Minyeljh

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

a. Para kanino partikular ang tulang ito?

(15 puntos)

Ang tula ay para sa mga taong intelektuwal na walang pakialam sa pulitika sa bansa, makikita ito sa
pamagat pa lamang tulang ito. Pinapatungkulan nito ang mga taong may mataas na pinag-aralan at
may pribelehiyong makapagsalita ngunit hindi ginagamit ang kanilang oportunidad upang umaksyon
para sa ikabubuti ng mga mamamayan at ng bansa dahil mas pinagtutuunan nila ng pansin ang
ikauunlad ay ikabubuti ng kanilang sarili.

b. Anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa akda? Ipaliwanag ang sagot. (10 puntos)

Ang teoryang ginamit sa akda ay ang Teoryang Realismo. Ito ay dahil pinapalutang ng may-akda ang
katotohanang nangyayari sa lipunan. Sinasalamin ng akda na ito ang realidad, na sadyang may mga
taong may pribelehiyo na mapaunlad ang bansa ngunit hindi nila ito ginagamit. May mga taong
sadyang pinapahalagahan ang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng mga kababayan, at
maraming taong ganito. Malamang ay napansin ito ng may-akda kaya siya nakagawa ng isang tulang
tulad nito.

c. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng tulang ito? (10 puntos)

Ang layunin ng may-akda sa tula ay mamulat ang mga taong intelektuwal na walang pakialam sa
pulitika na balang araw ay babalik sakanila ang kapalit ng kawalan nila ng pagmamalasakit sa bansa.
Maaari rin itong magsilbing daan upang mapagtanto ng mga tao na importante na umaksyon kung
may kakayahan, sapagkat kung hindi, balang araw ay maniningil ang masa sa sa mga ignoranteng
tao na mayroon namang oportunidad. Layunin din nito na paalahanan ang mga taong papunta
palang sa pagiging intelektuwal na gawin ang kanilang responsibilidad sa bayan.

d. Magbigay ng 3 katotohanan sa akda na nakikita mo sa ating kasalukuyang lipunan? (5 puntos


bawat isa)

d.1.

Isa sa mga nakita ko ay mayroon talagang mga taong mayroong mataas na pinag-aralan ngunit puro
pagpapaunlad ng sarili ang inuuna. Sa kanilang palagay ay ayos na yung pagmamalaki nila sa mga
akademidong pinag-aralan nila, akala nila ay mataas na ang tingin sa kanila ng tao dahil dito. Lingid
sa kanilang kaalaman ay mayroon silang mas malawak na tungkulin kaysa sa propesyon na kanilang
tinatahak, iyon ay ang tungkulin sa bayan. Duwag sila na ilaban ang mga nakikitang pagkakamali sa
paligid.

d.2.
Nakikita ko rin na may mga taong nasa mataas na posisyon, kung minsan ay isa pa sa mga
namumuno sa bansa na inuuna ang pagpapasarap sa buhay kaysa sa kanilang mga gampanin sa
trabaho. Kabilang na dito ang mga intelektuwal na nagagawa pang magnakaw sa kaban ng bayan
para lang mas mapabuti pa ang kanilang katayuan sa buhay. Inaabuso nila ang kapangyarihang
binibigay sakanila ng masa.

d.3.

Nakikita ko rin na may mga pangyayari rin kung saan ang mga taong matataas at intelektuwal ay
walang pakialam sa mga manggagawang Pilipino na talaga namang dahilan kung bakit lalong
sumasarap ang kanilang buhay. Ang mga manggagawa ang dahilan kung bakit sila mayroong
nakakain, nasusuot at natitirhang bahay. Hindi nila binibigyan ng halaga ang karapatan ng mga ito
dahil mababa ang kanilang tingin sa mga taong ito. Balang araw ay mamumulat ang mga
manggagawa sa katotohanang sila ang isa sa bumubuhay sa mga taong ito.

a. Maituturing bang panitikan ang artikulong ito sa darating na panahon? (5 puntos)

Sa aking palagay ay oo, maituturing itong panitikan sa darating na panahon. Dahil inilalarawan ng
artikulong ito ang ilan sa naging kultura ng ating bansa habang nangyayari ang isa sa pinakamalalang
pandemya na kumalat sa ating bansa at pawing mga katotohanan ang ininasaad ng mag akda dito.
Isa rin ang panitikang ito upang malaman ang identidad ng ating bansa sa panahon ng mga ganitong
suliranin. Isa pang dahilan ay dahil repleksyon ito ng kalagayan at mga karanasan sa lipunan ng
Pilipinas na maaaring maging kasaysayan sa mga darating na panahon.

b. Ano ang layunin ng artikulong ito sa panahon ng pandemya? (5 puntos)

Maaaring isa sa layunin ng artikulong ito ay ang magbigay ng kaalaman sa mga Pilipino tungkol sa
lenggwahe na lumalaganap ngayong panahon ng pandemya, upang maging pamilyar ang mga tao sa
iba’t ibang acronym at terminolohiyang inilalabas ng gobyerno para na rin hindi magmukhang
mangmang ang mga tao. Isa ring layunin nito na mamulat ang Pilipino na isa sa nagpapahirap sa pag-
unawa ng mga to sa sitwasyon ay ang mga terminolohiya na ginagamit ng gobyerno, hinihikayat rin
nito ang mga tao na makiisa sa protesta na gagawin upang maipaglaban ang iba’t ibang isyu.

c. Bakit kaya puro alphabet soup ang ginagamit na termino ng pamahalaan sa mga salita
ngayong panahon ng pandemya? (5 puntos)

Sa aking palagay, kaya puro alphabet soup ang ginamit ng pamahalaan dahil akala nila ay mas
mapapadali ang pag-intindi at pagtanda ng tao dito dahil nga ito ay maikli at iilang letra lamang, ang
hindi nila alam ay mas naging komplikado ito at nakakalito. Sana ay gumamit nalang sila ng
terminong mas maiintindihan ng masa at ng karamihan kaysa sa paggamit ng mga jargons. Sa isang
banda, maaari ring ginamit ito ng pamahalaan para talaga malito ang mga tao dahil nga hindi
makamasa ang terminolohiyang ito at maikubli ang pagkakamali na kanilang mga nagagawa sa
sitwasyong ito.

d. Paano sumasalalim ang mga terminolohiya tulad ng PUI (Person Under Investigation) at
“Suspected” sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino? (10 puntos)
Ang mga terminolohiya tulad ng dalawang nabanggit ay kadalasang pinagkakalituhan ng mga tao
kung alin ng aba ang nararapat gamitin sa mga sitwasyon na kanilang pinapatungkulan. Ito ay
sumasailalim sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino sa pamamagitan ng kailangang maging
edukado at manaliksik ang mga Pilipino upang lubos na maintindihan ang mga salitang ito, nang sa
ganon ay hindi magmukhang mangmang sa mga komplikadong terminolohiyang ito na talaga
namang nakakalito.

a. Sino si Sandali? (10 puntos)

Si Sandali ay ang kathang-isip na kaibigan, iniibig, at kaaway ng persona sa kwento ayos sa kanyang
pagkakalarawan dito. Ito ang madalas na kasama niya dahil siya ay namumuhay na mag-isa, kasama
niya rin to sa kalungkutan. Binanggit niya rin na palagi siyang binibisita ni Sandali at ito ang bisitang
hindi niya mataboy-taboy. Pinakilala niya rin si Sandali bilang kanyang kasiping na hindi naman sya
nahahawakan sapagkat imahinasyon lamang ito.

b. Ano ang sinisimbolo ni Sandali sa kuwento? (10 puntos

Ang sinisimbolo ni Sandali sa kuwento ay oras o panahon ng paglaya ng persona sa mga pamantayan
na mayroon ang lipunan ukol sa pagiging isang babae, kapag si Sandali ang kanyang kasama ay tila ba
mayroon syang sariling mundo. Ito ang ninanais niyang mundo na malaya at walang mabibigat na
obligasyon na kaakibat ng pagiging isang babae, tulad ng obligasyon sa pamilya. Isa pang maaaring
sinisimbolo ni Sandali ay ang kababaihan mismo, dahil nabanggit sa maikling kwento na gusto ng
persona na makapaglakbay at makalaya tulad ni Sandali, tila ba sinisimbolo ni Sandali ang kanyang
mga nais at pinapangarap.

c. Anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa akda? (5 puntos)

Ang teoryang pampanitikan na ginamit sa akda ay Teoryang Feminismo. Dahil sinasalamin ng akdang
ito ang pagkatali ng kababaihan sa lipunang kanyang ginagalawan at pati na rin ang mga bagay na
inaasahan ng lipunan sa isang kababaihan. Inilarawan din dito ang nakasanayang esensya ng
pagiging isang babae ayon sa paligid. Naipakita dito ang Feminismo dahil nais ng persona na
kumawala sa mga tradisyonal na pamantayan na tinataglay dapat ang isang babae sa lipunan, nais
din nyang wasakin ang paniniwala ng karamihan sa konsepto ng esensya ng isang babae.

You might also like