Impormatib Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Philippine Tamaraw - Impormatib

‘Timaraw’
Simbe, John Simon J. – AN2

Lahat ng Pilipino ay kilala ang Tamaraw, ngunit sa mababaw na kaalaman lamang.


Nakapagtatakang bilang isang simbolong kultural ng bansa, ang Tamaraw ay hindi gaanong
napagtutugunan ng pansin. Sa pagdaan ng panahon, maaaring maubos na sila at mabura sa mapa.
Bago pa maganap iyon, kailangang kumilos ang mga tao kahit man lang sa pag-aaral nito.

Ang Tamaraw (Bubalus mindorensis) ay isang hayop mula sa pamilyang Bovidae. Ang ibig
sabihin nito ay maaaring mahalintulad ito sa pangkaraniwang kalabaw maliban sa tinataglay nitong V-
shaped na sungay, at hindi nakapakurba. Sa kabila ng kanilang pagkapareha, ang Tamaraw ay mas
maliit nang bahagya. Isa pang pagkakaiba ang lokasyon sa paghahanap nito. Sila kasi ay matatagpuan
lamang sa isla ng Mindoro (at sa kasalukuyang nakapaloob lamang sa tatlong conservation sites sa
Mindoro Occidental). Ang Tamaraw, o kinikilalang ‘Timaraw’ sa mga lokal ay ang pinakamalaking
hayop sa lupa na endemic sa Pilipinas. Ang mga matatandang indibidwal ng Tamaraw ay maaaring
umabot hanggang tatlong daang (300) kilo sa bigat at karaniwang nasa isang metro ang taas.

Liban sa pagkakaalam ng marami, ang Tamaraw ay isang nocturnal na hayop. Sila ay sanay
na gising sa gabi at karaniwang tulog sa umaga. Maraming eksperto ang naniniwalang dulot ito sa
stress ng populasyong makibago sa pagdami ng tao sa paraan ng pagkain sa gabi. Isang solitary
animal din ang mga ito at hindi kumukumpol sa kapamilya.

Ang Tamaraw ay isa lamang sa mga hayop na nanganganib nang maubos sa Pilipinas tulad na
lamang ng Philippine eagle at Tarsier. Sa kasalukuyang taon, ang natitirang bilang ng Tamaraw ayon
sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Tamaraw Conservation Program
(TCP)ay tinatayang mahigit 401 mula taunang pagbibilang noong ika-22- 26 ng Abril.
Nakababahalang ganito na lang kaliit ang bilang ng isang populasyon sapagkat mahigit isang siglo
lamang, ang kanilang bilang ay itinatayang umaabot sa isang laksa o sampung libo.

Mula sa IUCN Red List—isang organisasyong naglalayong magbigay ng impormasyon ukol


sa mga paubos nang hayop at halaman—ang Tamaraw ay kumakwalipika sa pagsali sa Critically
Endangered na klasipikasyon. Ang bilang ng matatandang indibidwal ay pinapalagay na mas kaunti
sa 250, at lalo pang dumadaloy sa pagbaba ng dalawampu’t limang porsyento sa susunod na 30 taon.

Dahil sa laganap na pangangaso at pagbebenta sa mga Tamaraw noon, at ang tuwirang


pagbaba ng populasyon, ang gobyerno ay napilitang gumawa ng paraan upang maisalba ang kanilang
lahi. Ito ay sa pamamagitan ng isang controlled-conservation area. Ngayon, ang lupang saklaw ng
mga Tamaraw ay umaabot sa kakaunting kaliitan ng 10,000 hectares (Schütz 2001)—napakaliit kung
ikukumpara sa dating buong lalawigan ng Mindoro. Limitado ang espasyo ng mga ‘Timaraw’ at
nakapaloob lang sa tatlong mabubundok na poo: ang Mount Iglit-Baco National Park (ang
pinakamalaki sa tatlo at matatagpuan sa gitna ng Mindoro), ang Aruyan-Malati Tamaraw Reservation
(makikita sa lungsod ng Sablayan), at ang Mount Calavite Wildlife Sanctuary sa bandang hilaga ng
isla. Maramiang ibang subpopulations kaysa sa nabanggit ngunit itong tatlo ang pinakadokumentado
(iucnredlist.org, 2017. ver. 1).

Sa ngayon, kakaunting proyekto palamang ang naimplementa upang malutas ang kritikal na
kalagayan ng Tamaraw—kasama na rito ang pagtataglay ng Aruyan-Malati area ng “Critical Habitat”
para sa mas mabisang pangangalaga sa paggamit ng mabuting legal framework. Higit sa rito, isang
Protected Area Management Plan ang ipapatupad sa Mount Iglit-Baco sa hinaharap upang masiguro
ang kooperasyon ng lahat, maging ang mga katutubong naninirahan malapit sa naturang lugar, sa
pagbabawal ng pangangaso ng Tamaraw, at sa pagbebenta nito sa black market.

Ang kinakailangang mga pagsasaliksik para rito ay kinabibilangan ng masusing pagbibilang


ng kanilang buong populasyon, na sa ngayon ay malabo pang mangyari dahil sa kawalan ng
panggastos mula sa gobyerno. Ang kikakailangang gawin ngayon, ayon sa DENR-TCP, ay ang mga
ethnological na pananaliksik upang malaman kung papaano nga ba ang pinakamabisasng paraan ng
pagtulong sa mga Tamaraw.

Panahon lamang ang kayang makapagdikta kung ang ating mga Tamaraw ay maaaring
mabuhay o tuluyang maging kuwento lamang sa mga pahina ng tekso. Samantala, gawin natin ang
kaya nating gawin, maging kasinliit man ito ng pagbabasa sa internet ukol sa Tamaraw o kaya naman
kasinlaki ng pakikilahok sa mga volunteer programs sa pagbibilang ng populasyon ng Tamaraw. Sa
dulo ng lahat, nasa atin pa rin ang desisyon—kung ang Pilipinas ay tuluyang maibalik muli sa dati
nitong natatanging kagandahan.

You might also like