

Inaasahang makikita sa kanilang ulat:

- Nagpasimula ang sistemang ito sa


panahon ng panunungkulan ni Yori
Tomo
- Ito ay nahahati sa tatlong Panahon
(Kamakura, Ashikaga, Tokugawa)
- Pag-uuri sa lipunan ng Hapon
- Bushido ( way of the warrior)

G. PAGLALAHAT Gawain: Cosplay ( featuring pag-uuri sa


lipunan ng SinaunagHapon)
Tunay na kahanga-hanga ang mga kaganapan sa
Kasaysayan ng Hapon, bago pa man ito humantong Mga Proseso ng Gawain:
sa isang maunlad at makapangyarihang bansa sa
kasalukuyan. Sino nga ba ang magaakala na ang  Magsasama-sama ulit ang mga
bansang matatag na tulad ng Japan ay nagmula sa magkakapangkat sa una at ikalawang
isang watak watak at magkakaaway na pangkat. gawain.
 Paghahambingin ang mga uri ng tao sa
lipunan ng Hapon noong unang panahon:
o Unang Pangkat – Emperador
o Ikalawang Pangkat – Merchant

Page 7 of 11
o Ikatlong Pangkat – Samurai

Ika-anim na pangka- May isang minuto ang


bawat grupo upang bihisan ang kanilang mga
modelo.

 Pagkatapos isang minuto bibigyan ng


dalawang minuto ang bawat pangkat upang
ipaliwanag ng mapipiling tagapagsalita ang
kanilang ginawa.

Paalala: Gagamit ng rubric o gabay sa


pagbibigay ng grado para sa pagtatanghal ang
guro upang husgahan ang gawa ng bawat
grupo.

Page 8 of 11
Sinaunang Korea

Panahong Nara

Panahong Haeian

Sistemang Piyudalismo

Kamakura Shogunate
Emperador
Shogun
Daimyo
Samurai
Ashikaga Shogunate
Pheasant
Merchants

Tokugawa Shogunate

H. Pagpapahalaga

Gaya ng ating tinalakay, ang pag-uuri sa lipunan ay


normal sa panahon ng sinaunang Hapon, ang aking tanong,
may mabuti bang dulot ang ganitong sistema o wala? Ano
sa inyong palagay?

Opo, ito po ay may mabuting dulot sa atin

Page 9 of 11
sapagkat ito po ang nagdididkta ng mga
tungkulin ng bawat pangkat sa lipunan. Ito rin
po ay naktutulong upang magkaroon ng
balanse sa buhay.

Tama, Sino pa ang may ibang ideya?

Sa kabilang banda po, ang ganitog sistema


ay nagbubunsod ng sigalot sa pagitan ng mg
pangkat ng tao, ito rin po ay isan pagpapakita
ng di pagkakapantay- pantay ng tao sa lipunan.

IV. Pagtataya

A. Mga Panuto: pagtapatin ang mga pahayag o salita sa Hanay A sa mga Salita o grupo ng salita sa
Hanay B. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot bago ang bawat bilang.

Hanay A Hanay B

________1. Kabalyero ng Hapon a. Bakufu

________2. Ang unang pangkat ng tao na nanirahan sa Hapon b. Bushido

________3. Pinakahuling kabisera ng Hapon, mas kilala sa tawag na Tokyo c. Ainu

________4. Kodigo ng asal ng mga samurai d. Yoritomo

________5 Ibang tawag sa Ashikaga shogunate e. 17th articles

________6. Ginintuang Panahon ng Hapon f. Heian

________7. Pamahalaang military ni Yoritomo g. Nara

________8. Nagtatag ng pamahalaang military sa Hapon h. Edo

________9. Kauna-unahang kodigo ng batas sa hapon i. Samurai

Page 10 of 11
________10. Unang Kabisera ng Hapon j. panahon ng Muromachi

Mga Sagot:

1. i 2. c 3. h 4. b 5. j 6. f 7. a 8. d 9.e 10. g

V. Takdang Aralin

A. Mga Panuto:Ikumpara at ihalintulad ang sinaunang lipunan ng bansang hapon sa sinaunang lipunan ng
bansang Pilipinas sa pamamagitan ng isang Venn Diagram.

B. Mga Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa kalahating papel.

1. Ano ang panahong Vedic?

2. Ano ang Sistemang Caste?

3. Ano- ano ang tatlong Vedas?

Sanggunian:

Blando, Rosemarie C. et. al., ASYA:PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA, Pasig City, Eduresources
Publishing Inc. 2014 pp.148- 149

Samson, Ma. Carmelita B. et al., KAYAMANAN II (KASAYSAYAN NG ASYA), Quezon city, REX
Bookstore.2010, pp 184-189

Page 11 of 11

You might also like