Professional Documents
Culture Documents
Docu Script
Docu Script
Disclaimer: No Students and Parents should not be exposed their identities as compliance to the
Data Privacy Act. Videos and Photos downloaded from the internet will be
acknowledged at the end of the video.
Introduction
Scene 2 (Ipapakita ang logo ng WHO at videos ng pag-aaralnmg ahensya ukol dito)
Narration Nagkaroon ng masusing pag-aaral ang World Health Organization noon o WHO
patungkol sa sakit na ito nang magsimulang bumilis ang pagkalat nito sa
maraming tao sa Probinsya ng Wuhan.
Scene 3 (Magpapakita ng videos ng mga paliparan sa iba’t ibang panig ng mundo, ang
paglabas masok ng mga turista sa mga bansa, mga dahilan ng pagpasok ng sakit
sa mga bansa)
Narration Naging mabilis ang pagkalat nito sa buong mundo at isa na rito ang Pilipinas kaya
tinawag agad itong isang Pandemya, ang sakit na biglang nagpatigil sa pag-ikot
ng mundo. Maraming ekonomiya mula sa iba’t ibang bansa ang bumagsak dulot
ng kawalan ng maraming trabaho ng tao, biglang tumigil ang pagsulat ng mga
lapis at ballpen sa mga papel na sinusulatan ng pangarap ng bawat mag-aaral,
tumigil ang lahat ng mga gulong ng sasakayang madalas na makikita sa mga
kalsada, mga usok na malalanghap mula sa mga ito. Sa isang iglap, kinontrol ng
sakit na ito ang tao.
Scene 6 (Larawan at Videos ng mga graduations, hanggat maaari ay mga local schools)
Narration Marso 15, nang taong kasalukuyan nang tuluyang kanselahin ang mga klase sa
kamaynilaan at kabilang na ang Lungsod ng Santa Rosa. Tumigil ang lahat ng
mga gawain sa mga paaralan maging ang mga pinakaaasam-asam ng mga
magsisipagtapos na mga mag-aaral, ang araw na matatanggap sana ang kanilang
pinaghirapang diploma sa maraming taon.
Tila abot kamay na pangarap para sa maraming mag-aaral na kung kelan malapit
na ang araw ng pagtatapos ay saka naman nagkaroon ng ganitong uri ng krisis ng
kalusugan sa buong mundo maging sa ating bansa.
Scene 7 (Mga Larawan ng DepEd, Sec. Briones at ilan pang opisyal, Mga programa ng
kagawaran, pakikipagpulong ng kagawaran sa pamahalaang nasyonal.)
Narration Subalit hindi natinag ang Department of Education para tumigil sa paghananap ng
solusyon upang maipagpatuloy ang nahintong pag-aaral ng mga kabataan. Kaya’t
agad naman silang naglunsad ng pinakamabisa at ligtas na paraan para magtuloy-
tuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral at ito aya ng DepEd Commons na loob
lamang ng ilang lingo ay ilang milyong bilang na mga mag-aaral ang gumamit nito
kasama ang mga magulang para sumubaybay sa kanilang mga anak.
Scene 8 (Mga larawan ng mga paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa, mga mag-aaral na
nagsisipasukan sa paaralan)
Narration Ito ang naging inspirasyon ng Kagawaran upang magtuloy-tuloy ang kaalaman ng
bawat kabataan sa kanilang mga tahanan.
At ngayong ngang nalalapit na ang pasukan, bagama’t naantala ang pagbubukas
nito, taliwas na nakaugalian.
Hunyo ang pagbubukas ng klase, lalong naging matibay ang damdamin ng
Kagawaran na walang anumang banta ang makahahadlang sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Bagyo at lindol man ay dumaan, digmaan man ay naranasan sa ilang
bahagi ng Mindanoa, at kahit sa gitna ng banta ng pandemya, hindi nagpapigil ang
DepEd para magpatuloy ang pagpanday sa karununggang taglay ng mga
kabataan.
Scene 9 (Mga Larawan/Video Footage ng SIHS, Mga mag-aaral at mga magulang) isang
Panayam
Narration Kabilang dito ang ating pinakamamahal na paaralan, ang SINALHAN
INTEGRATED HIGH SCHOOL. Ang paaralang naging daan para sa mas marami
pang mga magulang ng Barangay Sinlahan na maipagpatuloy ang kanilang
pangarap para sa kanilang mga anak. Ang paaralang nagsilbing tulay para sa mas
marami pang mga kabataan na muling makatuntong ng paaralan. Maranasan ang
saya habang natututo kasama ng mga kaibigan.
Scene 10 (Panayam sa ilang mga mag-aaral at mga magulang. TANDAAN: Pwedeng ipakita
ang mga mukha ng mga bata at mga magulang kung may written consent mula sa
magulang.
Narration Ang paaralang minsan nang nagbigay ng magandang buhay para sa mga mag-
aaral na nakapagtapos mula dito.
Scene 11 (Rewind ng buong pangyayari at biglang black and white ang videos ng panayam)
Narration Subalit sa isang kisap mata, ang paaralang minsan naging pandayan sa pagitan
ng lawa at kabukiran, ay biglang binago ng panahon,… ng pandemya. Ang dating
paaralang puno ng mga kasiyahan, mga tawanan matapos ang oras ng klase
habang sama-sama sa pag-uwi ang ilang magkakaibigan. Ngayo’y tanging
nakabibinging katahimikan ang maririnig mula sa kapaligiran. Nawala ang dating
sigla ng paaralang minsang nagbigay buhay sa mga mag-aaral. Takot ang
namayani sa maraming magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Scene 16 : (Photos ng Ginawang Virutal Kick off, National and Division Level. Papasok ang
Song ng National Winner ng Brigada Jingle)
Narration At ang lahat ng ito ay matutupad kung sila ay may kaagapay sa katuparan ng
kanilang mga pangarap at naniniwala kaming isa ka o kayo sa mga magiging daan
para tuluyang marating ang katagumpayang ito.
Scene 17 (Videos/photos ng mga mga guro, pumunuan, mga mag-aaral at mga magulang
in slow-mo) using the official SIHS Brigada Sign)
Narration Sampu ng pamunuan ng paaralan, mga guro, mga magulang at lalo’t higit ng mga
mag-aaral ay taus-pusong kumakatok sa inyong mga puso, gaano man kaliit ang
inyong maihahandog sa aming mga mag-aaral, pag ito ay
napagsama-sama, makabubuo tyo ng higit sa inaasahang laki nito sa tulong ng
ating Panginoon
Scene 18 (Larawan/Videos ng iba’t ibang learning modalities pero mas bibigyang pokus ang
Modulay Dsitance Learning)
Narration Sa kasalukuyan, ay patuloy na nangangalap ng datos ang paaralan sa kung
anong learning modalities ang kanilang pipiliin kung saan ay mangunguna ang
kaligtasan ng bawat isang mag-aaral kasama ng mga guro at mga magulang.
Narration Ganun din po ang mga school supplies tulad ng mga notebooks, pad papers,
ballpens, mga lapis at pambura, mga colored pencils o crayolas, sharpeners at
marami pa na magagamit ng mga kabataan para sa kanilang home schooling
Narration Tumatanggap din po kami ng mga medical and health supplies para sa patuloy na
kaligtasan ng mga guro para sa paghahatid ng mga modules sa bawat tahanan ng
mga mag-aaral tulad ng mga Alcohols, disenfectants, face masks, face shields,
eye protectors, surgical gloves, foot baths at mga multuvitamins na maaari din
naming ibahagi sa bawat pamilya ng aming mga mag-aaal
Narration Labis na biyaya na po ang aming ipagpapasalamat kung ang paaralan at mga
mag-aaral ay mabibiyaan ng mga Relevant technology materials/equipments tulad
ng laptops, desktops, tablets, smartphones, at internet connection modems kung
sakaling maisakatuparan ang online distance learning.
Narration Ganun din po ang ilang mga butong pananim na gulay para sa proyektong
“Gulayan sa Tahanan” ng mga mag-aaral upang makasisiguro po ang aming
paaralan na nakakakain ng masusustansyang gulang ang aming mga
mag-aaral.
Narration Nagyon pa lamang ay labis na ang aming pasasalamat sa lahat ng mga taong nais
tumulong sa para katagumpayan ng programang ito at tuloy-tuloy na pagkatuto ng
mga mag-aaral sa gitna ng hamong ito.
CREDITS/ACKNOWLEDGEMENT