Summer 20

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I. Panuto: Suriin ang ipinahihiwatig na ideya ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________1. Proseso ng maayos at maingat na pagpili ng wasto,malinaw,mabisa at kaaya-ayang

Pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan ng mga

Nakikinig o nagbabasa.

______________2. Pagpili ng mga salita upang maging wasto,malinaw ang mensaheng nais ipaabot ng

Nagpapahayag na may kinalaman sa tungkulin ng mga salita at ang ugnayan sa loob

Ng pangungusap.

______________3. Ang paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag na madalas nangyayari

Sa pasalitang pagpapahayag.

______________4. Antas ng estilo na ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga tagapakinig.

______________5. Antas ng estilo na ginagamit upang mapaglubag o ma-please ang tagapakinig

______________6. Ang estilo na ginagamit sa pagpapakilos ng tagapakinig.

______________7. Ang estilo ay kasuotan ng kanyang naiisip.

______________8. Ang estilo ay pagkilala sa tutuo mong pagkatao, sa gusto mong ipahayag at hindi

Nababahala sa kalalabasan.

______________9. Ang estilo ay karakter. Ito ay ang katangian ng damdamin ng isang tao sa inihahayag>

_____________10. Ito ay salita na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

_____________11. Nakatuon sa isang bagay sa panahong nagpapahayag,binibigyang-pansin ang paraan

at epekto ng pagpahayag ng isang tao.

_____________12. Tumutukoy ito sa tungkulin ng mga salita at ugnayan sa loob ng pangungusap.

_____________13. Ito ay literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang ginamit.

_____________14. Ito’y kasiningan ng mabisang pagsasalita sa publiko.

_____________15. Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan.

II. Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng tayutay sa mga sumusunod na kaisipan.

_____________1. Dalawang taon siay sa lupa “ the brave and the tree”

_____________2. Bakit mo nilapastangan ang kamay na nagpakain sa iyo?

_____________3. Para silang mga multong sa ngitngit ng dilim ay nangaglalamay.

_____________4. Akalain ko bang ika’y isang ahas na pagkatapos alagaan ay kakagat sa akin.

_____________5. Isa siyang shylock sa kasakiman.


_____________6. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.

_____________7. Gampanan mo ang pagiging haligi ng tahanan.

_____________8. Kumukulo ang dugo ko kapag nasisilayan ko si Jeric.

_____________9. Naging buwaya siya sa basketbol kahapon.

____________10. Ang gara niyang magdala ng damit,ala Reyna Elena.

____________11. Nadurog ang bamban ng kanyang tainga dahil sa lakas ng iyong videoke.

____________12. Si Alden ay hindi sinungaling,mapaggawa lamang siya ng mga salita at kwento.

____________13. Ang Manaoag ang Antipolo ng Pangasinan.

____________14. Ubod siya ng galang, ni hindi nanginginupo sa matatanda.

____________15. Kaawa-awang ama! Itinakwil ng anak matapos magpaalila,mapag-aral lamang ito.

____________16. Ang batang anak ni Maria ay mahirap maintindihan, ayaw kumain pero nagugutom

daw, iyak nang iyak at inaantok, ayaw namang matulog, hinahanap ang ina at nang

dumating nman ay itinaboy.

___________ 17. Siya ang Solomon sa kanilang pamilya.

___________18. Tabla ang mukha niya.

___________19. Ang ina ang nakapantalon sa tahanan ng aming kaibigan.

___________20. Para kang pagong kung lumakad.

___________21. Sumungaw ang araw at nagliwanag ang daigdig

___________22. Ang linis-linis ng bahay ninyo, mukhang hindi nasasayaran ng walis.

___________23. Isang ahas ang kaibigan Seymon.

___________24. Bundok-bundok na mga pinggan ang hinuhugasan ni Alvin.

___________25. Dala ni Rizal ang kanyang Balagtas nang magtungo sa Europa.

You might also like