Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DEPENISYON NG WIKA AYON SA IBA’T-IBANG DALUBWIKA:

Ayon kay Henry Gleason na isang Amerikanong linggwistiko (1998),  ang wika ay masistemang

balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong

kabilang sa kultura.

Ayon kay Wayne Weiten na isang guro sa sikolohiya (20017), ang wika ay binubuo ng mga

simbolo na naghahatid ng kahulugan. Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsama-samang

mga simbolo na makakabuo nang walang katapusan at iba'y ibang mensahe.

Naniniwala si Bruce A. Goldstein (2008) na isang amerikanong mananalaysay at aktibista na

maaaring bigyan ng kahulugan ang wika bilang isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang

mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan, at mga

karanasan.

Ayon kay Dell Hymes na isang sosyolohista at linggwista (1972), ang wika ay

nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema ng nakikipag-interaksyon. Ang mga taong

kabilang sa isang kultura ng gumagamit ang nababago nito. Makatao at panlipunan ang

kasanayang ito
Sa pagpapahayag ni Halliday na isang amerikanong linggwista na gumawa ng isang

maimpluwensiyang modelo ng lingwahe (1973), ang wika ay may instrumental na gamit. Malaki

ang naitutulong nito sa mga tao upang maisagawa nito ang isang kilos o isang bagay. Importante

rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapangalan, pakikipagtalastasan, pakikipag-usap,

at pagmumungkahi.

Ayon kay Constantino (2016), ang wika ay isang kasangkapan ng komunikasyon at mahalaga ito

sa isang indibiduwal dahil ito ay siyang nagiging behikulo upang maintindihan ng isa ang

kaniyang sarili at maibahagi niya ang kaniyang saloobin sa iba.


TALASANGGUNIAN

Ginawa ni Henry Bot

https://quizlet.com/309260923/a1-ang-mga-kahulugan-ng-wika-ayon-sa-mga-dalubhasa-rito-

flash-cards/?fbclid=IwAR0_5OaGSsITn3UaHmTWyiyF1vd35PMkSUbcInHICwNU5xXCZ-

_ceLs1m-U

Ginawa ni Aldous Christian Calitis Jr. noong Jul 4,2013

https://www.slideshare.net/AldousChristianCalitisJr/konsepto-sa-wika-ng-mga-dalubhasa?

fbclid=IwAR2XX49yviP4e2PM9VO5PpNRUM8GEweaCBHhlTuFvQuxj-1lSmyz9zVpZxE

You might also like