Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department Of Education
Regional Office No. VIII
Division of Northern Samar
San Roque District
San Roque

ACTIVITY SHEET NO.1


WEEK 1
MELC 1.1: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na
kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. (EsP8PBIa-1.1)
Simulan MO!
Bilang isang Pilipino tayo ay nararapat lamang na magkaroon ng
magandang asal na kakakitaan o kapupulutan ng aral o may positibong
impluwensiya sa sarili at sa kapwa.
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga sumusunod na pahayag na nagpapakita o
kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. At Ekis ( X )kung eto
ay hindi napapakita ng mabuting impluwensya sa sarili o kapupulutan ng
mabuting aral.
_______ 1. Nagsisimba bawat linggo ang buong pamilya.
_______ 2. Sabay-sabay na kumakain sa hapag kainan ang buong pamilya.
_______ 3. Tumutulong sa gawaing bahay ang bawat kasapi ng pamilya.
_______ 4. Hindi humihingi ng permiso ang mga anak kung sila ay may
pupuntahan.
_______ 5. May pagpapahalaga ang bawat isa sa damdamin ng bawat miyembro ng
pamilya.
_______ 6. Pagnanakaw sa gamit ng iba.
_______7. Pagtanggap sa opinyon ng iba.
_______8. Pagpapakita ng respeto sa kapwa.
_______9. Kakikitaan ng pagpapahalaga sa kapakanan ng iba.
_______ 10. May paninindigan sa sarili at kakikitaan ng disiplina.

Alam Mo Ba?
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw na interes
na pag-usapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man o hindi.Ano nga ba
ang Pamilya? Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing
institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki
at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal-
kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay,
magtutulungan sap ag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga
anak. Ayon rin sa kanya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng
positibong aspekto ng pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng kawanggawa,
kabutihang loob, at paggalang at pagsunod.
Maaaring patuloy na nagkakaroon ng ebolsyon sa kahulugan ng pamilya
ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon. Bakit nga
ba?Basahin mo at unawain ang pitong mahahalagang dahilan:
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung
saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa
ugnayan.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang
pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta nito dahil sa gampanin
nitong magbigay buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang
buhay (the first and irreplaceable school of social life)
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
mabuting pagpapasiya, at paghubog ng pananampalataya.

Magtulungan Tayo!
Batay sa inyong nabasa sa itaas, sagutin ang sumusunod na katanungan kung
inyong naunawaan ang inyong binasa.
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit?
2. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag.
4. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong
gampanan ang panlipunan at pampolitikal na tungkulin nito?
5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya?Ipaliwanag.

Magagawa MO!
Paggawa ng Sanaysay.
Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan
ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili. ( Limang Puntos)

Inihanda nina:
Airose T. Lagrimas
Maria Rosario E. Guda
Bantayan NHS EsP Teachers

You might also like