Professional Documents
Culture Documents
Fil 9
Fil 9
1
FILIPINO 9
1st Quarter – Week 3
Halimbawa:
Ang lahat ng ito / maawaing langit,
Iyong tinutunghay /, ano’t natitiis?
Wala ka ng buong / katwiran at bait,
Pinapayagan pang/ ilubog ng lupit.
Paksa/Kaisipan - Mga nabubuong kaalaman o kaisipan, mensahe, pananaw, saloobin na nais iparating.
Halimbawa: “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos
Kapag hindi matibay ang pisi ng isang guryon,
ito ay maaaring bumagsak tulad ng tao na nagpapakataas at di inaalagaan
ang matagal na pinapangarap ay tiyak na babagsak.
Talinghaga - Nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay
na nagbibigay ng kariktan sa tula.
Imahen o Larawang-diwa- Nabubuo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa
nais ipakahulugan.
Aliw-iw -Maindayog na pagbigkas na karaniwang taglay ng tradisyonal na tula.
Tono- Damdaming nakapaloob sa tula na maaaring pagkalungkot, pagkatuwa, pagkagalit, at iba pa.
Persona -Tauhang nagsasalita sa tula
Ang tula ay isang awit na nag-aangkin ng melodiya o tono, nararamdaman sa indayog o ritmo.
Gawain 2
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Iugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa nabasang tula.
2. Ilahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano.
3. Sumulat ng ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya.