AP10 TQ3rdqtr

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Sisters of Mary School-Boystown, Inc.

Tungkop, Minglanilla, Cebu


E-mail:smsminglanilla@thesistersofmaryschools.edu.ph
Tel #:(032) 272 – 8636 / (032) 272 – 8637 / (032) 888-7562

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN G10


S.Y.: 2019-2020

Pangalan: _____________________________Taon at Seksyon: _________________ Iskor: __________


Guro:_________________________________ Petsa:__________________________ Class #_________

PANGKALAHATANG PANUTO: Walang Pagbubura

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian. Itiman ang bilog ng tamang sagot.

ABCD
OOOO 1. Pangunahin sa karapatan ng tao ang mabuhay nang malaya. Alin sa sumusunod na pahayag
ang hindi sakop sa kaisipang ito?

A. Ang pagiging makasarili dahil kailangang mabuhay nang matiwasay ang isang tao upang siya
ay makatulong sa ibang tao.
B. Ang pagiging Malaya sa anumang paninikil ng kahit na sino, kapwa man niya tao o
istitusyon sa lipunan.
C. Ang “pagiging buhay” ay kakabit ang karapatang matugunan ang lahat ng mga
pangangailangan upang “manatailing buhay” ang isang tao.
D. Ang mabuhay nang may dignidad at puno ng pagpapahalaga sa sariling kapakanan bilang
tao.

OOOO 2. Ang Konstitusyon ng Pilipinas ang sandigan at saligang batas ng ating bansa. Alin sa
sumusunod ang naglalarawan at nagpapaliwanag sa Article III ng ating konstitusyon?
A. Article of Rights o katipunan ng mga karapatan kung saan nakapaloob ang karapatang pantao
na dapat ay tinatamasa ng bawat mamamayan.
B. Bill of Rights o katipunan ng mga karapatan kung saan nakapaloob ang karapatang pantao na
dapat ay tinatamasa ng bawat mamamayan.
C. Ang bawat tao ay karapat-dapat sa lahat ng karapatan.
D. Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.

OOOO 3. Ang isang uri ng karapatan ay ang Karapatang Likas o Natural kung saan ngapapaliwanag na
ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang karapatang ito ay likas at wagas para sa lahat.
Ito ay makikita sa sumusunod maliban sa isa.
-
A. Ang magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan.
B. Ang magkaroon ng dignidad.
C. Ang mabuhay nang puspos at paunlarin ang iba’t ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng
pisikal, mental at espiritwal.
D. Ang tumanggap nang naayon sa pinakamababang sahod.

OOOO 4. Isa sa kategorya ng karapatan ayon sa batas ay ang Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil
Liberties/Rights). Nakapaloob dito ang mga karapatan maliban sa isa.
-
A. Magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay.
B. Makilahoksa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa
gaya ng pagboto at pagkandidato sa eleksyon.
C. Magkaroon ng kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, malayang pagtitippon at pagpili ng lugar na
matitirhan.
D. Maging malaya at makapaglakbay.

1 2 3 4
OOOO 5. Ang mga karapatan ayon sa batas ay mauuri sa dalawa: Constitutional Rights at Statutory
Rights. Ang nahuhuli ay naglalarawan sa mga sumusunod maliban sa isa.
-
A. Ang mga karapatan dito ay kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso.
B. Ang karapatang tumanggap nang naaayon sa pinakamababang sahod.
C. Karapatang magmana ng mga pag-aari at makapag-aral nang libre.
D. Maaring baguhin, dagdagan o alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa
Konstitusyon.

OOOO 6. Ang Pilipinas ay kasapi ng United Nations o Nagkakaisang Bansa. Ang mga patakaran at
batas na pinaiiral nito ay batas din ng ating bansa. Ang Universal Declaration of Human Rights
ay nabuo at nilagdaan noong _______________.
-
A. Disyembre 10, 1848 C. Disyembre 10, 1838
B. Disyembre 10, 1948 D. Disyembre 10, 1838

OOOO 7. Ang paglagda ng bansang Pilipinas sa deklarasyon ng Human Rights ay nagbigay patunay na
ang bansa ay may obligasyon na ______________________.

A. Ipatupad ang pagiging malaya at pagkakapantay-pantay ng bawat tao at pagbabawal sa


diskriminasyon.
B. Ipatupad ang pagiging malaya ng bansa sa pagkakkaroon ng maraming turista sa bansa.
C. Ipatupad ang pagiging malaya ng mga tao na maghanap ng trabaho kahit saang bansa at
makatanggap ng Malaki-laking sahod.
D. Ipatupad ang pagiging malaya ng tao sa kahit anong gusto nilang pamumuhay at pagbabawal
sa diskriminasyon.

OOOO 8. Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 13, nilikha ang __________________________
upang pangalagaan ang mga karapatan ng bata. Ano ang tawag dito?

A. Children and Teenagers Welfare Code


B. Youth and Child Welfare Code
C. Child and Youth Welfare Code
D. Children Rights and Welfare Code

OOOO 9. Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang tratado na nilagdaan
ng mga bansa upang mabigyang-proteksyon ang mga batang may gulang ____ pababa sa buong
daigdig.
-
A. 16 B. 18 C. 20 D. 21

OOOO 10. Bilang kasapi ng Nagkakaisang Bansa o United Nations, ipinatutupad sa Pilipinas ang mga
karapatan ng bata ayon sa ______________________________________________.

A. United Nations Convention on the Rights of a Child


B. United Nations Conference For Children
C. United Nations Convention for Children
D. United Nations Conference on the Rights of a Child

OOOO 11. Halos kalahati ng ating populasyon ay binubuo ng kababaihan. Marapat lamang na kilalanin
ng ating bansa ang kanilang kahalagahan sa pagbuo ng Estado. Ang Republic Act No. 9710 ay
kinikilalang ________________________.

A. Tha Magna Carta C. A Magna Carta of Women


B. A Magna Carta D. The Magna Carta of Women

5 6 7 8 9 10 11
OOOO 12. Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 22 ng Saligang Batas, nilikha ang
__________________ na kilala sa tawag na National Commission on Indigenous People (NCIP)
na may layuing igalang at mapanatili ang mga paniniwala, kaugalian, tradisyon at institusyon ng
mga pangkat-etniko.

A. RA 8271 C. RA 6271
B. RA 8371 D. RA 6371

OOOO 13. Ito ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae.

A. Gender C. Sekswalidad
B. Gender Roles D. Kasarian

OOOO 14. May mga pag-aaral na isinagawa tungkol sap ag-usbong ng homosekswalidad ng isang
indibidwal. Sa Pilipinas, ang terminong “paglaladlad”ay tumutukoy sa pagpapahayag ng isang
indibidwal ng kanyang oryentasyong sekswal. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang
ayos ng Tatlong Yugto ng Paglaladlad?

I. Pag-alam sa Sarili: Pagtanggap at pagiging bukas sa atraksyon at relasyon sa katulad na


kasarian.
II. Pag-amin sa Ibang Tao: Pagsabi sa kapamilya, kaibigan o katrabaho ng pagiging isang
homosekswal.
III. Pag-amin sa Lipunan: Pamumuhay nang bukas bilang isang LGBT

A. III, II,I B. II, III, I C. II, I, III D. I, II, III

OOOO 15. Iba’t iba ang pananaw ng mga bansa at lipunan sa homosekswalidad. May mga pagkakaiba
rin sa mga karapatang ipinagkakaloob sa kanila. Ang mga sumusunod ay ang mga karapatang
ipinaglalaban ng mga homosekswal sa buong mundo maliban sa isa.

A. Karapatang malayang ipahayag ang kanilang kalooban.


B. Karapatang maikasal nang sibil at mapagkalooban ng mga benepisyong ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kasal na heterosekswal at sa kanilang mga anak.
C. Karapatang mabuhay nang Malaya at walang diskriminasyon
D. Karapatang pabagsakin ang pamamalakad ng Nagkakaisang Bansa o United Nations.

OOOO 16. Ang ilan sa mga anyo ng diskriminasyong nararanasan ng mga LGBT ay makikita sa
sumusunod maliban sa isa.

A. hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho


B. mga pang-iinsulto at pangungutya
C. hindi pagpappatuloy sa mga establisyemento dahil sa kanilang kasuotan o pagkilos
D. pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasalita

OOOO 17. Isa sa mainit na isyu sa Pilipinas ay ang batas hinggil sa Reproductive Health na kilala bilang
RH Law o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

A. RA No. 10352 B. RA No. 10353 C. RA No. 10354 D. RA No. 10355

OOOO 18. Ang Declaratiion on Population na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos kasama ang 12
pang ibang pinuno ng iba’t ibang bansa sa taong __________ ay nagpahayag na ang suliranin sa
paglaki ng populasyon ng bansa ay hadlang sa pangmatagalang kaunlaran ng ekonomiya.

A. 1867 B. 1967 C. 1767 D. 1667

12 13 14 15 16 17 18
OOOO 19. Noon pang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kolonya ng Espanya, ipinagbabawal na ang
abortion. Ito ay dahil sa pananaw ng Simbahang Katoliko na ang abortion ay pagkitil ng buhay o
pagpatay sa sanggol kahit pa nasa loob ito ng sinapupunan ng ina. Idineklarang krimen ang
abortion na makikita sa Penal Code ng _______ at Revised Penal Code ng _______.

A. 1870:1930 B. 1670:1930 C. 1770:1930 D. 1570:1930

OOOO 20. Iba-iba ang mga programa ng mga naging pangulo ng Pilipinas sa paglutas ng suliranin sa
lumalaking populasyon. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nagsulong ng Responsible Parenthood
at ipinasa ang RH Law, pagtuturo sa mga magulang upang maging responsible sa kanilang mga
tungkulin at pagbibigay ng mga contraceptive sa mga humihingi nito.

A. Pangulong Gloria Macapagal Arroyo


B. Pangulong Benigno Aquino III
C. Pangulong Fidel V. Ramos
D. Pangulong Corazon Aquino

OOOO 21. Ayon sa mga sumusuporta sa RH Law, makatutulong ito nang malaki sa mga mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa isa.

A. pagkakaroon ng batayan ng paghihiwalay o annulment ng mag-asawa


B. pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon ng ina, sanggol at bata
C. paglutas sa karahasan laban sa kababaihan
D. pagtuturo ng edukasyon hinggil sa reproduktibong kalusugan para sa mga kabataan

OOOO 22. Ang pagpapasa ng batas na ____________________________ ay naging


napakakontrobersyal. Magkakaiba ang opinyon hindi lamang ng mga mambabatas ngunit pati na
rin ng mga guro, mga relihiyosong institusyon, iba pang mga politiko at ng mga mamamayan.
Nagkaroon ng indikasyong ang kultura at relihiyon ng maraming Pilipino ay nananatiling
konserbatibo.

A. Reproductive Health
B. Universal Declaration of Human Rights
C. Child and Youth Welfare Code
D. The Magna Carta of Women

OOOO 23. Noong __________________hinarangan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang pagpapatupad


ng RH Law bilang tugon sa mga hamon nito sapagkat malaki ang kaugnayan ng isyu ng nasabing
batas sa mga suliranin sa lipunang Pilipino katulad ng abortion, pre-marital sex maternal
mortality at maging kahirapan.

A. Enero 2013 B. Pebrero 2013 C. Marso 2013D. Abril 2013

OOOO 24. Ang mga karaniwang kadugtong ng terminong _______________ ay mga salitang aliw,
hostess, sexworker at guest relations officer.

A. abortion C. child labor


B. LGBT D. prostitusyon

OOOO 25. Ang prostitusyon ay tinaguriang pinakamatandang uri ng propesyon sa buong mundo dahil
maaring iugat ang simula nito sa panahon ng Mesopotamia, Gresya, Roma at maging sa
____________ at _____________.

A. India at Israel C. Tsina at Hapon


B. Amerika at Europa D. Australia at Canada

19 20 21 22 23 24 25
OOOO 26. Hindi pinapayagan ng batas ang pakikilahok sa prostitusyon. Ayon sa probisyon ng
___________________________, ang sinumang nakikilahok sa prostitusyon ay maaaring
maparusahan ng hanggang habang-buhay na pagkakabilanggo.

A. Anti Trafficking Act of 2003 C. Anti Trafficking in Persons Act of 2003


B. Anti Trafficking Act 0f 2001 D. Anti Trafficking in Persons Act of 2001

OOOO 27. Ayon kay _____________________, isang Amerikanong sikolohista, ilan sa mga dahilan ng
indibidwal na nagtutulak ng prostitusyon ay mabilis kumita ng malaking pera sa prostitusyon, ito
ay isang negosyo, ang iba ay nasanay na sa kultura ng pang-aabuso at naging daan na palabas sa
kahirapan.

A. Mark Allan Schwartz, Ph. D.


B. Allan Schwartz, Ph. D.
C. Jose Allan Schwartz, Ph. D.
D. Ike Allan Schwartz, Ph. D.

OOOO 28. Noong taong 1898, sa ilalim ng pamahalaang pambansa na pinamunuan ni


_______________________, ay pinagkalooban ng kalayaang Konstitusyonal (constitutional
freedom) ang mga Pilipinang prostitute upang masiguradong wala silang nakuhang sakit mula sa
pakikipagtalik sa iba’t ibanglalaki.

A. Emilio Aguinaldo C. Manuel L. Quezon


B. Apolinario Mabini D. Ramon Magsaysay

OOOO 29. Ito ay itinalaga ng Department of Health (DOH) sa 39 na mga ospital sa buong bansa at 24
oras na tumutugon sa paghahatid ng komprehensibong pangangalaga sa kalusuga.

A. Women and Youth Units


B. Child, Women and Youth Units
C. Women and Youth Protection Units
D. Women and Children Protection Units

OOOO 30. Isa ito sa mga pasilidad at programa para sa kababaihan laban sa karahasan na nakatuon sa
isyu ng prostitusyon at human trafficking sa local at global, nagsasagawa ng mga preventive
education seminar at pagsasanay sa mga komunidad kasama na ang mga NGO at piling grupo ng
kabataan.

A. KALAKASAN (Women Against Violence)


B. SALIGAN ( Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal)
C. Coalition Against Trafficking in Women
D. hindi marunong magpahalaga sa kaibigan

OOOO 31. Sanhi sa paglaki ng prostitusyon na tumutukoy sa kakulangan ng mga pagkakataong


makapagtrabaho?

A. Education B. Kahirapan C. Overpopulation D. Unemployment

OOOO 32. Ito ang tumutulong sa mga kababaihang biktima ng karahasan sa konteksto ng paglilipat?

A. Philippine Migrants Rights Network C. GABRIELA


B. Womens Desk D. DSWD

OOOO 33. Ang pambansang komisyong nagsusulong sa pagpapaunlad at mga policy-advisory para sa
kababaihan at paalala tungkol sa kasarian na nakatuon upang maibsan ang karahasan sa
kababaihan.

A. National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)


B. Non-Government Organization (NGO)
C. The Women’s Crisis Center (WCC)
D. Department of Health (DOH)
OOOO 34. Ayon sa pag-aaral ni Melissa Farley, napatunayan sa kasaysayan na lubos na nakakapinsala
sa kalusugan ng isang babae ang prostitusyon. Ang mga sumusunod ay nakapipinsalang dulot ng
prostitusyon maliban sa isa.

A. karahasang sekswal at pang-aabusong pisikal


B. mas mataas na panganib na mapatay (higher risk of being murdered)
C. mga sikolohikal at mental na karamdaman tulad ng post-traumatic stress disorder
D. mas nabigyan ng pagkakataong makapaglakbay sa iba’t ibang bansa

OOOO 35. Idineklara ng Senado na illegal ang prostitusyon dahil sa napakarami nitong negatibong
epekto sa tao at sa lipunan. Ngunit, para malusutan ang batas, idinaan ang mga transaksyon sa
pamamagitan ng ___________________.

A. black market ladies C. illegal trading


B. black market trade D. black prostitute market

OOOO 36. Ayon sa isang US Ambassador na si ____________________, 40% ng mga turistang


banyaga ay pumupunta sa Pilipinas para lamang sa panandaliang aliw kung saan nagbigay ng
negatibong imahe ng Pilipinas sa pandaigdigang komunidad.

A. Harry Harrison B. Harry Jones C. Harry Thomas D. Harry Lee

OOOO 37. Isa sa naging kontrobersiyal na kaso maging sa transgender ay ag isyu tungkol kay
_________________________ na nagpapakita ng pag-apak ng mga karapatang pantao.

A. Jean Laude B. Jennifer Laude C. Joan Laude D. Jen Laude

OOOO 38. Noong taong 1992, ipinasa sa Kongreso ang isang panukala upang isabatas ang prostitusyon
subalit hindi nagtagumpay sapagkat mariin itong tinutulan ng mga peministang organisasyon
tulad ng _____________________.

A. LADLAD PARTY C.WOMEN’S DESK


B. SILAGAN D. GABRIELA

OOOO 39. Maraming masamang epekto ang prostitusyon sa kalusugan ng isang prostitute, mula sa
karamdamang pisikal tulad ng ________________________.

A. sexually transmitted diseases C. sakit sa baga


B. pneumonia D. diabetes

OOOO 40. Kailan unang nangyari ang Bisexual and Transgender Pride Parade sa Pilipinas at Asya?

A. Hunyo 26, 1994 C. HUnyo 16, 1994


B. Hulyo 26, 1994 D. Hulyo 16, 1994

OOOO 41. Alin sa sumusunod ang naglalahad sa iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao.

A. Pisikal, Emosyunal at Estruktural o Sistematiko


B. Pisikal, Sikolohikal at Estruktural o Sistematiko.
C. Mental, Pisikal, Estruktural o Sistematiko
D. Pisikal, Mental, Emosyunal at Estruktural

OOOO 42. Unang crisis center para sa mga biktima o nakaligtas mula sa pang-aabuso.

A. Haven
B..National Commission on the Role of Filipino Women
C..Philippine Migrants Rights Network
D. Women’s Crisis Center
OOOO 43. Ang isyu ng reproduktibong kalusugan ay isyu ng pagkapantay-pantay ng mga
________________.

A. sekswalidad
B. kabuhayan
C. kasarian
D. trabaho at relihiyon

OOOO 44. Artikulo ng ating Saligang Batas na kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay
pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyong
panlipunan.

A. Artikulo 2 Seksyon 12
B. Artikulo 1 Seksyon 12
C. Artikulo 3 Seksyon 12
D. Artikulo 2 Seksyon 21

OOOO 45. Mga serbisyo ng pamahalaan na hindi naipaparating sa mga mahihirap na mamamayan.
Anong anyo ng paglabag ito?

A. Estruktural o Sistematikong Paglabag


B. Pisikal na Paglabag
C. Emosyunal na Paglabag.
D. Sikolohikal na Paglabag

OOOO 46. Ang Crisis Intervention Unit ng DSWD ang pansamantalang nangangalaga at kumukupkop
sa kababaihang biktima ng pang-aabuso.

A. Women’s Crisis Center


B. Women and Children Protection Units.
C. Women’s Against Violence
D. Haven

OOOO 47. Ipinahayag nito na ang suliranin sa paglaki ng populasyon ng bansa ay hadlang sa
pangmatagalang kaunlaran ng ekonomiya.

A. Proclamation of Population
B. Declaration on People
C. Declaration on Population
D. Population Declaration

OOOO 48. Ang babaeng nagpapalaglag ng sanggol ay maaring makulong nang hanggang _______ na
taon.
A. 4 na taon C. 8 na taon
B. 6 na taon D. 10 na taon

OOOO 49. Tawag sa mga taong lumikas sa kanilang bansa bunsod ng pag-uusig sa mga
homoseksuwalidad.

A. LGBT Refugee
B. Sex Refugee.
C. Gay Refugee
D. Lesbian Refugee

OOOO 50. Anong kategorya ng karapatan ang magkaroon ng karapatang maglibang at magpahinga?

A. Karapatang Sibil o Panlipunan


B. Karapatang Pantao
C. Statutory Rights.
D. Paglabag sa Karapatan

You might also like