Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY


General Tinio Street Campus
College of Engineering

“KATANGGAPAN NG WIKANG FILIPINO BILANG

MEDIYUM NG PAGTUTURO SA LARANGAN NG

EDUKASYON”

Isang pananaliksik na iniharap kay Gng, Purificacion Villareal

Mga mananaliksik:

Lim, Kyla Nicole R.

Lagliva, Limuel P.

Miranda, Jewel P.

Mapula, William P.

Hernandez, Shawn Joel DC.

Molina, Mark Angelo S.

Martinez, Toby M.

Liwag, Jay-em M.

Igarta, Charlie D.

Valenzuela, Jet Patrick E.

1|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Taos pusong ipinapaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte o bahagi ng aming pag-aaral

para sa walang humpay na suporta at kontribusyon upang maisagawa ng maayos, maging epektibo at maging

tagumpay na pananaliksik ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:

Kay Gng. Purificacion Villareal, ang amming guro na siyang gumabay at nagpalawig ng aming

pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at pagtulong sa amin sa pamamagitan

ng pagtama ng aming mga mali habang isinasagawa namin ang pananaliksik na ito. Kung hindi dahil sa inyo ay

walang kalidad na pananaliksik ang aming magagawa.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasing na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa

aming kwestyoner, at sa pagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito,

maraming salamat po sa inyong hindi matawarang kabaitan sa pagtugon sa mga katanungan.

Sa aming mga magulang na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa aming mga

pangangailangan, maraming salamat po sainyo.

At higit sa lahat,kami po ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal na pumaptnubay sa bawat

hakbang na aming isinasagawa mula sa pangangalap ng datos hanggang sa ito ay matapos. Kami po ay

nagpapasalamat sa Inyo sa pagbibigay sa aming grupo ng sapat na kaalaman, lakas na loob at determinasyon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga mananaliksik
2|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT i

PASASALAMAT ii

DEDIKASYON iv

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT SANLINGAN NITO

Panimula 5

Pagpapahayag ng suliranin 6

Layunin at Kahalagahan ng pag-aaral 7

Batayang konseptwal o Paradaym 8

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 8

Pagbibigay-kahulugan sa mga Katawagan o terminolohiya 10

2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Literatura sa Ibang bansa 11

Literatura sa Pilipinas 11

Pag-aaral sa Ibang Bansa 12

Pag-aaral sa Pilipinas 13

3 METODOLOHIYA

Sampling Design 14

Research design

Pangongolekta ng Datos
3|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pag-aanalisa ng Datos

4 Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik 15

5 Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom 19

Konklusyon 19

Rekomendasyon 20

MGA DAHONG DAGDAG O APENDIKS 21

RESUME NG MANANALIKSIK 23

4|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Kabanata I:

Ang Suliran at Salingan Nito


1.1 INTRODUKSYON

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng dukasyon.

Matatalakay dito ang suliranin at katanggapan ng mga mga mag-aaral sa wikang Filipino dahil sa mas

napapadaling paggamit ng banyagang wikang Ingles sa mga asignatura. At dahil nga sa madalas na nagagamit

ang wikang ito, mahinang pag-intindi naman sa sariling wika ang kapalit nito o mababang uri ng pag-iintindi

ang nagiging kapalit nito. Ang wikang panturo ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa

pangkalahatan ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wikang panturo sa paaralan ngunit matagal na itong isyu

sa larangan ng edukasyon sa kung ano ang mas dapat gamitin sa pagtuturo sa paaralan. Mayroong nagsasabing

wikang Filipino ang mas dapat gamitin dahil mas naiintindihan ito ng mga mag-aaral ngunit sa kabilang banda,

mayroon ding nagsasabing mas dapat gamitin ang wikang Ingles upang mas mahasa ang paggamit nito at ito

ang universal language ng mundo.

5|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

1.2 PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

 Mas nakasanayan na gamitin ang wikang Ingles kaysa Filipino kahit sa mga simpleng pang araw-araw

na pakikisalamuha sa buhay.

 Pumapangalawa na ang wikang Filipino sa wikang Ingles

 Mas maraming natutunan na mga salitang Ingles kaysa Filipino

 Habang tumatagal, bumababa ang pag-unawa sa wikang Filipino

 Madalas nabubuo ang salitang ‘Taglish´

 Nauudlot ang tuluyang paglawak ng wikang Filipino.

1.3 LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pagbubuo ng aking pananaliksik, isinasaalang-alang namin ang mga sumusunod na mga layunin:

1. Matalakay ang mga kadahilanan sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang asignatura.

6|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

2. Matukoy kung kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng mga asignatura.

3. Malaman kung mas epektibo ang paggamit ng sarililng wika sa pagtuturo.

1.3 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi lamang mga estudyante kundi lahat

ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang sariling wika. Malaki ang mabebenipisyo ng aking pananaliksik sa

mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at sa lahat.

Mapapakita at mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto at mabuting naidudulotng paggamit ng

sariling wika sa pag-aaral. Sa panahon ngayon mas nabibigyan importansya ng mga kabataan ang wikang Ingles

at sadyang napapabayaaan na ang sariling wika, pumapangalawa na lamang ang wikang Filipino sa wikang

Ingles. Makakatulong ito sa mga magulang sa paraang magkakaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol sa

pagtuturo ng mga salita gamit ang ating sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling matututo ang mga bata

atpara sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa ating wika.

Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang dapat gamitin sa pagtuturo. Mas

makakatulong sa pag-iisip ng estratehiya ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante angkanilang

pinag-aaralan sa kanilang leksyon.

7|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilang maintindihan na hindi sunod sunod na paggamit ng

wikang Ingles ang solusyon sa mabuting pag-aaral. Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-

araw-araw na pakikisalamuha sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng salitang Ingles sa

pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita sa wikang Ingles ay hindi minamasama dito,

maaari rin naman itong gamitin at may sariling importansya rin ito, ngunit hindi kinakailangan na lagi it

ogamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang wika natinang Filipino.

8|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

1.4 BATAYANG KONSEPTUWAL O PARADAYM

INPUT PROSESO AWTPUT

Nais ng mga mananaliksik na Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga mananaliksik


malaman ang mabisang mamahagi ng mga nasabi ; sa pag-aaral na ito na matukoy an
estratehiya ng pagtuturo ng mabisang estratehiya sa pagtuturo
Filipino sa kolohiyo. Nagagawa Kwestyuner sa mga mag-aaral ng ng Filipino tungo sa mabili na
ang mga mananaliksik ng kolehiyo, upang makakalap ng pagkaturo ng mga mag-aaral sa
paglilimbag ng kwestyuner na mga impormasyon o datos hinggil kolehiyo.
naglalaman ng mga katanungan sa paksang tinatalakay.
hinggil sa paksang pinag-aralan.

1.5 SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang nilalaman ng aming pag-aaral ay tungkol sa mga saloobin ng mga mag-aaral kung ano ang

mas epektibo sa pag-aaral , Ingles o ang sarili nating wika. Ipakikita rin ang mga negatibo at positibong epekto

ng paggamit ng filipino sa mga asignatura. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at limitado lamang sa

epektibong paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo para sa mga mag-aaral at hindi sa iba

pang salikna maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral. Ang mga respondente ay magmumula lamang sa mga

mag-aaral ng Unang baitang ng Kolehiyo ng Nueva Ecija University of Science and Technology 2019-2020.

9|Page
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

1.6 Pagbibigay-kahulugan sa mga Katawagan o Terminolihiya

Universal language tumutukoy sa wikang isinasalita at naiintindihan nakararaming parte ng populasyon ng

mundo

Midyum ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe.

Multilingguwal kakayahang magsalita ng maraming salita.

Bilingguwal taong marunong at bihasa sa pagsasalita ng dalawang wika.

Wikang Panturo wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob

ng silid-aralan.

10 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

KABANATA II:

MGA KAUGNAY NA LITERATURA


2.1 Lokal na Literatura

Inilahad ni Arao (2010), isang propesor sa Department of Journalism ng College of Mass

Communication sa Unibersidad ng Pilipinas, na ang mga estudyante’y mas komportableng gamitin ang wikang

kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa pakikipag-usap sa magulang, mga kapatid, kalaro at iba pang

kakilala. Ito’y sa kadahilanang nasa dugo ang pagiging Pilipino, ang wikang Filipino’y natural na bahagi ng

katauhan ng bawat Pilipino. Wikang Filipino ang kinagisnang wika at ito rin ang gamit sa pakikipagtalastasan

sa pang-araw-araw kaya hindi hamak na mas bihasa ang mga mag-aaral sa paggamit nitong wika at mas

nakakaunawa sila kung sariling wika ang gamit at hindi ang wikang banyaga.

Noong taong 2003, inilabas ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang E.O. 210 na naglalayong palakasin

ang wikang Ingles bilang ikalawang wika ng Pilipino. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit noong mga

nagdaang taon, isinulong ng isang mambabatas ang pagtatag sa Ingles bilang tanging midyum ng instruksyon.

Ayon sa “English bill” na inakda ni Rep. Eduardo Gullas; mali ang sistema ng edukasyon at ito raw ay

nangangailangan ng wikang dinamiko tulad ng Ingles.

2.2 Banyagang Literatura

Ayon kila Arnold, Bartlett, Gowani, at Merali (2006), maraming sistemang pang-edukasyon sa buong

mundo na ipinipilit ang ekslusibong paggamit ng isa o ilang pribilehiyong mga wika kahit na nangangahulugan

itong pagliban sa iba pang wika na sanay nang sinasalita ng mga bata. Tinutuon ng sistemang pang-edukasyon

11 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

ang paggamit at paghasa ng isa o iilang mga wika na hindi isinasaalang-alang ang pang-unawa ng mga mag-

aaral.

Ang UNESCO ay hinihikayat ang paggamit ng mother tongue instruction sa primaryang edukasyon

simula pa noong 1953 dahil simula’t sapul, ito’y may kapakinabangang maidudulot sa edukasyon: Ayon kay

Kosonen (2005), ang mga bata ay mas magiging produktibo sa paaralan; Batay kay Hovens (2002) at sa

UNESCO Bangkok (2005) ang mga bata sa mga probinsya na hindi gaanong gamay ang dominanteng wika ay

mas lumalagi sa paaralan at mas madalang na umulit ng baitang ng pag-aaral; at ayon kila Bialystok (2001),

Cummins (2000), King & Mackey (2007), ang mga bata sa multilingual education ay mas umuunlad sa

thinking skills kumpara sa mga monolingguwal.

2.3 Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Nolasco (2010) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng Pilipinas, sa cognitive aspect ng

mental development ng mga bata, mas nagiging pahirap ang pag-aaral gamit ang wikang Ingles. Halimbawa,

ang isang estudyante sa Maynila na malamang ay pinalaki sa wikang Tagalog, ay siguradong malilito sa pag-

aaral gamit ang wikang Ingles. Lalo itong naging mas mahirap sa batang hindi-Tagalog ang unang lingguwahe;

mahirap pagsabayin ang Filipino at Ingles ng estudyante kung rehiyonal na dayalekto (tulad ng Cebuano,

Hiligaynon, Maranao, o iba pa) ang ikinalakihan niya sa bahay.

Noong nakaraang taon lamang inaprubahan ang aktuwal na paggamit ng Multilingual Education (MLE)

sa buong bansa sa bisa ng Department Order #74 ng DepEd ngunit matagal na itong ginagamit ng mga taga-

Lubuagan sa probinsiya ng Kalinga. Sa nagdaang sampung taon, ang 4th class municipality ng Lubuagan ang

naging modelo ng bansa pagdating sa Multi-lingual Education. Dalawang dekada na ang nakakaraan, sila ay
12 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

napabilang sa Top 10 non-performing schools sa buong Pilipinas. Wikang Libuagen (isang barayti ng Kalingan

dialect) lamang ang ginagamit sa Lubuagan Elementary School mula Grade 1 hanggang 3 kung kaya’t mas

naging madali ang pag-intindi ng mga aralin kagaya ng Matematika, Agham, pati na ang pag-aaral ng Filipino

at ng Ingles. Sa dalawang dekada na paggamit ng bernakular; mayroong zero drop rate ang paaralan. Noong

2006, ang Lubuagan district ang nagtamo ng pinakamataas na marka sa National Achievement Test sa Grade 3

reading test sa Ingles at Filipino sa mean score na 76.55% at 76.45%. Hindi rin nahihirapan ang mga guro sa

pagtuturo kung kaya’t sila’y nahirang na “Best School for Kalinga” at “Model of Multilingual Education in the

Philippines”. Ang mga resulta ng mga pag-aaral ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw: para matamo ang

kahusayan ng mag-aaral sa Ingles o Filipino, and pinakaepektibong paraan ng pagtuturo ay ang unang wika na

natutunan ng bata. Kung nakaya nga ng mga bansang Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at iba pa, na gamitin

ang kanilang sariling wika sa mga paaralan, siguradong magagawa rin natin ito sa PIlipinas. ‘Di man sila

ganoon kagaling sa Inglesan, mas malalim naman ang kanilang pagkakaintindi sa mundong nakapaligid sa

kanila.

2.4 Banyagang Pag-aaral

Ayon sa National Education Support Strategy ng United Nations Educational, Scientific and Cultural

Organisation (UNESCO), lubhang nakakabahala na mababang kalidad ng edukasyon sa elementarya sa

Pilipinas base sa achievement rates. Dalawampu’t anim na porsiyento (26%) lamang ng mga mag-aaral sa ika-

anim na baitang ang may mastery of English (ang mastery ay nangangahulugang 75% o higit pa ang marking

nakuha). Tatlungpu’t isa (31%)ang may mastery of Mathematics at 15% naman ang sa Agham. Ganun rin ang

isinasaad ng istatistika sa High School: 7% na kahusayan sa Ingles; 16% sa Matematika, at 2% sa Agham.

13 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

KABANATA III:
3.1 Pagkuha ng mga Kasangkot sa pag-aaral

Sa pagkuha ng mga Respondante gagamit ang mananaliksik ng Simple Random Sampling. Ang

Respondante sa pananaliksik na ito ay manggagaling sa internet. Bubuo ng 65 na respondante na nag-aaral sa

unang pangkat ng kolehiyo ng Nueva Ecija University of Science and Technology. Nararapat lamang na sila

ang napili ng mga mananaliksik bilang mga tagatugon sa pag-aaral dahil nakapailalim ang pangkat nila sa paksa

na ito at nasa ilalim ng kanilang propesyon kaugnay sa pananaliksik na ito.

3.2 Pamamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghahanda ng talatanungan upang isarbey, na

kung saan ay inihanda ng mga mananaliksik. sa pamamaraang ito ay makakalap ng ideya at opinion. Sa

pamamagitan ng pag buo ng sarbey kwestyoneyr na naglalayong maka pangalap ng mga datos upang masuri

ang damdamin ng mga respondent sa nasabing pananaliksik.

3.3 Pangongolekta ng Datos

Nangalap ang mananaliksik ng kaalaman mula sa mga nailimbag na mga lokal at banyagang pag-aaral at

literatura sa internet. Ang pangunahing pinagmulan ng mga datos ng pananaliksik ay ang pagbibigay ng sarbey

kwestyoneyr sa iba’t-ibang plataporma ng social media upang makapag sagot ng mga napiling katanungan

3.4 Pag-aanalisa ng Datos

Ang analisis at pagsalin ng mga datos para maging pamilang na impormasyon ay gagamit ng "pie

graph" at ng mean. upang makuha ang ninanais na detalye. Lahat nang datos ay galing sa mga mag-aaral.

Samakatuwid, pagtally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin. Ang mga numerong ito ang

sumisimbolo kung gaano nila katanggap ang Wikang Filipino sa paggamit sa Larangan ng Edukasyon.
14 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

KABANATA IV:

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK


PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang datos na nakalap mula sa sagot ng mga mag-aaral.

Ito ang mga grapiko na kumakatawan sa resulta ng mga sagot mula sa mga estudyante sa bawat tanong sa

aming ginawang surbey.

Katanggapan ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo sa larangan


ng Edukasyon (1-Pinakamababa, 5-Pinakamataas)

1
2
3
4
5

Isinisimbolo ng pie graph ang resulta ng unang katanungan sa aming surbey. Ang aming unang tanong

ay “Sa iyong palagay, gaano katanggap ng mga mag-aaral ang wikang Filipino sa pagtuturo.”. Nagbigay kami

15 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

ng range na 1-5 kung saan 1 ang pinakamababa at 5 ang pinakamataas. Ang mga numerong ito ang

sumisimbolo kung gaano nila katanggap ang Wikang Filipino sa paggamit sa pagtuturo sa larangan ng

Edukasyon.

Ang resulta ng nakalap naming impormasyon ay ang mga sumusunod;

1 – 4 out of `65 na estudyante at ito ay katumbas ng 5.41% ng pangkalahatang sagot.

2 - 9 out of 65 na estudyante at ito ay katumbas ng 15.54% ng pangkalahatang sagot.

3 - 18 out of 65 na estudyante at ito ay katumbas ng 28.37% ng pangkalahatang sagot.

4 - 21 out of 65 na estudyante at ito ay katumbas ng 31.76% ng pangkalahatang sagot.

5 - 13 out of 65 na estudyante at ito ay katumbas ng 18.72% ng pangkalahatang sagot.

Ang mean score ng pangkabuuan ng aming surbey ay 3.43, kung saan maari nating masabi na

sumasangayon ang higit sa kalahati ng mga estudyante.

Ang ibang opinyon naman ng mga estudyante tungkol sa katanungan na “Kailan maaring gamitin ang

wikang Filipino sa pagtuturo?” ay ang mga sumusunod;

23 out of 65 na estudyante ang nagsabing kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing magbibigay ng

panuto. Ito ay kumakatawan sa 37.16% ng pangkalahatang sagot.

42 out of 65 na estudyante ang nagsabing kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing ipinapaliwanag ang

mga paksa at aralin. Ito ay kumakatawan sa 58.78% ng pangkalahatang sagot

Ang natitirang 4.05% naman ay sumagot na pwedeng gamitin ang wikang Filipino sa parehas na sitwasyon

16 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Epekto ng Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo

Naipapahayag ng maayos ang


mga saloobin, komento at
suhistiyon
Positibong Epekto Naiintindihan mga paksang
itinuturo
Nagkakaroon ng interes

0 20 40 60 80 100 120

Sa positibong epekto naman ng paggamit ng wikang Filipino, ang resulta ay ang mga sumusunod;

41 out of 65 ay nagsabing nagkakaroon ng interes ang mag-aaral. Kumakatawan ito sa 63.5% ng

pangkalahatang sagot.

48 out of 65 ay nagsabing naiintindihan nila ang paksang tinuturo. Kumakatawan ito sa 73.65% ng

pangkalahatang sagot.

33 out of 65 ay nagsabing naipapahayag ng maayos ang mga saloobin, komento at suhistiyon.

Kumakatawan ito sa 51.35% ng pangkalahatang sagot.

17 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

hindi naipapahayag ng maayos


ang mga saloobin, komento at
suhistiyon ng mga mag-aaral
#REF!
Negatibong Epekto Hindi naiintindihan ng mga
magaaral ang mga paksang
tinuro
Hindi nakikinig ang mga
magaaral sa mga itinuturo

0 10 20 30 40 50 60 70

Sa negatibong epekto naman ng paggamit ng wikang Filipino, ang resulta ay ang mga sumusunod;

24 out of 65 ay hindi nakikinig ang mga mag-aaral sa mga itinuturo. Kumakatawan ito sa 35.81% ng

pangkalahatang sagot.

15 out of 65 ay hindi naiintindihan ng mga mag-aaral ang mga paksa. Kumakatawan ito sa 22.97% ng

pangkalahatang sagot.

28 out of 65 ay hindinaipapahayag ng maayos ang mga saloobin, komento at suhistiyon. Kumakatawan

ito sa 41.89% ng pangkalahatang sagot.

11 out of 65 ay hindi bihasa sa paggamit wikang ito. Kumakatawan ito sa 17.57% ng pangkalahatang

sagot.

18 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

KABANATA V:
5.1 Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon.

Lagom

Ayon sa sarbey na aming ginawa tungkol sa mga mag-aaral 33 out of 65 na estudyante ang nagsabing

kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing magbibigay ng panuto. Samantalang 44 out of 65 na

estudyante ang nagsabing kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing ipinapaliwaag ang mga paksa at

aralin.Ang natitirang 4.05% naman ay sumagot na pwedeng gamitin ang wikang Filipino sa parehas na

sitwasyon. Ang mga mag-aaral ay napili na respondente sa kadahilanan na sila ay isa mga maaring gumamit ng

wika habang nag-aaral ng ibang assignatura maliban sa Filipino sabjek.

KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

konklusyon:

A. Sumasangayon ang mga estudyante bilang ang wikang Filipino ang gamit sa wikang panturo.

B. Ang pangunahing dahilan naman ng mga estudyante kung bakit wikang Filipino ang nararapat na

gamitin bilang wikang panturo ay sa dahilanan na kailangan gamitin ang wikang Filipino sa tuwing

ipinapaliwaag ang mga paksa at aralin.

C. Para sa pananaw ng mga estudyante ukol sa positibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino

bilang midyum ng pagtuturo ay mas madali nilang naiintindihan ang mga paksang itinuturo.

19 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

D. Para sa pananaw ng mga ukol sa negatibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang

midyum ng pagtuturo ay hindi naipapahayag ng maayos ang mga saloobin, komento at suhistiyon.

REKOMENDASYON

A. Para sa institusyon, nararapat na mas palawakin pa ang kaalaman ng mga dalubguro sa pagtuturo

ng wikang Filipino.

B. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin ang pag-aaral nang sa gayun magkaroon ng magandang

kinabukasan at maging kapaki-pakinabang na mamayan ng bansa.

C. Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang pagtuturo at huwag hahayaan ang mag-aaral na

makapagtapos ng isang antas ng edukasyon na hindi naman angkop sa kanilang kakayanan at abilidad.

D. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa

pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos o impormasyong maari pang makatulong ukol sa

paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa wikang Filipino.

20 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

5.3 Mga Dahong dagdag o Apendiks

April, 2020

Ginoong/Ginang,

Isang malugod na pagbati,

Ang mananaliksik ay kasulukuyang nagsaagawa ng pananaliksik hinggil sa pananaw ng mga

mag-aaral sa unang baitang ng kolehiyo ng NEUST sa Katanggapan ng Wikang Filipino Bilang Midyum ng

Pagtuturo sa Larangan ng Edukasyon, bilang pagtugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino.

Kaugnay nito, hihingi ang mga mananaliksik mula sa mga mag-aaral sa unang baitang ng

Kolehiyo sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng talatanungang aming hinanda.

Inaasahan po namin ang iyong pagtugon sa kahilingang ito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksik

21 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

sitwasyon 1 2 3 4 5

1. Sa iyong palagay, gaano katanggap ng mga

mag-aaral ang wikang Filipino sa pagtuturo?

2. Sa iyong palagay, gaano ka-epektibo ang

wikang Filipino sa pagtuturo sa iba’t ibang

asignatura?

3. Sa iyong palagay, mas mas madali mo bang

naiintindihan ang mga panuto o leksyon kapag

ito ay wikang Filipino?

4. Sa iyong palagay, mas mas madali mo bang

naiintindihan ang mga panuto o leksyon kapag

ito ay wikang Ingles?

5. Sa iyong palagay, binibigyan ba ng sapat


napagpapahalaga ng mga mag aaral ang
pagsasaliksik ng wikang Filipino?

I. Basahin at lagyan ng tsek ang mga sumususunod na


sitwasyon kung gaano sumisimbolo kung gaano
mo katanggap ang Wikang Filipino sa paggamit sa
pagtuturo sa larangan ng Edukasyon kung
saan (1-ang pinaka mababa at 5- ang pinaka mataas)
PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

22 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Kyla Nicole R. Lim

Tirahan: Bayanihan, Gapan City Nueva Ecija

Edad: 18

Araw ng kapanganakan: September 04, 2001

Lugar ng Kapanganak: Gapan City

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Gapan South Central School

Sekondarya: The Great Sheperdess Montesorri Center Inc.

Senior High School: Our Lady of Fatima University

23 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Limuel P. Lagliva

Tirahan: Pinanggaan, Jaen Nueva Ecija

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: December 4, 2000

Lugar ng Kapanganak: Cabanatuan City

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Pinanggaan Elementary High school

Sekondarya: San Pablo National High School

Senior High School: Our Lady of Fatima University

24 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: William P. Mapula

Tirahan: Castellano, San Leonardo Nueva Ecija

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: October 15, 2000

Lugar ng Kapanganak: San Leonardo Nueva Ecija

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Castellano Elementary Schoo

Sekondarya: Juan R. Liwag Memorial High School

Senior High School: ACLC College of Gapan

25 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Mark Angelo S. Molina

Tirahan: Sampalucan, Bongabon Nueva Ecija

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: October 5, 2000

Lugar ng Kapanganak: Bongabon, Nueva Ecija

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Rita De lara Elementary School

Sekondarya: Bongabon National High School

Senior High School: Bongabon Senior High school

26 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Jay-Em M. Liwag

Tirahan: Purok 3 Brgy. San Isidro, Cabanatuan City

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: December 10, 2000

Lugar ng Kapanganak: Cabanatuan City

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: San Isidro Elementary School

Sekondarya: Nueva Ecija High School

Senior High School: Nueva Ecija High School

27 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Charlie D. Igarta

Tirahan: Calipahan, Talavera Nueva Ecija

Edad: 20

Araw ng kapanganakan: November 4, 19999

Lugar ng Kapanganak: Cabanatuan City

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Madeline’s Learning Center Inc.

Sekondarya: Schola Christi Inc.

Senior High School: Schola Christi Inc.

28 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Jet Patrick E. Valenzuela

Tirahan: Ulanin Pitak Jaen

Edad: 18

Araw ng kapanganakan: October 21, 2001

Lugar ng Kapanganak: Manila

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Ulanin Elementary School

Sekondarya: Lambakin National High School

Senior High School: Lambakin National High School

29 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Toby M. Martinez

Tirahan: Aliaga Nueva Ecija

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: Cabanatuan City

Lugar ng Kapanganak: Aliaga Central School

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Aliaga Central School

Sekondarya: Aliaga National High School

Senior High School: Aliaga National High School

30 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Shawn Joel DC. Hernandez

Tirahan: Poblacion, San Isidro Nueva Ecija

Edad: 19

Araw ng kapanganakan: November 29, 2000

Lugar ng Kapanganak: San Leonardo, Nueva Ecija

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: General De Jesus College

Sekondarya: General De Jesus College

Senior High School: General De Jesus College

31 | P a g e
Republic of the Philippines
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHGNOLOGY
General Tinio Street Campus
College of Engineering

Pangalan: Jewel P.Miranda

Tirahan: Bibiclat, Aliga Nueva Ecija

Edad: 18

Araw ng kapanganakan: August 13, 2001

Lugar ng Kapanganak: Cabanatuan City

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Elementarya: Dona Elena Llanera Soriano Elementary School

Sekondarya: Resituto B. Peria National High School

Senior High School: Aliaga National High School

32 | P a g e

You might also like