Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN

Filipino 9

PLANO NG PAGKATUTO
Ika-26 ng Nobyembre, 2019

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang mga uri ng pang-abay
B. Nalalaman ang ugnayan ng mga pang-abay sa araw-araw na
pamumuhay
C. Nagagamit nang angkop at tama ang pang-abay sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga pangungusap.

II. Paksang-aralin
A. Mga uri ng pang-abay
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon 9, p. 395-296
C. Mga kagamitan: Powepoint presentation, projector, stickers

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid

B. Pagganyak
Suriing mabuti ang mga pangungusap. Punan ang patlang ng angkop
na salita/parirala mula sa kahon.
1. Nakilahok nang ________ ang mga manlalaro galing sa South East
Asia para sa 30th SEA Games na gaganapin sa Pilipinas.
2. Ayon sa balita, umabot ____ ng ______ ang pagpapagawa ng
Cauldron sa New Clark Stadium.
3. Para hindi magutom, namili na lamang ang mga coach ng tubig at
pagkain _______ kanilang mga manlalaro.
4. _______ magigiging matagumpay ang dadausing palaro _____
makikiisa lahat ng mga nag-ayos nito.
5. Nagkansela ____ Sabado ang Thailand ng football practice
_______ naipit sa trapiko.
6. _______ pa rin handa ang ilang pagdadausan ng mga palaro para
sa SEA games 2019 na isasagawa sa _______.
7. _________ ang mamamayang Pilipino kung talaga bang naging
maayos ang paghahanda para sa gaganaping palaro.
Hindi 50 milyong piso

Rizal Memorial Stadium Manila Kung

Para sa Noong

Masigasig Dahil Tunay na

Raw Hindi sigurado

C. Pagtalakay
Balikan ang mga nabuong pangungusap at mga pariralang nakalap.
 Nakilahok nang masigasig ang mga manlalaro galing sa South
East Asia para sa 30th SEA Games na gaganapin sa Pilipinas.
 Ayon sa balita, umabot raw ng 50 milyong piso ang
pagpapagawa ng Cauldron sa New Clark Stadium.
 Para hindi magutom, namili na lamang ang mga coach ng tubig
at pagkain para sa kanilang mga manlalaro.
 Tunay na magigiging matagumpay ang dadausing palaro kung
makikiisa lahat ng mga nag-ayos nito.
 Nagkansela noong Sabado ang Thailand ng football practice
dahil naipit sa trapiko.
 Hindi pa rin handa ang ilang pagdadausan ng mga palaro para
sa SEA games 2019 na isasagawa sa Rizal Memorial Stadium
Manila.
 Hindi sigurado ang mamamayang Pilipino kung talaga bang
naging maayos ang paghahanda para sa gaganaping palaro.

PANG-ABAY: mga salitang nagbibigay turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa


pang-abay. Mayroon itong 11 uri.

-Nagkansela noong Sabado ang Thailand ng football practice dahil naipit sa trapiko.

PAMANAHON- Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng


pandiwa. Sumasagot sa tanong na kailan.
Halimbawa: Dumating kahapon ang mga kalahok para sa gaganaping palaro.
Magkikita kami bukas para sa aming gagawin proyekto sa paaralan.

-Hindi pa rin handa ang ilang pagdadausan ng mga palaro para sa SEA games 2019
na isasagawa sa Rizal Memorial Stadium Manila.

PANLUNAN- Nagsasaad ng pook, lunan, o lugar na pinangyayarihan ng kilos.


Sumasagot sa tanong na saan at nasaan.
Halimbawa: Sa bulwagan gaganapin ang pagdiriwang ng buwan ng wika.
Mamamasyal kami bukas ng aking mga kaibigan sa mall.
-Nakilahok nang masigasig ang mga manlalaro galing sa South East Asia para sa
30th SEA Games na gaganapin sa Pilipinas.

PAMARAAN- Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa


tanong na paano.
Halimbawa: Kinamayan niya nang mahigpit ang mga panauhing pandangal
bilang pagpapakita ng paggalang.
Tumakbo nang mabilis ang mga kalahok sa palaro ngayong taon.

-Hindi sigurado ang mamamayang Pilipino kung talaga bang naging maayos ang
paghahanda para sa gaganaping palaro.

PANG-AGAM- Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.


Halimbawa: Marahil na naging hindi handa ang mga dadalo sa paligsahan.
Nahirapan siguro siya sa pagsagot ng pagsusulit kaya mababa ang nakuha
niyang marka.

-Ayon sa balita, umabot raw ng 50 milyong piso ang pagpapagawa ng Cauldron sa


New Clark Stadium.

INGKLITIK- Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang


salita sa pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at raw/daw.
Halimbawa: Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang na gaganapin sa
bansa.
Katahimikan lamang ang gusto niya upang makapagpahinga pagkatapos ng
nakakapagod na araw.

- Para hindi magutom, namili na lamang ang mga coach ng tubig at pagkain para sa
kanilang mga manlalaro.

BENEPAKTIBO- Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para


sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng
para sa.
Halimbawa: Nagbigay siya ng malaking donasyon para sa mga nasalanta ng
bagyo.
Nagdasal siya nang taimtim para sa kaligtasan ng kanyang ina na papuntang
Dubai.

-Nagkansela noong Sabado ang Thailand ng football practice dahil naipit sa trapiko.

KAWSATIBO: Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan


ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito ay makikilala sa parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa: Sobrang bagal ng trapiko dahil sa ginagawang nasirang daan.
Nahirapan siyang sumagot sa pagsusulit dahil hindi siya nakatulog ng
maayos kagabi.
-Tunay na magigiging matagumpay ang dadausing palaro kung makikiisa lahat ng
mga nag-ayos nito.

KONDISYUNAL- Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang


kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang
pinangungunahan ng kung, kapag/’pag, at pagka.
Halimbawa: Maraming turista ang pupunta sa ating bansa kung magiging mas
malinis ang ating paligid.
Ibalik mo sa akin ang bag ko kapag nakita mo na ito.

-Tunay na magigiging matagumpay ang dadausing palaro kung makikiisa lahat ng


mga nag-ayos nito.

PANANG-AYON- Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang


mga halimbawa nito ay oo, opo, tunay, talaga, totoo. sadya, at iba pa.
Halimbawa: Tunay na maraming pinagkukunang yaman ang Pilipinas.
Sadyang napakabuti talaga ng mga taong handing tumulong sa oras ng
pangangailangan.

-Hindi pa rin handa ang ilang pagdadausan ng mga palaro para sa SEA games 2019
na isasagawa sa Rizal Memorial Stadium Manila.

PANANGGI- Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi,


tulad ng hindi/di at ayaw.
Halimbawa: Ayaw niya na nawawalay sa kanyang ama.
Hindi magiging mayaman ang ating bansa kung patuloy tayong lolokohin ng
mga nasa pamahalaan.

-Ayon sa balita, umabot raw ng 50 milyong piso ang pagpapagawa ng Cauldron sa


New Clark Stadium.

PANGGAANO- Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o timbang.


Halimbawa: Umabot ng tatlong taon ang pagpapaayos ng tulay sa amin.
Tumaas siya ng dalawang puntos mula sa kanyang nakaraang grado.

D. Paglalahat
Basahin at suriin ang mga pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng
pang-abay ang nakasalungguhit.

1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng


Sandiganbayan.
2. Sadyang masipag ang kanyang mga naging kaibigan.
3. Kumain muna siya bago siya umalis ng bahay.
4. Tuwing mayo ay pumupunta kami sa baguio para magbakasyon.
5. Nag-aaral siya ng mabuti para sa kanyang pamilya.
E. Paglalapat
Tweet mo!
Gamit ang ibibigay na papel ng guro, bumuo ng isang tweet ng bagay
na ginawa mo sa isang buong linggo. Salungguhitan ang mga pang-
abay ginamit at tukuyin kung anong pang-abay ito.

F. Pagtataya
Bumuo ng isang maikling pahayag gamit ang mga uri ng pang-abay.
Bumuo ng 4-6 na pangungusap
PANGKAT 1: SEA Games 2019
PANGKAT 2: Vape Ban

You might also like