Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito tumatalakay sa kahalagahan ng Filipinolohiya sa buhay at kung

ano-ano ang mga element nito na nakaaapekto sa antas ng pagpapahalaga sa Filipinolohiya ng

mga mag-aaral na naging parte ng pananaliksik na ito. Ito din ay tumatalakay sa mga salik na

nakaaapekto sa kanilang araw-araw na pamumuhay at pag-aaral, kung saan ang pagkakaiba ng

kaugalian at kultura ay tiyak.

Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong uri ng pananaliksik na sinamahan ng

estadistikong pagtalakay ng mga nakalap ng datos mula sa isinagawang sarbey ng mga

mananaliksik. Kung saan ang sakop ng pag-aaral ay ang mga 1st year students na

nagpapakadalubhasa sa pagkuha ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Polytechnic

University of the Philippines-Manila.

Sa tatlong pagsisiyasat na isinagawa ng mga mananaliksik; Antas ng Pagpapahala ng

Filipinolohiya, Epekto ng Filipinolohiya sa Pag-aaral at ang Mga Elementong Nakaaapekto sa

Pagpapahalaga sa Filipinolohiya, napagalamang mataas pa rin ang antas ng pagpapahalaga sa

Filipinolohiya ng mga mag-aaral at ito ay patuloy pa ring nakatutulong sa kanila sa pag-aaral.

Samantala, ang globalisasyon at paglaganap ng dayuhang mga lenggwahe, pati na rin ang

pagpapahalaga sa asignaturang Pilipino at sa wikang Filipino ay ilan sa mga elementong lubos na

nakaaapekto sa kanilang pagpapahalaga sa Filipinolohiya. Ang mga datos na nakalap ay

nagpapatunay na positibo ang halaga at ang epekto ng Filipinolohiya

You might also like