Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Pampanga
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Purok 2 Sto. Rosario, Minalin, Pampanga
IKA-APAT MARKAHANG PAGSUSULIT SA MALIKHAING
PAGSULAT
PT 2019-2020

Pangalan:______________________________________ Antas/Pangkat:__________________
Panuto: MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong/pahayag. Isulat ang
titik ng napiling sagot.

_____1.Sa pagsulat ng kultural na papel ay nailalahad ang kontekstong sosyal ng kasalukuyang panahon ,
madalas na naipagkakamali ang kasarian at sekswalidad. Alin sa mga halimbawa ng sulatin ang
napapabilang sa kasarian?
A. Ang pagkakaiba nina Maria at Jose.
B. Uri ng pakikisalamuha nina Maria at Jose.
C. Ang nakikita nina Maria at Jose sa kanilang sarili.
D. Katayuan at estado ng pamumuhay nina Maria at Jose.
_____2.Ito ay uri ng pagsulat na nakapokus ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal
at di-fiksyonal ang akdang isinusulat.
A. Teknikal B. Malikhain C. Akademik D. Jornalistik
_____3. Hindi ako makadaan may dakbatlag sa aking harapan. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit
na salita?
A. kotse B. sasakyan C. trak D. kalesa

Para sa bilang 4-8: Suriin kung saan nabibilang at nauugnay ang mga sumusunod na pahayag.

A. pisikal B. salita C. tahimik D. magulo

_____4. Muling nagkita ang dating magkaibigag si Russel at E.j sa isang Highschool Reunion. Sila ay
nasa edad 60 pataas na.
E.j: Sinong nagdamit sa iyo, matinding kalungkutan?
Russel: Patawad nga pala, hindi ako nakapunta sa lamay mo noong nakaraang taon.
_____5. Bata, Bata…paano ka ginawa? (1998)
Carlo Aquino: “Akala mo lang wala! Pero meron! Meron! Meron!
Vilma Santos: (Sinampal sa pagkabigla si Carlo)
_____6. Hindi nagustuhan ni Sarah ang ikwinento ni Marvin sa kanya kaya inirapan niya ito at biglang
iniwan.
_____7. Hindi natiis ni Marty na suntukin si Kenneth ng Makita niya itong kayakap ang kanyang nobya.
_____8. Tinaasan ng kilay ni Rica si Arlyn dahil sa hindi siya naniniwala nang sabihan siya nitong mahal
na niya si Xander Ford.

_____9. Ang tula ay ginamitan ng kamalayan at sensibilidad sa iba't ibang oryentasyon sa malikhaing
pagsulat.Ano-ano ang mga naipamalas na kamalayan sa tula na nasa ibaba?

Sa loob at labas ng bayan kong sawi


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami
Naaamis sa hukay ng dusa’t pighati.

A. Ito ay may sukat at tugma.


B. May kaaya-ayang mga salitang ginamit
C. Malalalim na salita ang mga ginamit sa tula.
D. Bilang ang mga taludtod at mga salitang ginamit.
_____10.Alin sa mga sumusunod tula ang halimbawa ng estropa?
A. Ako ay Pilipino
Pilipinong Totoo,
May pusong maginoo
Mahal ng kahit sino
B. “At saka ang bato ay may katanungan
Taong nalulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama, di na lumulutang,
Kung taong mabuti’y pumapaibabaw.”
C. Sa panahon ng anihan
Sana ay maasahan
Ang biyaya ng sinoman!
D. Lahat ng nabanggit
_____11.Ang pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula ay
tinatawag na _____.
A. sukat B. tono C.tradisyunal D. tugma
_____12.Alin sa mga halimbawa ng tula ang napapabilang sa estropang Kopla.
A. Minahal ko siya kung ano siya,
Minahal ko siya kung anong meron siya!
Buhay handing ialay sa kanya.
Lahat kayang gawin pagkat Mahal ko siya!
B. Magulang ay mahalin,
Sila ay dapat kalingain
Sa pagtanda ay intindihin.
C. “Bakit ako’y binuhay pang muli
Kung sa iyong palad ay kikitling dagli”.
D. Kung nagsusungit ka’t nagpapakahangal,
Ilapag mo ako’t katay maghiwalay;
Sa paghinahon mo’y saka pagbalikan
At ako ay sasamang maglalayag
Na muli hanggang kalangitan.
_____13.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mahalagang sangkap ng Maikling kuwento?
A. banghay B. paningin C. simbolismo D. tauhan
_____14.Ang mga sumusunod ang hindi napapabilang sa kumbensyon ng tula?
A. aside B.biologo C. monologo D. soliloquy
_____15. Anong uri ng tayutay ang sumusunod na pangungusap: “ Ang aking ina ay parang leon kung
magalit.”
A. Eksaherasyon B. Pagsasatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
_____16.Ang Kuwentong “Kuwento ni Mabuti” ay anong uri ng Maikling kuwento?
A. katutubong kulay B. pag-ibig C.pagkatao D. sikolohiko
_____17.Anong akdang pampanitikan ang naglalahad ng isang kawil na pangyayari o ganapan?
A. Dula B. Maikling kuwento C.Sanaysay D. Tula
_____18.Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pagsulat ng sanaysay MALIBAN SA___.
A. bilang B. punto C.talata D. tema
_____19.Si Thelai ay madamdaming nagsasalita ng mag isa at walang ibang tao sa tanghalan.Anong uri ng
kumbensyon ang ginawa ni Thelai?
A. aside B. soliloquy C. monologo D. repleksyon
_____20.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga uri ng malikhaing pagsulat?
A. Akademik B. Jornalistik C. Semantik D. Teknikal
_____21.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa Elemento ng Maikling Kwento?
A. damdamin B.panimula C. suliranin D. wakas
_____22.Ito ay isang salita,paniniwala o yugto ng pangyayari na tumutukoy sa isang bagay subalit
nagpapaliwatig ng isang kaisipan?
A. banghay B. paksa C. simbolismo D. tagpuan
_____23. Anong uri ng tayutay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa,matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag?
A. eksaherasyon B. pagsasatao C. pagtutulad D. pagwawangis
_____24.Anong uri ng maikling kuwentong ang isinulat para sa isang tiyak na pangyayari, gaya ng pasko,
Bagong taon at iba pa.
A. kapaligiran B. katutubong-kulay C. talino D.tauhan
_____25.Anong elemento ng maikling kwento ang nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang nasasangkot sa problema?
A. suliranin B. tagpuan C. kakalasan D. saglit na kasiglahan
_____26.Alin sa mga sumusunod ang isang mabisang paraan ng malikhaing pagsulat?
a. Gumawa ng mga sulatin ng ayon sa mga karanasan
b. Kumopya ng mga lathalain at rebisahin lamang ng kaunti
c. Magtuon lamang sa paksang nais mo sa pagsulat ng lathalain.
d. May maayos o maganda na sulat-kamay ng teksto o ng mga lathalain.
_____27.Ang mga pelikulang Detective Conan ay halimbawa ng anong uri ng maikling kuwento?
A. kapaligiran B. katatakutan C.katatawanan D. talino
_____28.Anong uri ng maikling kuwento ang punong puno ng pagsubok o suliranin ng pilit inihahanap ng
kasagutan ng babasa?
A. kapaligiran B. pampagkakataon C. sikolohiko D. talino
_____29.Basahin at unawain ang sumusunod na tula

Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,


Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas
Kahit kanino’y hindi iwawasiwas
Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
Mahal na mahal ko si inay at itay.

Sa binasang tula, ano ang iyong napapansin?

A. Ito ay may sukat at tugma


B. Ito ay may walong saknong.
C. Ang tula ay may walong taludtod.
D. Ang tula ay walang sukat at tuma.
_____30.Anong elemento ng maikling kuwento ang nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
A. panimula B.suliranin C.tagpuan D. tunggalian
_____31.Sa tula na nasa bilang 29 alin sa mga taludtod ng tula ang napapabilang sa estropang kinteto?
A. Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,
Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas.
B. Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
C. Isang mahalagang regalo binigay sa mundo,
Aking magulang at pinapahalagahan ko
Pagmamahal na walang katumbas
Kahit kanino’y hindi iwawasiwas.
D. Kahit kanino’y hindi iwawasiwas
Aking ilalarawan magulang na kamahalan
Tila anghel na lumilipad sa kalangitan.
Kabusilakan ng puso’y walang kapantay
Mahal na mahal ko si inay at itay.
_____32. Siya ang nagwika na “Ang mundo ay isang teatro”?
A. Aristotle B. Rubel C. Sauco D. Shakespeare
_____33.Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng isang dula?
I. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.
II. Ang Dula ay binubuo ng mga dalawa o tatlong mga tauhan na sila lamang ang iikot sa kuwento.
III. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
IV. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng
kasaysayan ng bayan.
A. I at II B. I,II at III C. I, III at IV D. II, III at IV
_____33.Ang dulang ito ay tungkol sa isang tao na umibig sa kapwa niya lalaki at maraming hindi
sumasang-ayon sa kanilang pag-iibigan lalo na ang kanilang mga magulang.
A. Hadlang
B. Ang Pangarap
C. Karera ng Tilburin
D. Kuwento ni Mabuti
_____34. Anong bahagi ng dula ang kumikilos at nagbibigay buhay sa loob nito?.
A. saglit na kasiglahan C. tagpuan
B. sulyap sa suliranin D. tauhan
_____35. Ano ang tawag sa estropang may anim na taludtod?
A. Kinteto B. Kwarteto C. Santeto D. Tenseto
_____36.Anong uri ng kwento ang Home Along da Riles?
A. kapaligiran B. katatakutan C. katatawanan D. talino
_____37.Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
A. galaw B. kakalasan C. kasukdulan D. salitaan
_____38.Ang kuwentong ito ay tungkol sa matandang ipinagtatanggol ang karapatan niya sa kanyang lupa
na naisanla at napilitang magsaka at magtrabaho ang kanyang anak sa kabesa.
A. Impong Sela B. Kuwento Ni Mabuti C. Tata Selo D. Ruby
_____39.Si Cornele ay gustong sumulat ng sulatin ayon sa kanyang karanasan,Alin sa mga sumusunod
ang HINDI niya dapat isaalang-alang.
A. Ayusin ang banghay ng isinusulat na lathalain.
B. Gumamit ng mga salitang naaayon sa paksa.
C. Magpasok ng ibang paksa sa isinusulat na lathalain.
D. Lagyan ng mga kapana-panabik na pangyayari upang lalong maengganyo ang mga
mambabasa.
_____40.Basahin ang tula at siyasatin kung ilan ang sukat nito.
Matatamlay ang biyaya
Mula sa langit at lupa
Ngayon ito’y nagbabanta
Sa buhay ng bawat isa
A. 4 B. 5 C.6 D. 7
_____41.Ano ang tawag sa produkto ng malikot na imahinasyon at guniguni ng manunulat may tugma man
o wala,ang mahalaga ito ay nagbibigay buhay sa isang matulaing kaluluwa na may kariktang
humahaplos at tumitimo sa buhay katauhan ng bumabasa o bumibigkas nito?
A. Maikling Kuwento B. Sanaysay C. Tula D. Tayutay
_____42.Si Ronald ay napakagaling magtula,ang mga nakarinig sa kanya ay nadadala sa kanyang malinaw
at di malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa.Gumamit siya ng mga salitang
nasiyahan ang mga nakarinig at napukaw ang kanilang mga damdamin at kawilihan. Anong
sangkap ng tula ang kanyang napagtuunan ng pansin.
A. kariktan B.persona C. tono D. tugma
_____43.Anong uri ng tugma ang tulang ito: Matatanda ang may sabi sa buhay raw nitong tao
Buto’t laman ay hiwain, tadtarin nang pinung-pino
Hindi sapat na ibayad sa hirap at sakripisyo
Ng magulang na nagpalang pag-ibig ay bigay todo
A. Ganap B.Karaniwan C. Kopla D. Sesura
_____44.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga uri ng Estropa ayon kay Gabriel?
A. Kopla B. Santeto C. Sesura D. Tenseto
_____45.Ano ang tawag sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata,tumutukoy ito sa paggamit ng
magandang salita at tayutay?
A. kariktan B. sukat C. talinghaga D.tono
_____46.Alin sa mga sumusunod ang hindi napapabilang sa mga sangkap ng tula?
A. saknong B. sukat C.taludtod D. tono
_____47. Nakita ko ang salanggapang kong kaibigan. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. bobo B. mabait C. Mahilig mangutang D. walanghiya
_____48.Anong bahagi ng maikling kuwento na ang pinakamasidhing pananabik ang nadarama ng mga
mambabasa sapagkat dito ang pagpapangahas ng kapalaran ng pangunahing tauhan?
A. kasukdulan C.simula D. tunggalian D. wakas
_____49.Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
A. aktor B. direktor C. manonood D.tanghalan
_____50. Anong bahagi ng dula ang labas-masok sa kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa
eksena.
A.tagpo B. tanghal-eksena C.tanghalan D. yugto

PREPARED BY: REVIEWED BY: NOTED BY:

RONALD FRANCIS S. VIRAY MA. CRISTELYN M. PANER CORNELE L. TAYAG


Guro sa Malikhaing Pagsulat Master Teacher II/ Subject Group Head Principal II

You might also like