Unang Lagumang Pagsusulit Sa Filipino 6 (Linggo 1-3)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

UNANG KWARTER (LINGGO 1-3)


SY 2019-2020
LAYUNIN/KASANAYAN KAALAMA
N
PAG-
UNAW
APLIK PAGS SINTESI
AS U S/
EBAL
WAS
KAB
UUA
A YON SURI PAGLA YON N
LA
PAT
1. Nasasagot ang mga tanong 1 2,3 3
tungkol sa napakinggang pabula.
F6LC-Iabg-3.1
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol 28,29 2
sa napakinggang/binasang
kuwento.
F6LC-Iabg-3.1
3. Nagagamit nang wasto ang mga 6,12,13 4
pangngalan sa pakikipag-usap sa ,
iba’t ibang sitwasyon. F6G-Iabcd-2 14
4. Nabibigyang kahulugan ang kilos 4,5 2
ng mga tauhan sa napakinggang
pabula.
F6LC-Ic-19
5. Nagagamit ang pangkalahatang 25,26, 3
sanggunian. F6SS-Ibfd-6 27
6. Nagagamit ang Dewey 16,17, 5
Classification System. F6SS-Ic-9.3 18,19,20
7. Nasasagot ang mga tanong tungkol 4
sa tekstong pang-impormasyon. 8 7,9,10
(procedure)
F6RC-Ice-3.1.2
8. Nabibigyang kahulugan ang 21,22, 4
salitang hiram. F6V-Ic-8 23,24
9. Naipamamalas ang paggalang sa 1
ideya, damdamin, at kultura ng 30
may akda sa tekstong napakinggan
o nabasa. F4AOO-3
KABUUAN: 14 4 7 2 2 1 30
BAHAGDAN: 47% 13% 23% 7% 7% 3% 100
%
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Innihanda ni:
ROSEMARIE B. SAGUM, MT1
Guro sa Filipino 6
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ang Daga at ang Leon

Sa isang kagubatan ay may isang leon na ubod ng yabang. Parati niyang


ipinagmamalaki na matapang daw siya at hindi umuurong sa anumang laban.
Isang araw, habang naglalakad sa gubat si Leon. Nakita niya ang isang maliit na daga
na nakaipit sa isang malaking kahoy. Tinulungan niya ito upang makaalis sa pagkakaipit sa
kahoy.
“Salamat, butihing Leon! Maraming salamat sa pagtulong mo. Asahan mo na kapag
dumating ang panahon ay ikaw naman ang tutulungan ko,” ang sabi ng daga. “Hahaha!
Ikaw? Paano mo ako matutulungan sa liit mong iyan?” ang natatawang sagot ng leon.
Malungkot na umalis ang daga dahil sa sinabi ng leon.
Isang araw, habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso.
Pinilit ng leon na makatakas ngunit lalo lamang humigpit ang bitag na nakapulupot sa
kanyang katawan. Habang ito ay nagpupumiglas, napadaan ang daga. Mabilis na kinagat ng
daga ang mga tali sa bitag upang makalaya ang leon.

Piliin ang titik nang tamang sagot.


1. Ano ang nakita ng leon na nangyari sa daga?
a. Nahuli sa bitag. b. Naipit sa sa kahoy.
c. Nadaganan ng puno. d. Namamasyal sa gubat.

2. Paano tinulungan ng leon ang daga?


a.Tinawanan niya ang daga.
b. Tinulungan niyang makatakas sa pagkakaipit sa malaking kahoy.
c.Binigyan niya ang daga ng pagkain.
d. Nakikipaglaro siya sa daga.

3. Ano naman ang ginawa ng daga upang matulungan ang leon?


a. Kinagat ng daga ang mga tali ng bitag para makawala ang leon.
b.Tumawag ang daga ng tulong para sa leon
c. Iniwanan niya ang leon sa kagubatan.
d. Lalo niya pang ininis ang leon.

4. Sa pagtulong ng daga sa leon sa pagkahuli nito sa bitag, ang daga ay nagpapakita ng __________.
a. pagkainis b. pagkaawa
c. paghihinagpis d. pagtanaw ng utang na loob
5. Parating ipinagmamalaki ng leon na di siya umuurong sa anumang laban. Anong katangian mayroon ang
leon?
a. mabait b. matapat c. mayabang d. mahinahon

6. Isang araw. habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso.
Anong uri ng pangngalan ang may salungguhit?
a. pantangi b. pambalana c. di-konkreto d. lansakan

Para sa aytem 7-12, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

Sa bibig nagsisimula ang pagtunaw ng pagkain.,Sa tulong ng ngipin at pagnguya, napipiraso nang
maliliit ang mga pagkain. Tumutuloy sa tiyan ang nginuyang mga pagkain. Maraming glandula sa paligid
ng tiyan. Ang mga katas mula sa glandula ay tumutulong sa pagtunaw ng pagkain. Pupunta sa maliit na
bituka ang natunaw na pagkain. Tila mga nakalikong mga tubo na sa loob nito ay kulo-kulubot. Nasa mga
kulubot ang mga villi na kinapapalooban ng maliit na ugat. Dumadaan sa mga ugat na iyon ang mga tunaw
na pagkain papunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang mga hindi natunaw na pagkain ay pumupunta sa
malaking bituka, Pagkaraan ng isa o dalawang araw ito ay lalabas bilang isang dumi na.

7. Saan nagsisimula ang pagtunaw ng pagkain?


a. sa bibig b. sa lalamunan c. sa tiyan d. sa bituka

8. Ano ang tumutulong sa pagpipiraso ng pagkain?


a. mga ngipin b. mga katas ng glandula
c. mga villi sa loob ng bituka d. asido sa tiyan

9. Saan patungo ang nginuyang pagkain?


a. sa bibig b. sa lalamunan c. sa tiyan d. sa bituka

10. Saan napunta ang natunaw na pagkain?


a. sa mga ugat ng katawan b. sa maliit na bituka
c. sa malaking bituka d. sa puwet

11. Pagsunod-sunurin ang pamamaraan sa pagtunaw ng ating kinakain.


I. Tinutunaw ng mga katas ng glandula ang ating kinain.
II. Pumapasok sa bibig ang pagkain.
III. Tumutuloy sa tiyan ang nginuyang pagkain.
IV. Lumalabas sa katawan bilang dumi ang di-natunaw na mga pagkain.
V. Napupunta sa maliliit na bituka ang mga pagkaing natutunaw.
VI. Pumupunta sa malaking bituka ang mga di-natunaw na pagkain.

a. I-II-III-IV-V-VI b. II-III-IV-V-VI-I c. II-III-I-V-VI-IV d. II-III-V-VI-I-IV

Para sa aytem bilang 12 – 15, nagagamit ang pangngalan sa pakikipag-usap.

12. Ang bahay ni Gng. Garcia ay bago at maganda. Alin ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
a. bahay b. Gng. Garcia c. bago d. maganda
13. Ang mga rosas sa hardin ng bahay ay gustong-gusto ng mga kulisap. Ano ang gamit ng pangngalang mga
rosas sa pangungusap?
a. simuno b. kaganapang pansimuno
c. layon ng pandiwa d. layon ng pang-ukol

14. Dumalaw sa probinsiya sina Gng. Garcia at ang kaniyang katulong. Alin ang pangngalang pantangi sa
pangungusap?
a. probinsiya b. bahay c. Gng. Garcia d. katulong

15. Aling pangungusap ang gumagamit ng pangngalang pantangi bilang simuno?


a. Si Apolinario Mabini ang bayaning tinaguriang Dakilang Lumpo.
b. Dakilang Lumpo ang taguri kay Apolinario Mabini.
c. Utak at talino ang sandata ng bayaning si Mabini.
d. Sumasangguni kay Mabini ang ibang mga bayani.
Para sa aytem bilang 16-20, pag-aralan ang Dewey Classification System sa ibaba.

Bilang Kategorya
000-099 General References or Works (encyclopedias, almanac, periodicals
and journals at iba pang pangkalahatang sanggunian)
100-199 Pilosopiya (sikolohiya, estatistika, lohika at iba pa)
200-299 Relihiyon (Bibliya, mitolohiya, teolohiya, paniniwala ng tao)
300-399 Agham Panlipunan (pamumuhay at pagtatrabaho ng tao sa
lipunan: pamahalaan, at institusyon, economics, edukasyon)
400-499 Lenggwahe (wika, gramatika, diksiyunaryo)
500-599 Siyensya o Science (matematika, astronomy, physics, chemistry,
geology, paleontology, biology, zoology, botany)
600-699 Teknolohiya (inhenyerya, pagsasaka, pagluluto, pananahi, radio, TV,
aviation at iba pa)
700-799 Sining o Fine Arts ( arkitektura, iskultor,musika, pagguhit,
potograpiya,pag-arte, at iba pa)
800-899 Literatura (tula, dula, sanaysay, literature in foreign language)
900-999 Kasaysayan o History (heograpiya, paglalakbay, talambuhay)

16. Saang kategorya makikita ang aklat na Ang Pananampalataya ng mga Pilipino sa Klasipikasyong Dewey
Decimal?
a. History b. Religion c. Language d. General References
17. Sa Klasipikasyong Dewey Decimal, saang hanay mo makikita ang History?
a. 600-699 b. 700-799 c. 800-899 d. 900-999

18. Sa anong hanay mahahanap ang Michael Angelo’s Painting?


a. 400-499 b. 500-599 c. 600-699 d. 700-799

19. Sa anong hanay mahahanap ang Computers and Phones?


a. 600-699 b. 700-799 c. 800-899 d. 900-999

20. Saang kategorya mahahanap ang librong makatutulong sa pagnenegosyo?


a. Pilosopiya b. Relihiyon c. Agham Panlipunan d. Teknolohiya

Para sa aytem bilang 21-24, bigyang kahulugan ang mga salitang hiram.
21. Sari-sari ang hugis at laki ng mga fountain na may pabago-bagong kulay sa Luneta Park. May malaking
palaruan din para sa mga bata at mayroon pang skating, slide, duyan, mga punungkahoy at marami pang
iba. Anong salitang hiram na nangangahulugang padausdusan ang ginamit sa kuwento?
a. slide b. fountains c. skating d. dancing
22. Ano ang katumbas na baybay sa Filipino ng salitang student?
A. istudent B. studyante C. estudyante D. istudyante
23. Alin ang wastong baybay ng sumunod na salitang hiram?
A. boke B. boqui C. bokey D. bouquet
24. Kung kinakailangang magpa-xray ay gawin natin. Alin ang salitang hiram sa
pangungusap?
A. kung B. gawin C. x-ray D. natin
Para sa aytem bilang 25-27, piliin ang tamang pangkalahatang sanggunian para sa bawat tanong.
25. Sa aling sanggunian malalaman ang lawak, distansiya at lokasyon ng isang lugar?
A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Encyclopedia
26. Naglalaman ng detalyadong impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa at nakaayos nang paalpabeto.
A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Encyclopedia
27. Matututuhan dito ang tamang pagbigkas ng mga salita.
A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Encyclopedia

Para sa aytem bilang 28-30, basahin ang pabula at sagutin ang mga tanong.

Ang Aso at ang Kanyang Anino


Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa
pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan. Napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya
ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto
sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay
ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

28. Bakit tumahol nang tumahol ang aso sa ilog?


a. Nakakita siya ng magandang aso. C. May nalulunod sa ilog.
b. May buto sa ilog. D. Nakita niya ang kaniyang anino.
29. Ano ang ipinahihiwatig ng pabula?
a. Mainam manalamin sa malinaw na tubig ng ilog.
b. Nakakaengganyo ang tumingin sa ilog kapag nasa tulay ka.
c. Matuto tayong makuntento sa mga biyaya na mayroon tayo.
d. Ang kasakiman ay di maiiwasan ng mga taong gahaman sa yaman.
30. May kabuluhan ba ang ginawang pagtahol ng aso sa kaniyang anino sa ilog? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like