Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 2 Docx11
Kabanata 2 Docx11
“Ang isa pang sinabi nilang nakapagpapukaw ng aking pansin ay ang barkada.”
Nakakaapekto din ang barkada sa pag aaral. Hindi maiiwasan ang mga barkada na
maaaring magdulot ng masamang impluwensiya. Mayroong mga barkada na tuturuan
kang magcut ng klase na maaaring ikababa ng grade mo, kung minsan naman ay
barkada din ang dahilan kung bakit natututo ang isang kabataan magkaroon ng
masamang bisyo. Ngunit hindi lahat ng barkada ay masamang impluwensiya, may mga
barkada naman na mabuti ang naidudulot. Halimbawa ay sila ang tutulong sayo pag
nahihirapan na sa akademiks. (Rizal Science HighSchool Section C Survey, 2009)
Ayon kay Alexander Cason, Jr. (2017), "Sa henerasyon ngayon, madaming
nagsabi na lubos na nakaapekto sa kanilang pag-aaral ang computer at iba pang mga
gadyets, o sa madaling salita, ang makabagong teknolohiya." Tungkulin ng mga
kabataan ang mag-aral. Sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing
paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya
nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang
pag-aaral. Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-
aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.
Ayon kay J. Dioneda (n.d.) "Ang pagkakaroon ng bisyo ng mga mag aaral ay
malaking factor na nakakaapekto sa pagkamit ng magandang edukasyon sa Pilipinas."
Sa panahon natin ngayon parami na ng parami ang mga kabataan na may bisyo,
paggamit ng droga, sigarilyo, alak at iba pa. Ito ay nakakasama lalo na't nasa
murang
edad pa lamang ang mga kabataang ito at tiyak na kapag napabayaan sila, baka ito ay
ikamatay nila o magkaroon pa sila ng hindi magandang kinabukasan. Malaking epekto
ito sa pag-aaral ng mga estudyante dahil ika nga nila “oras na masimulan mo na ang
bisyo, mahirap ng tigilan”. May oras na hindi pumapasok ang mga estudyante sa
paaralan sa kadahilanang sila ay puyat o kaya di naman ay nagcucutting classes para
magawa nla ang kanilang bisyo.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro (2014) "Ilan naman umano ang
nagda-drop out dahil sa mahinang katawan sanhi ng malnutrition, paghihikahos sa
buhay, at maging matinding problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay ng magulang."
Ang kakulangan pampinansyal ay masasabing isa sa mga pinakamahirap na
problemang makakaharap ng sinuman. Maging mga gastusing pampaaralan at iba
pang aspetong sumasakop sa pag-aaral. Maraming pinaglalaanan
at
pinagkakagastusan ang mga mag-aaral. Kasama dito ang mga maliliit na gastusin tulad
ng pagpapa-photocopy ng mga leksyon maging ang mga maliliit na kontribusyon sa
pondo ng organisasyong sinalihan. Kung susumahin ang lahat-lahat, malaki-laki rin
ang
magagastos. Isa pa riyan ang pang-araw-araw na gastusin sa transportasyon, pagkain,
school project at school supplies tulad ng bolpen, yellow pad at kung anu-ano pa.
Isa rin
sa dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral ay ang pagkakaroon ng problema sa
pamilya. Maaaring mas pinipili na lang nila ang tumigil sa pag-aaral upang
magtrabaho
para may panggastos sa kanilang pamilya.
Sintesis
Ayon kay nmaeguinto (2016), “Isa o higit sa mga dahilan kung bakit
bumabagsak ngayon sa kursong ito dahil sa kakulangan sa time management.” Ang
social media ay isa ngayon sa pangunahing dahilan kung bakit nawawala ang atensyon
ng mga estudyante sa pag-aaral, oo maaari itong gawin bilang panglibangan, ngunit
oras na gumamit na sila ng internet, nakakalikdaan na nila ang kanilang pag-aaral.
Kung minsan nagiging negatibo na din ang gamit ng internet sa panahon ngayon dahil
masyado nang nakadepende dito ang mga estudyante. Bilang isang Accounting
student, isa sila sa mga naghahanap ng mapaglilibangan dahil na din minsan sa
stress
na kanilang nararanasan dahil sa pag-aaral, kaya kung minsan kapag may kailangan
silang gawin na may kinalaman sa kanilang pag-aaral iniaasa na lamang nila ito sa
internet.
Balangkas na Teoretikal
Ayon kay Charl Lozano (2016) sa kaniyang “Mga Dapat na Malaman bago ka
kukuha ng accountancy-accountancy starter pack”, kung nais mong maging
matagumpay sa pag-aaral ay ugaliin ang mga sumusunod:
Determinado/disiplinado
Time management
Pagkamatyagain/kasipagan
Stress management
Dapat lang na taglayin ang mga nabanggit ni Charl Lozano dahil una kung
hindi
ka determinado sa pagkuha o pag-aaral ng accountancy ay hindi mo ito matatapos.
Dapat rin na mayroon kang time management sa iyong sarili, ilaan sa mas
makabuluhang bagay ang oras upang di maaksaya. Hindi naman masamang gamitin
ang oras sa paglilibang pero dapat ay huwag sosobra. Sa aking opinyon, mas maigi na
gawin mo na ng maaga ang mga gawain at una mong asikasuhin ang accounting
subject bago ang lahat. Kailangan ding may tiyaga sa pag-aaral, ito ay kailangang
kailangan ng mga estudyanteng kumukuha ng accountancy dahil ang kursong ito ay
sadyang mahirap. Maaaring gawin ng mga estudyante ay ang “advance reading” upang
hindi na mahirapan sa susunod na ituturo ng guro. At ang huli ay ang stress
management, maraming estudyante ang nakakaranas ngayon ng stress dahil sa dami
at bigat ng gawain, dapat lang na ang mga estudyante ay marunong kung paano
mawawaksi ang stress na nararanasan upang hindi ito maging balakid sa kanilang pag-
aaral.
Balangkas na Konseptwal
Palagay