Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Pampanga
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Purok 2 Sto. Rosario, Minalin, Pampanga
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MALIKHAING
PAGSULAT
PT 2019-2020

Panuto: MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong/pahayag. Isulat ang
titik ng napiling sagot.
_____1.Ito ay uri ng pagsulat na nakapokus ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal
at di-fiksyonal ang akdang isinusulat.
A. Teknikal B. Malikhain C. Akademik D. Jornalistik
_____2. Hindi ako makadaan may dakbatlag sa aking harapan. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit
na salita?
A. kotse B. sasakyan C. trak D. kalesa
_____3. Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis. Anong uri ng tayutay ang
sumusunod na pangungusap?
A. Pagwawangis B. Pagtutulad C. Pagtawag D. Pagsasatao
_____4.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tulang estropa?
A. Ako ay Pilipino
Pilipinong Totoo,
May pusong maginoo
Mahal ng kahit sino
B. “At saka ang bato ay may katanungan
Taong nalulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama, di na lumulutang,
Kung taong mabuti’y pumapaibabaw.”
C. Sa panahon ng anihan
Sana ay maasahan
Ang biyaya ng sinoman!
D. Lahat ng nabanggit
_____5.Anong uri ng tayutay ang nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang
talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
A. Pagwawangis B. Pagtutulad C.Pagsasatao D. Tanong Retorikal
_____6.Alin sa mga halimbawa ng tula ang napapabilang sa estropang Kopla.
A. Minahal ko siya kung ano siya,
Minahal ko siya kung anong meron siya!
Buhay handing ialay sa kanya.
Lahat kayang gawin pagkat Mahal ko siya!
B. Magulang ay mahalin,
Sila ay dapat kalingain
Sa pagtanda ay intindihin.
C. “Bakit ako’y binuhay pang muli
Kung sa iyong palad ay kikitling dagli”.
D. Kung nagsusungit ka’t nagpapakahangal,
Ilapag mo ako’t katay maghiwalay;
Sa paghinahon mo’y saka pagbalikan
At ako ay sasamang maglalayag
Na muli hanggang kalangitan.
_____7.Ang mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mahalagang sangkap ng Maikling kuwento?
A. paningin B. banghay C. tauhan D. simbolismo
_____8.Ang mga sumusunod ang hindi napapabilang sa kumbensyon ng tula?
A. monologo B. aside C. soliloquy D. biologo
_____9. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na pangungusap: “ Ang aking ina ay parang leon kung
magalit.”
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Eksaherasyon D. Pagsasatao
_____10.Ang Kuwentong Romeo at Juliet ni William Shakespeare ay anong uri ng Maikling kuwento?
A. katutubong kulay B. sikolohiko C.pagkatao D. pag-ibig
_____11.Anong akdang pampanitikan ang naglalahad ng isang kawil na pangyayari o ganapan?
A. Tula B. Sanaysay C. Dula D. Maikling kuwento
_____12.”Si Cristelyn ay parang leon kung magalit”. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na
pangungusap?
A. pagwawangis B. pagtutulad C. pagsasatao D. tanong retorikal
_____13.Si Sarah ay madamdaming nagsasalita ng mag isa at walang ibang tao sa tanghalan.Anong uri ng
kumbensyon ang ginawa ni Sarah?
A. aside B. soliloquy C. monologo D. repleksyon
_____14.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga uri ng malikhaing pagsulat?
A. Akademik B. Jornalistik C. Semantik D. Teknikal
_____15.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa Elemento ng Maikling Kwento?
A. Panimula B. suliranin C. damdamin D. wakas
_____16.Ito ay isang salita,paniniwala o yugto ng pangyayari na tumutukoy sa isang bagay subalit
nagpapaliwatig ng isang kaisipan.
A. Tagpuan B.simbolismo C. paksa D. banghay
_____17. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
A. pagwawangis B. Pagtutulad C. Pagsasatao D. Eksaherasyon
_____18.Ang kuwentong ito ay isinulat para sa isang tiyak n pangyayari, gaya ng pasko, Bagong taon at iba
pa.
A. talino B. kapaligiran C. tauhan D. katutubong-kulay
_____19. Dapat nating igalang ang may puting buhok. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na
pahayag?
A. Pag-uyam B. .Tanong retorikal C. Pagpapalit-saklaw D. Pagpalit-tawag
_____20.Anong elemento ng maikling kwento ang nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang nasasangkot sa problema.
A. suliranin B. tagpuan C. kakalasan D. saglit na kasiglahan
_____21.Alin sa mga sumusunod ang isang mabisang paraan ng malikhaing pagsulat?
a. May maayos o maganda na sulat-kamay ng teksto o ng mga lathalain.
b. Gumawa ng mga sulatin ng ayon sa mga karanasan
c. Kumopya ng mga lathalain at rebisahin lamang ng kaunti
d. Magtuon lamang sa paksang nais mo sa pagsulat ng lathalain.
_____22.Ang mga pelikulang Detective Conan ay halimbawa ng anong uri ng maikling kuwento?
A. katatakutan B. katatawanan C. talino D. kapaligiran
_____23.Anong uri ng maikling kuwento ang punong puno ng pagsubok o suliranin ng pilit inihahanap ng
kasagutan ng babasa?
A. Kapaligiran B. talino C. pampagkakataon D. sikolohiko
_____24.Basahin at unawain ang sumusunod na tula

Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,


Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas
Kahit kanino’y hindi iwawasiwas
Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
Mahal na mahal ko si inay at itay.

Sa binasang tula, alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng tayutay?

A. Pagmamahal na walang katumbas


B. Kahit kanino’y hindi iwawasiwas
C. Tila anghel na lumilipad sa kalangitan
D. Mahal na mahal ko si inay at itay
_____25.Anong elemento ng maikling kuwento ang nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
A. Suliranin B. tunggalian C. panimula D. tagpuan
_____26.Sa tula na nasa bilang 24 alin sa mga taludtod ng tula ang napapabilang sa estropang kinteto?
A. Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,
Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas.
B. Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,
Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas
Kahit kanino’y hindi iwawasiwas.
C. Kahit kanino’y hindi iwawasiwas
Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
Mahal na mahal ko si inay at itay.
D. Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
_____27. Basahin at unawain ang sumusunod na salitaan ng dalawang mag-kaibigan.
Russel:” Oh! Zaldy nasaan ka noong gabing dapat ay pupunta tayo sa iyong kasintahan?”
Zaldy: “Ako ay sumali sa paligsahan ng pag-awit.”
Russel:” Ganoon ba? Nanalo ka?”
Zaldy: “Hindi nga e.”
Russel:” Ay ganoon ba Sayang naman, Napakaganda pa naman ng iyong boses na parang
kokak ng palaka.”
Zaldy: “Isa kang tunay na kaibigan!”
Sa usapan ng dalawang magkaibigan anong uri ng tayutay ang kanilang ginamit?
A. pag-uyam B. paglilipat-wika C. pagpapalit-saklaw D. eksaherasyon
_____28.Si Cristelyn ay susulat ng maikling kuwento,ano sa mga elemento ng maikling kwento ang bahagi
ng kanyang isusulat ang katuparan o kasawian ng kanyang pangunahing tauhan.
A. tunggalian B. kakalasan C. kasukdulan D. panimula
_____29.Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng maikling kuwento?
A. simula B. himig C. wakas D. kasukdulan
_____30.Ano ang salitang binibigkas nang mahina na ang nakaririnig lamang ay isang grupo at hindi
naririnig ng mga kasamahan?
A. beside B. aside C. side D. west side
_____31.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi napapabilang sa eksaherasyon na tayutay?
A. Nabiyak ang dibdib ni Russel sa sinabi ng kanyang kasintahan.
B. Umiyak ang langit ng inilibing ang kanyang asawa.
C. Umulan ng pera kahapon sa bahay ng aking kaibigan.
D. Nabutas ang bamban ng aking tainga sa sobrang lakas ng tunog.
_____32. Nagpakasal kami ng walang lapya. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. inbitasyon B. plano C. ninong D. ninang
_____33.Ang kuwentong ito ay tungkol sa batang gustong magbigay ng regalo sa kanyang kalaro at taliwas
sa nangyari sa kanyang ina noong ito ay bata pa.
A. Pagbabalik Puso ng Pasko
B. Tata Selo
C. Karera ng Tilburin
D. Kuwento ni Mabuti
_____34.Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
A. kasukdulan B.. wakas C. paksang-diwa D. suliranin
_____35. Ano ang tawag sa estropang may anim na taludtod?
A. Kinteto B. Kwarteto C. Santeto D. Tenseto
_____36.Anong uri ng kwento ang Shake, Rattle and roll?
A. katatawanan B. talino C. katatakutan D. kapaligiran
_____37.Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
A. Salitaan B. kakalasan C. kasukdulan D. galaw
_____38.Ang kuwentong ito ay tungkol sa matandang ipinagtatanggol ang karapatan niya sa kanyang lupa
na naisanla at napilitang magsaka at magtrabaho ang kanyang anak sa kabesa.
A. Impong Sela B. Tata Selo C. Kuwento Ni Mabuti D. Ruby
_____39.Si Ana ay gustong sumulat ng sulatin ayon sa kanyang karanasan,Alin sa mga sumusunod ang
HINDI niya dapat isaalang-alang.
A. Gumamit ng mga salitang naaayon sa paksa.
B. Magpasok ng ibang paksa sa isinusulat na lathalain.
C. Ayusin ang banghay ng isinusulat na lathalain.
D. Lagyan ng mga kapana-panabik na pangyayari upang lalong maengganyo ang mga
mambabasa.
_____40.Basahin ang tula at siyasatin kung ilan ang sukat nito.

Ating Inang kalikasan


Ikaw ay pinabayaan
Ginamit ka ng lubasan
Ngayon ika’y hinayaan

Matatamlay ang biyaya


Mula sa langit at lupa
Ngayon ito’y nagbabanta
Sa buhay ng bawat isa. Ni:Vincent Jay Garcia

A. 5 B. 6 C. 8 D. 9
_____41.Sa tula na nasa bilang 40, ilang taludtod mayroon ang inilalahad ng tula?
A. 6 B. 7 C.8 D. 9
_____42.Ano ang tawag sa produkto ng malikot na imahinasyon at guniguni ng manunulat may tugma man
o wala,ang mahalaga ito ay nagbibigay buhay sa isang matulaing kaluluwa na may kariktang humahaplos at
tumitimo sa buhay katauhan ng bumabasa o bumibigkas nito?
A. Maikling Kuwento B. Tula C. Sanaysay D. Tayutay
_____43.Si Renjie ay napakagaling magtula,ang mga nakarinig sa kanya ay nadadala sa kanyang malinaw
at di malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.Gumamit siya ng mga salitang
nasiyahan ang mga nakarinig at napukaw ang kanilang mga damdamin at kawilihan. Anong
sangkap ng tula ang kanyang napagtuunan ng pansin.
A. kariktan B. tono C. persona D. tugma
_____44. Si Elena ay isang magandang bulaklak. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na
pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C.Eksaherasyon D. Tanong retorikal
_____45.Anong uri ng tugma ang tulang ito: Matatanda ang may sabi sa buhay raw nitong tao
Buto’t laman ay hiwain, tadtarin nang pinung-pino
Hindi sapat na ibayad sa hirap at sakripisyo
Ng magulang na nagpalang pag-ibig ay bigay todo
A. Karaniwan B. Sesura C. Kopla D. Ganap
_____46.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga uri ng Estropa ayon kay Gabriel?
A. Sesura B. Kopla C. Tenseto D. Santeto
_____47.Ano ang tawag sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata,tumutukoy ito sa paggamit ng
magandang salita at tayutay?
A. kariktan B. talinghaga C.tono D. sukat
_____48.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga sangkap ng tula?
A. Saknong B. sukat C. tono D. taludtod
_____49. Nakita ko ang salanggapang kong kaibigan. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. bobo B. mabait C. walanghiya D. Mahilig mangutang
_____50.Anong bahagi ng maikling kuwento na ang pinakamasidhing pananabik ang nadarama ng mga
mambabasa sapagkat dito ang pagpapangahas ng kapalaran ng pangunahing tauhan?
A. wakas B. kasukdulan C.simula D. tunggalian

PREPARED BY: REVIEWED BY: NOTED BY:

RONALD FRANCIS S. VIRAY MA. CRISTELYN M. PANER CORNELE L. TAYAG


Guro sa Malikhaing Pagsulat Master Teacher II/ Subject Group Head Principal II

You might also like