Quitclaim-Nelson Zorilla

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

MAKATI CITY ) S.S.

RELEASE, WAIVER AND QUITCLAIM

Ako si ____________________, nasa hustong gulang at nakatira sa


______________________________________________________, ay
kumikilala na naaayon sa batas at nagpapatunay na:

1. Bilang katumbas at pagpapahalaga sa halagang


__________________________ (Php________________) na aking
tinanggap mula sa SAULOG AND DE LEON LAW OFFICES na may
address sa 88 Corporate Center, 141 Valero corner Sedeño Streets, Salcedo
Village, Makati City (“SDL Law Offices”), bilang aking natitirang sahod,
benepisyo at anumang bayaran, aking pinalalaya, winawaksi at
pinawawalang-bisa ngayon at magpakailanman ang anumang karapatan,
paghahabol, paniningil para sa pinsala at anumang pagkilos, sakali mang
nasa batas, na ako o ang aking mga tagapag-mana ay nagkaroon,
kasalukuyang mayroon o maaaring magkaroon sa hinaharap, laban sa SDL
Law Offices at sa mga partner, tagapamahala, kawani, ahente, empleyado, at
iba pang kumakatawan sa SDL Law Offices na may kinalaman sa aking
pagtatrabaho sa nasabing opisina.

2. Ang dokumentong ito ay nagpapatunay din sa kusang-loob at


malaya kong pagpapalaya, ngayon at magpakailanman, sa SDL Law Offices,
sa mga partner, tagapamahala, kawani, ahente, empleyado, at iba pang
kinatawan nito ukol sa anumang pananagutan na maaaring magmula o may
kinalaman sa aking pagtatrabaho sa nasabing opisina. Ang dokumentong ito
rin ay nagpapatunay na hindi ako maghahabla o maghahabol sa SDL Law
Offices patungkol sa anumang bagay na may kinalaman sa aking
pagtratrabaho kung saan ako ay kusang umalis sa SDL Law Offices nang
ako ay nagsumite ng voluntary resignation letter noong
____________________.

3. Bilang pagwawakas, aking ipinapahayag na aking nabasa at


naunawaan ang lahat ng nilalaman ng dokumentong ito at ang pagpapalaya,
pagbibitiw at pagwawaksi ng karapatan ay aking kusang-loob at malayang
ibinibigay sa SDL Law Offices gabay ng aking kabuuang kaalaman ukol sa
aking mga karapatan sa ilalim ng batas.

1
Bilang patunay sa lahat ng ito, aking nilagdaan ang dokumentong ito
ngayong ika-_______________dito sa Lungsod ng Makati.

NELSON S. ZORILLA

Mga Saksi:

_____________________ ______________________

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-


______________ dito sa Lungsod ng Makati.

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this ____________ at


Makati City, with affiant exhibiting to me his _________________ as
evidence of identity.

Doc. No. _____; NOTARY PUBLIC


Page No. _____;
Book No. _____;
Series of 2019.

You might also like