Aralin 3 Florante at Laura

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: __________________________________________________ Iskor: _____________________

Seksyon: ___________________________________________________

I. PANUTO: Isulat ang mga salitang tinutukoy ng mga sumusunod na kahulugan.


1. _______________________ - kabukiran
2. _______________________ - kasangkapang binubuo ng balahibo,buhok o kauri nito na ginagamit sa pagpipinta ng
larawan.
3. _______________________ - isang ilog sa Pandacan
4. _______________________ - malagot
5. _______________________ - diyosa ng kalikasan
6. _______________________ - di makakibo
7. _______________________ - pagdaralita
8. _______________________ - lakambini, paraluman
9. _______________________ - pag-alat ng tubig-tabang dahil sa pagsanib ng tubig-dagat
10. _______________________ - mga diyosa ng karagatan na nang-aakit sa pamamagitan ng pag-awit

tabsing nimfas musa Beata sirenas

pinsel umid dalatan makitil pagdurusa

II. PANUTO: Ibigay ang ibig sabihin ng mga piling pahayag. Piliin mula sa mga nasa kahon. Bilang lang ang isulat.

11. _____ Kung pagsaulan kong basahin sa isip, ang nangakaraang araw ng pag-ibig.

12. _____ Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib, hanggang sa libinga’y bangkay ko’y maidlip

13. _____ Nagbabalik mandi’t parang hinahanap, dito ang panahong masayang lumipas.

14.______ Sa kagugunita’y luha’y nalalaglag, sabay ang taghoy kong “ O, nasawing palad”

15. _____ Bakit kaya noong kami’y naghiwalay, ay di pa nakitil yaring aking buhay?

16.______ Sa Birhen mag-ina’y ipamintakasi, ang tapat mong lingkod na si F.B.

1. labis na paghihinagpis dahil sa kabiguan

2. iniisip ang mga nagdaang masasayang araw

3. humihingi ng panalangin

4. isang pag-ibig na walang hanggan

5. sakit na dulot ng paghihiwalay

6. pilit na inaalala ang mga araw ng pag-ibig


B. PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

17. Napakasaya nilang kasama, ako ay laging inaantok.


a. ironiya b. personipikasyon c. metapor d. eksklamasyon
18. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.

a. personipikasyon b. ironiya c. simili d. apostrope

19. Ulan, ulan kami'y lubayan na.

a. simili b. apostrope c. personipikasyon d. metapor

20. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa lupa.

a. metapor b. personipikasyon c.simili d. ironiya

21. Ang kanyang kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

a. ironiya b. apostrope c. eksklamasyon d. personopikasyon

22. Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!

a. metapor b. personipikasyon c. simili d. eksklamasyon

23. Ang kanyang kagandahan ay mistulang biuting nagnininingning.

a. ironiya b. simili c. apostrope d. metaphor

24. Npakasagana ng lugar na ito, maraming nagugutom.

a. simili b. metapor c. personipikasyon d. eksklamasyon

25. Katulad ng lawak ng dagat ang pagmamahal ko sa kanya.

a. simili b. apostrope c. personipikasyon d. metapor

You might also like