Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

LET’S ANALYZE:

Pagsasanay 1. Talakayin nang masinsinan ang bawat katanungan.

1. Bakit itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan ang panahon ng mga


Hapones?

Tinaguriang "Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino" ang panahong ito dahil


higit na malaya sa mga pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugailan, at
paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbabawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang
Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika
ng bansa.

2. Batay sa “Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943”


ano-ano ang pinapaksa ng bawat akda . Bigyan ng patunay ang inyong sagot.

Ang pinapaksa sa bawat akda ay ang panahon ng pamumulaklak sa panahon ng


hapon. Gumagamit ito ng payak na pangungusap upang mas maintindihan ng mga
taong bumabasa. Ang paksa ay nauukol sa iba't-ibang karansan sa buhay ng tao.
Nabigyan diin din ang katutubong kulay, uri ng buhay ng panahong iyon, ang
pananalat at ang kadahupan ng pang-araw-araw na buhay. May madamdamin rin
itong mensaheng makabayan ngunit maingat itong ipinahayag ng hindi mahalata ng
mananakop.

3. Ano ang pinakamahalagang ambag ng pananakop ng mga Hapones sa


mga Pilipino?

Marahil ang pinakamahalagang ambag ng pananakop ng mga Hapones sa mga


Pilipinas ay ang kanilang pagtataguyod ng edukasyon sa Pilipinas na magpasa-
hanggang ngayon ay ginagamit pa rin natin. Sa panahong ito ay ipinagkaloob ang
edukasyong elementarya at bokasyunal. Ipinatupad ni Pangulong Jose P. Laurel ang
pagbabago ng sistema ng edukasyon sa bansa upang ito’y maging maayos at
ipinatupad ang pagkuha ng lisensya sa pagtuturo ng mga guro at pinuno ng mga
paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Iniutos niya ang pagpapalaganap ng tagalog bilang
wikang pambansa, at Pilipino lamang ang dapat magturo ng wika, kasaysayan ng
Pilipinas at kabutihang asal.
IN A NUTSHELL:

Naging mapalad ang ating panitikan sa panahong ito dahil sa pagmamalasakit ni


Kin-Ichi Ishikawa na mapaunlad ang mga gawaing may kaugnayan sa panitikan at
kultura.

1. Sa palagay ninyo, ano kaya ang mangyayari sa ating panitikan kung


hindi patuloy na gagamitin ang ating sariling wika sa pagbuo nito?

Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan. Kaya’t


makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan
upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kung hindi
natin patuloy na gagamitin ang wikang Filipino sa ating panitikan ay maaaring hindi
man lang ito makikilala bilang sariling atin. Mawawalang-bisa ang mga sakripisyo ng
ating mga dakilang bayaning ipinaglaban ang ating kalayaan bilang isang Pilipino −
na may sariling wika, panitikan, at pagkakakilanlan. Dapat lamang na ipakita natin sa
ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang
magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito
mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang
banyaga.

2. Ano ang maiambag ng panitikang Filipino sa buhay ng kabataang


nahuhumaling na sa mga makabagong teknolohiya ngayon?

Maraming ambag ang panitikang Filipino sa buhay ng mga kabataan ngayon.


Tulad ko na nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiya ngayon, ang mga
panitikang Filipino ay nagbibigay-libangan sa akin kapag ako’y walang ginagawa at
naiinip. Dahil sa internet, mas naging malapit o accessible ang mga akda, tula at
sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa. Katulad na lamang ng mga
kuwento sa Wattpad na kalaunan inilimbag bilang mga aklat. Ito ang aking ginagamit
dahil isang “swipe” ko lang ay para na akong nagbabasa ng totoong libro o akda.

You might also like