Pulong Isla Verde

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pulong Isla Verde

Kung kayo’y nasa laot kapag maliwanag ang sikat ng araw, makikita ninyo ang isang napakarikit
na pulong tila nakalutang sa gitna ng dagat. Ito ay Isla Verde na matatagpuan sa pagitan ng
Batangas at Mindoro. Maluningning ang kulay ng mga luntiang kahoy at mga pananim doon.
Kapag tinanaw buhat sa malayo ay maitatanong sa sarili: “Paano kaya nagkaroon ng pulo sa
gitna ng dagat?” Maraming mangingisda at mga naglalayag sa banda roon ang natatakot pagsapit
nila sa tapat ng pulong ito sapagkat maraming kababalaghang nagaganap.

Sa pulo’y maraming lumalabas na hayop na kakatawa ang anyo. Sinuman ang pumansin o
pumuna o bumati sakanilang kakatawang kilos ay pinaparusahan. Ang nagpaparusa ay
nakakatulad ng mangkukulam. Sila ay gumagawa ng paraya o pahabol. Ang pumuna ay
nasusuka. Kung mabisa ang paraya, ang pinarurusahan ay nararatay sa banig ng karamdaman.
Kung paano nagsimula ang paraya ay matutunghayan sa huling bahagi ng kuwento.

Noon daw bago dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas, sa isang yungib ng Bulkang Halkon na
nasa tagiliran ng Caiapan ay may nakatirang isang ermitanyo. Ang ermitanyo ay tahimik na
nabubuhay na nag-iisa.

Sa bukid na nasa malapit ng yungib (ngayo’y bayan ng Calapan) ay may isang magbubukid na
may isang anak na lalaking ang pangala’y Ido.

Si Ido mula’t sapul ay malikot. May ugaling naiiba sa kanyang mga kapuwa bata. Ito ang dahilan
kung bakit lagi siyang kinagagalitan ng kanyang mga magulang. Siya ay ayaw sumunod sa mga
iniuutos sa kanya.
Isang araw, inutusan siyang magpastol ng kalabaw. Hindi siya tumupad sa utos ng ama. Sa halip,
nagtungo sa gubat upang manghuli ng ibon sa pamamagitan ng tirador. Sa kalalakad hindi niya
namalayan na nakarating na pala siya sa puso ng gubat. Nang siya ay tumingala, ang araw ay
nakahilig na sa kanluran.

Dali-daling nagbalik si Ido. Bumagtas siya sa kung saang bagnos na hindi niya alam. Siya’y
nagtatakbo. Nang lumabas ng kahuyanay dulo na pala iyon ng bundok sa baybay-dagat.
Nanalunton siya sa tabing bundok na buhanginan.

Nang lumiko sa dulo ng bundok na nakaharap sa dagat, napansin niyang may malaking lungga
roon. Tumigil ng paglakad si Ido. Mahiwaga ang nakita niyang kuweba.”Mahiwaga ito,” ang
bulong sa sarili, “malinis ang bunganga at madaling pasukin.”

Hapay na ang araw sa libis ng bundok. Subalit sa kanyang malas ay maliwanag pa rin ang loob
ng yungib. Pinasok ni Ido ang kuweba. Nilingap ang paligid bago nagtuloy. Dahan-dahan ang
kanyang paglakad. Kinikilabutan siya. Naninindig ang kanyang balahibo. Kinakabahan habang
pumapasok. Nagtuloy upang siyasatin ang loob ng yungib.

Sa di-kawasa, nang makapasok ng mga ilang metro, bigla siyang nagtaka sa kanyang namalas!
Isang matandang himbing na himbing ang nakahiga sa papag. Unat na unat sa pagkakahiga at
ang mahabang balbas ay nakalaylay sa dibdib. Naisaloob niyang ermitanyo ang matandang iyon.
Sa papag ng kinahihigaan ng matanda, sa gawing ulunan niya ay kalapit ang isang supot. Biglang
may tuksong gumuhit sa isip ni Ido. Patingkayad na inaninaw ang napapaloob sa supot.

Maingat niyang dinampot ang supot at pagdaka’y nagmamadaling lumabas. Sa pagmamadali


siya’y natalisod. Ito’y lumalang ng ingay. Kumalansing ang laman ng supot. Nagising ang
matanda. Nakita niyang itinakas ng bata ang kanyang supot. Nagbalikwas at hinabol ang
magnanakaw.

Natakot si Ido nang masulyapang tinutugis siyang matanda. Naisip niyang ipamulsa ang mga
ginto upang makatakbo nang mabilis. Lalong pinag-ibayo ng matanda ang paghabol. Sinikap
niyang mabawi ang kanyang mga ginto. Nang inaakala ni Ido na aabutan siya, binitiwan niya ang
tangang supot. Tumigil ang matanda sa pagtugis. Sinunggaban agad ang supot. Ngunit nang
kapkapin ay wala na ang mga laman nito!

Napahinagpis ang matanda. Hinagilap niya ang supot at nang nakakita siya ng kapirasong ginto
ay ubos-lakas na ipinukol sa batang mabilis na tumakbo. Hindi tinamaan si Ido. Lumampas iyon
at bumu-lusok sa gitna ng dagat. Patuloy sa pagtakbo ang bata hanggang sa nawala sa paningin
ng matandang nagpupuyos sa galit.

Kinabukasan, sa gitna ng dagat ay nakita ni Ido at iba pang miron na may sumipot na pulo roon.
Ipinalagay niyang yaon ang gintong ipinukol sa kanya ng matandang ermitanyo.

Mula noon ang ermitanyo ay nanirahan at nag-alaga ng maraming hayop sa isla. Ipinag-utos niya
sa kanyang mga sakop at katulong na parusahan sa pamamagitan ng paraya ang bawa’t taong
bumati sa kanila.
Upang hindi pagnasaan ng ibang tao ang kanyang ari-arian ay pinararayaan ang sinumang
matuwa o bumati sa mga ito.

Hindi naglaon, dumating ang mga Kastila. Natuklasan nilang sagana sa luntiang mga kahoy at
pananim ang pulong iyon, kaya’t pinangalanang Isla Verde. Hanggang sa panahong ito ay Isla
Verde pa rin ang nananatiling pangalan ng pulong nabanggit.

You might also like