Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

What If Earth Turned into a Giant Pile of

Blueberries?
By Rafi Letzter, Staff Writer | July 31, 2018 03:32pm ET

Credit: Live Science

If our planet suddenly turned into an Earth-size pile of blueberries, things would start exploding. This is science.

Specifically, it's the conclusion of a juicy paper submitted to the preprint server arXiv on July 27. (Papers on
arXiv have not yet passed through the peer-review process or been published in journals.) The author, Anders
Sandberg, a computational neuroscientist with a broad research portfolio at the University of Oxford's Future of
Humanity Institute, addresses the problem — originally posed on the website Stack Exchange — in thorough,
blueberry-bursting fashion.

Sandberg's paper aims to answer the question, "What if the entire Earth was instantaneously replaced with an
equal volume of closely packed, but uncompressed blueberries?" In doing so, Sandberg makes a key
assumption: The Earth turns into "big, thick-skinned highbush blueberries" and not "wild, thin-skinned
blueberries."
Gilas Pilipinas, panalo sa puso ng mamamayan
Bagamat bigo sa kanilang unang tatlong laro, o kahit na mabigo na makapag-uwi ng panalo, magbabalik
pa rin ang national men’s basketball team o mas kilala sa tawag na Gilas Pilipinas na panalo.
Panalo , hindi sa laro kundi sa puso ng bawat Filipino na labis ang pagmamahal sa larong basketball at
panalo dahil nakuha nila ang respeto at paghanga ng halos buong mundo, kabilang na ang mga
tinaguriang mga powerhouse sa sport na basketball.

Bagamat muli na namang kinapos sa kamay ng world ranked No. 3 na Argentina sa kanilang ikatlong
laban, labis naman na hinangaan ang maliliit ngunit maliliksing mga Pinoy sa ipinakita nilang puso sa
laban.
“They play very well, they’re different because they feel this basketball, they play with passion,” wika ni
Argentinian coach Julio Lamas.
Ayon pa kay Llamas, talagang bumilib siya sa mga Pinoy dahil kakaiba ang estilo ng mga ito at
nakakahanga ang kanilang “run and gun play”.
Ngunit naniniwala siyang ang tunay na susi ng magandang inilalaro ng Gilas kontra sa pinakamagagaling
na mga koponan sa buong mundo ay ang kanilang malaking puso.
Habang isinasara ang pahinang ito, nakikipaglaban ang Gilas sa Puerto Rico sa isang napakahalagang laro
kung saan ay nakataya ang kanilang tsansa na umusad sa ikalawang round.
Kung magagawa nilang talunin ang Puerto Rico, mabubuhay ang kanilang tsansa sakaling gapiin naman
ng Argentina ang Senegal na siyang pinakahuling makakalaban ng Gilas.
Ngunit anuman ang maging resulta ng kanilang kampanya, iisa ang tiyak, napatunayan ng mga Pinoy na
kahit maliliit sila ay mayroon silang puwang sa higanteng mundo ng basketball.

Gilas Pilipinas ginising ang World Basketball Scene


SEVILLE, Spain - Lilisanin ng Gilas Pilipinas ang Andalucia capital city matapos ipakilala ang bansa sa world
basketball scene at nakamit ang paghanga ng mga Filipino sa buong mundo.

Sa kanilang paglaban hanggang sa huling segundo sa kanilang limang laro, napanatili ng mga Filipino ang kanilang
pagkakakilanlan sa buong mundo at ipinakitang hindi lamang sila isa sa mga koponan sa Asia.

Sa kanilang isang panalo at tatlong halos panggugulat, gumawa ang Gilas ng impact na dapat maging inspirasyon
sa Philippine basketball.

Kumbinsido si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na ipinakita ng Nationals ang
kanilang kakayahan  na dapat lamang na ipagmalaki at tinapos ang katanungan ng mga World Cup regulars kung
ano at sino ang Gilas.

Walang duda si Pangilinan na ginising ni coach Chot Reyes at ng Gilas ang mundo tungkol sa Philippine basketball
mula sa kanilang katapangan at klase ng paglalaro.

“On the whole, we did well,” sabi ni Pangilinan sa farewell dinner ng Philippine delegation. “On the whole, you could
see the whole world waking up to Philippine basketball and I’m happy about it.”

Ikinasiya ni Pangilinan ang katotohanan na ang Gilas Pilipinas ang naging Asian team sa nasabing 24-team
tournament.

“We’re benchmarking the two other Asian countries which participated in this tourney. The losing margin of Korea
was over 100 points; Iran was much, much higher than us. Buying that token, we did very well,” sabi pa ni
Pangilinan.

Inilampaso ang Korea sa kanilang limang laro sa Group D play, habang nanalo ang Iran ng 15 points laban sa
Egypt ngunit natalo ng apat na laro sa Group A competition.

Maaalala naman ang Gilas hindi lamang sa paggupo sa Senegal kundi maging sa kanilang mga laban sa Croatia,
Argentina, Puerto Rico at Greece.

“Hindi lang tayo pinalad, muntik na sa atin ang Croatia, Argentina and Puerto Rico,” ani Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, titingnan nila ang naging kampanya ng Gilas sa World Cup sa kanilang pagbabalik sa Manila
bukod pa sa mga sasalihang international competitions.

You might also like