Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsusuri ng pangangailangan ng mga mamimili

Ang mga produkto o serbisyong iaalok ng bawat indibidwal sa pamilihan ay inaasahang


tatangkilikin ng mga mamimili, dahil dito mahalaga na suriing mabuti ng bawat negosyante na
nagnanais na magsimula ng negosyo ang pangangailangan ng mga potensyal na mamimili.
Ayon sa mga naging sagot ng mga respondante, dapat na ang iaalok ba produkto ay
pangangailangan ng target market. Dagdag pa rito, ang pagsuri sa pangangailangan ng mga
kanyang potensyal na mamimili ay ang naging hakbang sa mga preperasyon sa kanyang mga
produktong ibebenta. Mahalaga rin ang pagkokonsidera ng demand ability ng iaalok na
produkto o serbisyo.

Ayon kay Wheeley (2017),


Bago mo simulant na ipakilala ang iyong negosyo, kailangan mong malaman ang gusto ng iyong mamimili at bakit. Ang pag-alam sa
ganitong mga impormasyon ay makakatulong upang makumbinse ang mga mamimili na kailangan nila ang iyong produkto
o serbisyo.

Ayon sa resulta ng pakikipanayam sa mga respondante, ang pagsusuri ng pangangailangan


ng mga mamimili ay mahalagang gawain dahil kabilang ito sa malaking parte ng tagumpay ng
negosyo. Isa sa maaaring dahilan kung bakit tatangkilikin ng mamimili ang produkto o
serbisyong iaalok ng indibidwal ay kailangan nila ito kung kayat matuturing na isa ring
estratehiya ang pag-alam sa pangangailangan ng huli. Isinasaad din ng literature na ang isang
daan upang makumbinse ang mga potensyal na mamimili ay alamin ang mga gusto nila at kung
bakit. Sa ganitong paraan, magiging sigurado ang isang indibidwal na may tao na tatangkilik sa
produkto o serbisyong iaalok nito dahil isa itong pangangailan.

You might also like