Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Balangkas teoretikal

Ang teoryang functionalism ni Emile Durkhein (1858-1917) ay nagsasaad na ang bawat

parte sa lipunan ay nagbibigay ng katatagan at nagpapanatili ng kaayusan sa buong lipunan. Dpat

ang bawat isa ay gumagalaw, gumagawa at nagtutulungan para sa ikabubuti ng kabuuan.

Ikinumpara ni Durkhein ang lipunan sa isang organismo na ang bawat bahagi ay may kanya-

kanyang parte sapagkat kung hindi ito gagalaw, makakaranas ito ng krisis at pagkabigo

(Crossman, A. 2019). Ang teoryang functionalism ay napili sa pananaliksik dahil sumasalamin

ito sa dapat na kalagayan ng lipunan, kung saan makatutulong sa pagtibay ng pananaliksik.

Ang Karl Marx theory ay nagsasaad na mayroong dalawang antas ng tao – ang mga

nangunguna at ang mga pinangungunahan. Kung sino man ang masagana ay may kontrol sa mga

manggagawa, dalawang magkaibang grupo na dapat magkasundo upang lumago. Ang aral na

Mabangis na Lungsod ay may kaugnayan sa Karl Marx theory na nagpapakita ng pagkakaroon

ng pagitan ng mga mayayaman at mahihirap (Saligsig, S. 2013).

Ang teoryang realismo ay tumatalakay sa katotoohan sa lipunan. Karaniwan nitong

pinapaksa ang kalagayan ng nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon, katiwalian, kahirapan at

diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno. Sumasalamin ang tatlong

maikling kwento na “Sa Mabangis na Lungsod,” “Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel,” at “Sa

Bagong Paraiso,” sa teoryang realism dahil nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o

realidad ng buhay.

You might also like