Mga Atleta NG QNHS Muling Namayagpag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga atleta ng QNHS muling namayagpag

Dona Preza
Abot langit ang tuwa ng mga atleta ng QNHS nang makapag-uwi sila ng
apatnapu’t walo na ginto, dalawang pilak at pitong tanso dahilan upang
madipensahan ang titulong over all champion sa katatapos na LD5 Atheletic
Meet 2019 na idinaos sa Mallig,Isabela noong oktubre 10-12.
Hindi nagpahuli ang mga pambato ng QNHS pagdating sa determinadong
pakikilahok sa iba’t-ibang larangan ng laro gaya na lamang sa
boxing,arnis,wrestling, pencak silat, taekwando, at athletics na nakapag-
ambag ng mga medalya.
Samantalang, sa pang-koponang laro ay bumida rin ang mga pambato ng
QNHS tulad ng softball na naging kampeon, baseball na nakaranko sa 2nd
runner-up at basketball sa 3rd runner-up.
“Ang tagumpay ay bunga ng masidhing pagpupursigi, disipilina sa sarili at
paagmamahal sa sariling gawa. Makaranas man ng matinding hirap ay
problema ang isang atleta ay di dapat patitinag upang makamit ang gintong
pangarap” ani G. Domingo A. Presa, PESS Coordinator ng QNHS.
Namayani rin si Reylyn Raquino nang makoronahan bilang kauna-unahang
Ms. LD5
Dagdag pa ng isa sa kanilang tagapag-sanay ay hindi lang pag-eensayo ang
kailangan kundi kailangang pairalin ang disiplina upang makamit ang inaasam
na pangarap.
Apatnapu’t walo na atleta ang kwalipikado mula sa QNHS sa nalalapit na
Provincial Meet na kung saan sampu sa arnis, labing-anim sa wrestling,pito sa
boxing, apat sa pencak silat, apat sa baseball,apat sa softball,isa sa taekwando,
at isa sa basketball na gaganapin sa Isabela Sports Complex, Ilagan Isabela
nitong Disyembre.

You might also like