Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: AUGUST , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN MTB (Day 1)


I. Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
- Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
- Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
- Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.

PaksangAralin: “Si Ricong Magikero”


A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Kilos
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba
pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 3-5
Bright Part I pah. 112-123
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp plaskard

III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Magikero , pambihira panauhin
2. Pagganyak:
Nakapanood nab a kayo ng magic?
Hayaang magkwento ang mga bata sa
kanilang karanasan.
1. Pangganyak na tanong:
Ano ang gusto ninyong malaman ang
aking kwento. Anu-anong mga bagay
ang lumabas sa maliit na kahon ni
Rico
4. Pamantayan sa Pakikinig sa
Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“Si Ricong Magikero”
Si Rico ay may kakayahang
magmagic.
Sa mga pagtitipon tulad ng kaarawan,
siya ang nagiging sentro ng atensiyon
ng mga panauhin dahil sa pambihira
niyang kakayahan. Tuwang –tuwa
ang mga bata sa mga ipinakikita
niyang magic.
May isang maliit na kahon si Rico.
Tinakpan niya ito ng panyong rosas.
Maya-maya, dumukot na si Rico sa
kanyang mahiwagang kahon; robot
ang kanyang nakuha. Tuwang-tuwa
si Ron-Ron nang iabot ni Rico ang
robot sa kanya. Sumunod naman ay
isang relo. Iniabot niya ito kay Rosa.
Muling dumukot si Rico , isang ruler
naman ang nakuha niya at ibinigay
kay Roy. Pagkatapos ay isang rosas
naman para sa kanyang Tiya Roma,
panghuli , isang raketa na ibinigay
niya sa kanyang Tiyo Robert.
Tuwang-tuwa ang lahat sa mga regalo
na nakuha ni Rico sa kanyang magic
box.
2. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa
kwento??
Anong kakayahan mayroon si Rico?
Anu-ano ang mga bagay na nakuha
niya sa maliit niyang kahon?
Nakapagbigay ban g katuwaan sa iba
si Rico?
Paano?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga
mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga bagay at kung
kanino ibinigay ni Rico.
(Magkaroon ng
talakayan/pagpapaliwanag ng mga bata sa
kanilang mga ginawa)

IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si Rico ay isang ( mekaniko, magikero, minero).
2. Mayroon siyang isang maliit na ( sobre, kahon, sako)
3. Ibinigay ni Rico kay Ron-ron ang ( ruler, robot, rosas)
4. Si tiyo Robert ay nakatanggap ng ( raketa , ruler, relo)
5. Bawat isa ay nakatanggap ng ( reklamo, regalo, rekado) mula kay Rico.
V. Kasunduan:
Punan Pumili ng isang bagay na gusting makuha sa magic box ni Rico. Kulayan ito.

Inihanda ni:
Gng. Lara Melissa E. Chanchico
Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like