Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RAQUINO hinirang na Ms.

LD5 2019
Dona Preza

Mala anghel na mukha, kumikislap na mga mata, malalim at matamis na mga ngiti
at perpektong hubog ng katawan- iyan ang ipinamalas ni Reylyn Raquino upang
kaniyang makamit ang kauna-unahang titulong Ms. LD5 2019 sa ginanap na LD5
Athletic Meet sa Mallig, Isabela noong Oktubre 10-12.
Bukod tangi at nakakapanindig balahibong talento ang ipinamalas ni Raquino at
taas noong inirampa ang Filipiniana na gawa ni Bb. Saniata Vallejo.
Nagsalpukan ang nakabibinging sigawan at tilihan ng mga tagasuporta ni Raquino
nang tanghalin siya bilang Best in Production Number, Best in Filipiniana, Best in
Talent, Ms. Body Physique, Ms. Body Smart at Ms. Body Beautiful bukod sa pag-
uwi niya ng korona.
“Masaya and at the same time talagang naramdaman ko yung buong tiwala at
suporta sa akin ng buong Quezon” ani Raquino.
Dagdag pa niya, nagkaroon ng pagkakataon sa kompetisyon na nagduda siya sa
kaniyang sarili at nakaramdam siya ng pressure.
Hindi rin nagpadala sa kabiguan si Kizer Ganaba nang masungkit ang
karangalang Mr. Body Physique, Mr. Body Smart at hinirang bilang 3rd runner up
sa nasabing kompetisyon.
“Thankful pa din kahit hindi ko naiuwi ang korona at titulo. Masayang masaya ako
dahil kahit papaano ay ginawa ko naman iyong makakaya ko and siguro deserve ko
talaga yung 3rd runner up”, ani Ganaba nang may taas noo at ngiti sa labi.
Bumuhos ang papuri kay Raquino mula sa mga iba’t ibang personalidad dito sa
bayan maging sa mga mamamayan pagkatapos ang napakahabang gabi para sa
mga kandidato at mga tagasanay nila.
Lalaban sa paparating na Isabela Provincial Meet si Raquino kasama ang kaniyang
tagasanay na si Gng. Cresslyn Bajo na gaganapin sa Isabela Sports Complex,
Ilagan Isabela sa susunod na buwan.
Ipinagmamalaki naman si Raquino ng kaniyang mga kaklase at kaanak na
tumutok sa kaniyang susunod na laban.

You might also like